Mga Tulong sa Pag-aaral
31. Efeso


31. Efeso

Ang mga guho ng dulaang Griyego sa Efeso, kung saan nangaral si Apostol Pablo. Noong panahon ng Bagong Tipan, ang Efeso ay tanyag sa lahat ng dakong kilala ng daigdig dahil sa maringal na templo nito na itinayo bilang parangal sa paganong Romanong diyus-diyusan na si Diana. Ngayon ay guho na, ang Efeso ay minsang naging kabisera ng lalawigan ng Romano ng Asia at isa itong malaking sentro ng kalakal. Ang mga panday-pilak ng lunsod ay unti-unting umunlad sa pangangalakal sa paglalako ng imahen ni Diana.

Mahahalagang Pangyayari: Dinalaw ni Apostol Pablo ang Efeso nang malapit ng matapos ang kanyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero (Gawa 18:18–19). Sa kanyang ikatlong paglalakbay siya ay namalagi sa lunsod sa loob ng dalawang taon. Napilitan siyang lumisan dahil sa pagkakagulo na likha ng mga panday-pilak na nawawalan ng hanap-buhay dahil sa pangangaral ni Pablo laban sa pagsamba sa diyus-diyusang si Diana (Gawa 19:1, 10, 23–41; 20:1). Ang dulaan sa Efeso noon ang pinakamalaking naitayo ng mga Griyego at ang pook kung saan ang mga kasama ni Pablo ay humarap sa mga mandurumog (Gawa 19:29–31). Lumiham si Pablo sa mga kasapi ng Simbahan sa Efeso habang siya ay bihag sa Roma. Isa sa pitong sangay ng Simbahan sa Asia kung saan ang aklat ng Apocalipsis ay ipinatutungkol ay matatagpuan sa Efeso (Apoc. 1:10–11; 2:1).

Larawan 31

31. Efeso Dito nangaral si Pablo laban sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at nagalit ang mga panday-pilak na ang kanilang ikinabubuhay ay paglalako ng mga imahen ng diyus-diyusang si Diana (tingnan sa Gawa 19:24–41).