Ang Capernaum, matatagpuan sa hilagang dalampasigan ng Dagat ng Galilea, ang sentro ng pagmiministeryo ni Jesus sa Galilea (Mat. 9:1–2; Marcos 2:1–5). Isang mahalaga at matagumpay na pangisdaan at sentro ng kalakalan, ito ay naging tahanan ng mga Gentil at gayon din ng mga Judio. Marahil ang dami ng tao rito noong unang siglo ay hindi aabot sa 1,000. Ang Capernaum ay matatagpuan sa krus na landas ng mahahalagang kalakalan, may matatabang lupaing nakapaligid dito. Nagtayo rito ang mga sundalong Romano ng mga bahay paliguan at imbakan, nakatulong sa maayos na kalagayang panlipunan na may mahuhusay na pagkakayaring pampublikong gusali. Sa kabila ng maraming himalang ginawa rito, kalimitang tinatanggihan ng mga tao ang pagmiministeryo ng Tagapagligtas. Kaya nga isinumpa ni Jesus ang lunsod (Mat. 11:20, 23–24). Sa paglipas ng panahon, ang Capernaum ay gumuho at nanatiling walang naninirahan.