11. Bundok ng mga Olibo, Liwasang Orson Hyde
Ang tanawing ito ay patimog-kanluran mula sa Liwasang Orson Hyde sa Bundok ng mga Olibo patungong Jerusalem. Ang Halamanan ng Getsemani ay nasa kanlurang libis ng Bundok ng mga Olibo. Noong ika-24 ng Oktubre 1841, umakyat si Elder Orson Hyde sa Bundok ng mga Olibo at nag-alay ng isang mapropesiyang panalangin ng paglalaan para sa pagbabalik ng mga anak ni Abraham at pagtatayo ng templo.
Mahahalagang Pangyayari: Winasak ng Roma ang Jerusalem noong A.D. 70 gaya ng unang sinabi ng Tagapagligtas (tingnan sa JS—M 1:23). Ang Tagapagligtas ay titindig sa Bundok ng mga Olibo bago ang kanyang pagpapakita sa lahat ng sanlibutan. (Tingnan sa Zac. 14:3–5; D at T 45: 48–53; 133:19–20; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Olibo, Bundok ng mga.”)