20. Joppe
Tumatanaw pahilagang-kanluran sa daungang-lunsod ng Joppe.
Mahahalagang Pangyayari: Nagtungo si Jonas sa Joppe upang sumakay sa isang daong patungong Tarsis (Jonas 1:1–3). Ang Joppe ang daungang-dagat na ginamit ni Solomon at di naglaon ni Zorobabel sa pagdadala ng mga kahoy mula sa mga kagubatan ng sedro ng Libano upang maitayo ang kanilang mga templo (2 Cron. 2:16; Ezra 3:7). Dito muling binuhay ni Pedro si Tabita, na kilala rin bilang Dorcas (Gawa 9:36–43). Nagkaroon din ng pangitain si Pedro tungkol sa malilinis at maruruming hayop, ipinaalam sa kanya ang pangangailangang simulan ang ministeryo sa mga Gentil (Gawa 10). Dumating dito si Orson Hyde upang ilaan ang Banal na Lupain noong 1841.