Mapa 12
Jerusalem Noong Kapanahunan ni Jesus
-
Golgota Pook kung saan maaaring ipinako si Jesus (Mat. 27:33–37).
-
Libingan sa Halamanan Inilibing si Jesus (Juan 19:38–42). Ang nagbangong Cristo ay nagpakita kay Maria Magdalena sa halamanan (Juan 20:1–17).
-
Muog ng Antonia Maaaring sa pook na ito pinaratangan, hinatulan, kinutya, at pinahirapan si Jesus (Juan 18:28–19:16). Si Pablo ay dinakip at muling isinalaysay ang kuwento ng kanyang pagbabalik-loob (Gawa 21:31–22:21).
-
Lawa ng Betesda Pinagaling ni Jesus ang isang lumpo sa araw ng Sabbath (Juan 5:2–9).
-
Templo Ipinangako ni Gabriel kay Zacarias na si Elisabet ay magsisilang ng anak na lalake (Lucas 1:5–25). Ang tabing ng templo ay napunit sa pagkamatay ng Tagapagligtas (Mat. 27:51).
-
Portiko ni Solomon Ipinahayag ni Jesus na siya ang Anak ng Diyos. Tinangka ng mga Judio na batuhin siya (Juan 10:22–39). Nangaral ng pagsisisi si Pedro matapos pagalingin ang isang pilay na lalaki (Gawa 3:11–26).
-
Pintuang-bayan na Maganda Pinagaling nina Pedro at Juan ang isang pilay na lalaki (Gawa 3:1–10).
-
Taluktok ng Templo Si Jesus ay tinukso ni Satanas (Mat. 4:5–7). (May dalawang kinaugaliang lugar para sa pangyayaring ito.)
-
Banal na Bundok (mga di matukoy na lugar)
-
Pinaniniwalaan na dito nagtayo si Abraham ng dambana para sa paghahain kay Isaac (Gen. 22:9–14).
-
Itinayo ni Solomon ang templo (1 Hari 6:1–10; 2 Cron. 3:1).
-
Winasak ng mga taga-Babilonia ang templo mga 587 B.C. (2 Hari 25:8–9).
-
Muling itinayo ni Zorobabel ang templo mga 515 B.C. (Ezra 3:8–10; 5:2; 6:14–16).
-
Nilawakan ni Herodes ang liwasan ng templo at itinayong muli ang templo simula noong 17 B.C. Iniharap si Jesus nang sanggol pa lamang (Lucas 2:22–39).
-
Sa gulang na 12, nagturo si Jesus sa templo (Lucas 2:41–50).
-
Nilinis ni Jesus ang templo (Mat. 21:12–16; Juan 2:13–17).
-
Nagturo si Jesus sa templo sa iba’t ibang pagkakataon (Mat. 21:23–23:39; Juan 7:14–8:59).
-
Winasak ng mga Romano ang templo noong A.D. 70 sa ilalim ni Tito.
-
-
Halamanan ng Getsemani Si Jesus ay nagdusa, ipinagkanulo, at dinakip (Mat. 26:36–46; Lucas 22:39–54).
-
Bundok ng mga Olibo
-
Ipinahayag ni Jesus ang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo. Binanggit din niya ang tungkol sa Ikalawang Pagparito (Mat. 24:3–25:46; tingnan din sa JS—M).
-
Mula rito umakyat si Jesus sa langit (Gawa 1:9–12).
-
Noong ika-24 ng Oktubre 1841, inilaan ni Elder Orson Hyde ang Banal na Lupain para sa pagbabalik ng mga anak ni Abraham.
-
-
Bukal ng Gihon Pinahiran ng langis si Solomon bilang hari (1 Hari 1:38–39). Nagpahukay si Ezechias ng isang tunel upang dumaloy ang tubig mula sa bukal patungong lunsod (2 Cron. 32:30).
-
Pintuang-bayan ng mga Tubig Binasa at binigyang-kahulugan ni Ezra ang kautusan ni Moises sa mga tao (Neh. 8:1–8).
-
Lambak ng Hinnom Ang diyus-diyusang si Moloch ay sinamba, kabilang ang paghahain ng bata (2 Hari 23:10; 2 Cron. 28:3).
-
Bahay ni Caifas Dinala si Jesus sa harapan ni Caifas (Mat. 26:57–68). Ipinagkaila ni Pedro na kilala niya si Jesus (Mat. 26:69–75).
-
Silid sa Itaas Ang kinaugaliang lugar kung saan kumain si Jesus ng hapunan ng Paskua at pinasimulan ang sakramento (Mat. 26:20–30). Hinugasan niya ang mga paa ng Labindalawa (Juan 13:4–17) at tinuruan sila (Juan 13:18–17:26).
-
Palasyo ni Herodes Maaaring sa lugar na ito, dinala si Cristo sa harapan ni Herodes (Lucas 23:7–11).
-
Jerusalem (mga di matukoy na lugar)
-
Namahala si Melquisedec bilang hari ng Salem (Gen. 14:18).
-
Nasakop n1 Haring David ang lunsod mula sa mga Jebuseo (2 Sam. 5:7; 1 Cron. 11:4–7).
-
Nawasak ang lunsod ng mga taga-Babilonia mga 587 B.C. (2 Hari 25:1–11).
-
Napasa-marami ang Espiritu Santo sa araw ng Pentecostes (Gawa 2:1–4).
-
Sina Pedro at Juan ay dinakip at dinala sa harapan ng kalipian (Gawa 4:1–23).
-
Nagsinungaling sa Panginoon sina Ananias at Safira at nangamatay (Gawa 5:1–10).
-
Sina Pedro at Juan ay dinakip, subalit isang anghel ang nagpalaya sa kanila mula sa bilangguan (Gawa 5:17–20).
-
Pumili ang mga Apostol ng pitong kalalakihang makakatulong nila (Gawa 6:1–6).
-
Ang patotoo ni Esteban ay tinanggihan ng mga Judio, at pinagbabato siya hanggang sa mamatay (Gawa 6:8–7:60).
-
Si Santiago ay pinatay na martir (Gawa 12:1–2).
-
Pinalaya si Pedro ng isang anghel mula sa bilangguan (Gawa 12:5–11).
-
Nagpasiya ang mga Apostol tungkol sa usapin ng pagtutuli (Gawa 15:5–29)
-
Winasak ng mga Romano sa ilalim ni Tito ang lunsod noong A.D. 70.
-