2. Bundok ng Sinai (Horeb) at ang Ilang ng Sinai
Ang mga nag-uusliang bundok ay ang mga taluktok ng Jebel Musa (Bundok ni Moises). Maraming posibleng pook para sa Bundok ng Sinai. Isa sa higit na itinatanging lugar ang Jebel Musa.
Mahahalagang Pangyayari: Nagpakita ang Diyos kay Moises at ibinigay sa kanya ang Sampung Utos (Ex. 19–20). Nakita at nakipag-usap sa Diyos sina Moises, Aaron, dalawa sa mga anak na lalaki ni Aaron, at 70 mga elder (Ex. 24:9–12). Binigyan ng Diyos si Moises ng mga tagubilin para sa pagtatayo ng tabernakulo (Ex. 25–28; 30–31). Ang mga Israelita ay sumamba sa isang gintong guya na hinikayat nilang gawin ni Aaron (Ex. 32:1–8). Sa lupaing ito nagtungo si Elijah sa pagtakas mula sa Lambak ng Jezreel kung saan naninirahan si Reyna Jezabel (1 Hari 19:1–18). Dito rin nakipag-usap si Elijah sa Diyos (1 Hari 19:8–19).