10. Mga Baitang Patungong Templo
Ang pook ng templo ay nahahati sa mga bulwagan, at ang panlabas na bulwagan ay nasa pinakamababang silong. Ang mga nagsisipagsamba ay pumapasok sa iba’t ibang pintuan, kabilang na ang mga patungo sa itaas mula sa mga baitang na ito papasok sa panlabas na bulwagan at pagkatapos ay patungong panloob na bulwagan. Libu-libong tao na ang nagsiakyat sa mga baitang na ito sa paglipas ng panahon, kabilang na ang Anak ng Diyos. Nang wasakin ng hukbo ni Tito ang templo noong A.D. 70, ang mga baitang na ito ay natabunan ng mga labi. Lumitaw ang mga ito sa paghuhukay ng isang bahagi ng lumang lunsod ng Jerusalem.
Mahalagang Pangyayari: Nakita ni Ezekiel sa isang pangitain ang sukat at ayos ng templo sa hinaharap (Ez. 40). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Templo, Bahay ng Panginoon.”)