Mga Tulong sa Pag-aaral
Mga Mapa at Talatuntunan ng mga Pangalan ng Lugar


Mga Mapa at Talatuntunan ng mga Pangalan ng Lugar

Ang mga sumusunod na mapa ay makatutulong sa inyo upang higit na maunawaan ang mga banal na kasulatan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa heograpiya ng mga lupaing tinatalakay sa mga banal na kasulatan, higit ninyong mauunawaan ang mga pangyayari sa banal na kasulatan.

  1. Pisikal na Mapa ng Banal na Lupain

  2. Exodo ng Israel mula Egipto at Pagpasok sa Canaan

  3. Ang Pagkakahati ng 12 Lipi

  4. Ang Imperyo Nina David at Solomon

  5. Ang Imperyo ng Asiria

  6. Ang Bagong Imperyo ng Babilonia (Nabucodonosor) at ang Kaharian ng Egipto

  7. Ang Imperyo ng Persia

  8. Ang Imperyo ng Roma

  9. Ang Daigdig ng Lumang Tipan

  10. Canaan Noong Panahon ng Lumang Tipan

  11. Ang Banal na Lupain Noong Panahon ng Bagong Tipan

  12. Jerusalem Noong Kapanahunan ni Jesus

  13. Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo Bilang Misyonero

  14. Ang Taas at Lalim ng Banal na Lupain sa Kapantayan ng Dagat Noong Panahon ng Biblia

Ang alpabetikong talatuntunan ng mga pangalan ng lugar ay makatutulong sa inyo na matagpuan ang isang lugar sa mga mapa. Napapaloob sa bawat tala ang bilang ng mapa na sinusundan ng sanggunian na binubuo ng pinagsamang titik-bilang. Halimbawa, ang tala para sa Rabba (Amman) sa unang mapa ay 1:D5; ito nga ay, mapa 1, parisukat D5. Matutukoy ninyo ang tiyak na parisukat sa bawat mapa sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga pagtutugma sa itaas at gilid ng mapa. Ang mga iba pang katawagan sa mga lugar ay nasusulat sa loob ng panaklong; halimbawa, Rabba (Amman). Ipinahihiwatig ng tandang pananong na kasunod ng pangalan sa mapa na ang lugar na ipinakikilala sa mapa ay maaari o malamang na naroroon subalit hindi pa tiyak.

Ang mga sumusunod ay susi sa pag-unawa sa iba’t ibang tanda at titik na ginamit sa mga mapa. Bilang karagdagan, ang bawat mapa ay nalalakipan ng mga susing paliwanag sa mga dagdag na tanda na nauukol lamang sa mismong mapang yaon.

Isang pulang tuldok na sumasagisag sa isang lunsod o bayan. Isang guhit ang paminsan-minsang nakaturo magmula sa tuldok sa pangalan ng isang lunsod o lugar.

Isang maliit na itim na tatsulok na sumasagisag sa isang bundok.

Patay na Dagat

Ang titik na ito ay ginagamit para sa mga heograpikong lugar na tulad ng mga karagatan, lawa, ilog, bundok, ilang, lambak, disyerto, at pulo.

Jerusalem

Ang titik na ito ay ginagamit para sa lahat ng lunsod at bayan (at para sa mga detalyadong lugar sa mapa ng lunsod ng Jerusalem).

Moab

Ang titik na ito ay ginagamit para sa mas maliliit na pagkakahating politikal na tulad ng mga rehiyon, tao, at lipi.

Judea

Ang titik na ito ay ginagamit para sa mas malalaking pagkakahating politikal na tulad ng mga bansa, bayan, at lupalop.