Mga Tulong sa Pag-aaral
29. Atenas


29. Atenas

Ipinakikita ng larawang ito ang mga guho ng Partenon sa Atenas. Ang Atenas ang sinaunang Griyegong kabisera ng Attica at noong panahon sa Bagong Tipan ay nasa lalawigan ng Romano ng Acaya. Ito ay pinangalanan nang gayon bilang parangal sa paganong Griyegong diyus-diyusan na si Atena. Sa panahon ng Bagong Tipan, malaki na ang nawala sa Atenas sa dati nitong kadakilaan at kaluwalhatian, gayunman ay naroroon pa rin ang mga rebulto at bantayog ng maraming diyus-diyusan, kabilang na ang “diyos na hindi kilala” (Gawa 17:23).

Mahahalagang Pangyayari: Dinalaw ni Apostol Pablo ang lunsod at nangaral sa Burol ni Marte, malapit sa Partenon (Gawa 17:15–34). Isinugo ang mga misyonero mula sa Atenas patungo sa iba pang dako ng Grecia (1 Tes. 3:1–2).

Larawan 29

29. Atenas Ang Partenon, na kuha rito, ay malapit sa Burol ni Marte, kung saan ipinangaral ni Pablo ang kanyang sermon tungkol sa “diyos na hindi kilala” (tingnan sa Gawa 17:15–34).