15. Jerico
Ipinakikita ng larawang ito ang mga pananim sa kasalukuyang Jerico. Noong una ito ay isang lunsod na may muog sa lambak ng Ilog Jordan, 252 metro malalim sa kapatagan ng dagat. Ito ay mayamang pook na pang-agrikultura kung saan ang mga palmera at taniman ng mga sitrus ay yumayabong. Nakikita sa likuran ang kinaugaliang Bundok ng Panunukso (Mat. 4:1–11).
Mahahalagang Pangyayari: Malapit sa lugar na ito, unang tinawid ni Josue at ng mga anak ni Israel ang Ilog Jordan, papasok sa lupang pangako (Jos. 2:1–3; 3:14–16). Mahimalang pinabagsak ng Panginoon ang muog sa harapan ng hukbong Israelita (Jos. 6; tingnan din sa Heb. 11:30). Isinumpa ni Josue ang lunsod (Jos. 6:26), na natupad (1 Hari 16:34). Pinagaling ni Eliseo ang mga tubig ng Jerico (2 Hari 2:18–22). Patungo sa kanyang huling pagdalaw sa Jerusalem, ang Tagapagligtas ay dumaan dito, pinagaling ang bulag na si Bartimeo at nakitahan kay Zaqueo, ang maniningil ng buwis (Marcos 10:46–52; Lucas 18:35–43; 19:1–10). Ang daan sa Jerico mula sa Jerusalem ay itinampok sa talinghaga ng mabuting Samaritano (Lucas 10:30–37).