Mga Tulong sa Pag-aaral
5. Libingan ng mga Patriyarka


5. Libingan ng mga Patriyarka

Isa sa pinakatanyag na gusali sa buong Banal na Lupain. Ito ay ipinatayo sa Hebron n1 Haring Herodes sa kinaugaliang pook ng yungib ng Macpela, na binili ni Abraham bilang pook na paglilibingan ng mag-anak (Gen. 23).

Mahahalagang Pangyayari: Pook na pinaglibingan kina Sara (Gen. 23) at Abraham (Gen. 25:9). Sina Isaac, Rebeca, at Lea ay dito rin inilibing (Gen. 49:30–31). Ang katawan ni Jacob ay dinala mula Egipto patungong Canaan at inilibing sa yungib (Gen. 50).

Larawan 5

5. Libingan ng mga Patriyarka Sinasabing ang gusaling ito sa Hebron ay itinayo sa pook na pinaglibingan kina Abraham, Isaac, at Jacob.