22. Bundok ng Tabor
Tumatanaw pahilagang-kanluran. Ang Lambak ng Jezreel ang lambak na pumapalibot sa Bundok ng Tabor, na nakilala rin bilang Kapatagan ng Esdraelon. Ang Nazaret ay nasa dako ng mga burol sa ibayo ng Bundok ng Tabor.
Mahahalagang Pangyayari: Tinipon nina Debora at Barac ang hukbo ng Panginoon laban kay Jabin, hari ng Hazor (Huk. 4:4–14). Ang Bundok ng Tabor ay isa sa mga kinaugaliang pook ng Pagbabagong-anyo ng Tagapagligtas (Mat. 17:1–9); ang isa pa ay ang Bundok ng Hermon. (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagbabagong-anyo.”)