25. Ilog Jordan
Ang Ilog Jordan ay nagmumula sa hilaga ng Dagat ng Galilea, dumadaloy rito, at pagkatapos ay patuloy na dumadaloy sa timog patungo sa Patay na Dagat.
Mahahalagang Pangyayari: Pinili ni Lot ang kapatagan ng Jordan para sa kanyang sarili (Gen. 13:10–11). Hinawi ni Josue ang mga tubig, na nagbigay-daan sa mga Israelita upang makatawid patungo sa lupang pangako (Jos. 3:13–17; 4:1–9, 20–24). Hinawi nina Elijah at Eliseo ang mga tubig (2 Hari 2:5–8, 12–14). Napagaling ang ketong ni Naaman (2 Hari 5:1–15). Si Juan Bautista ay nagbinyag ng maraming tao, kabilang ang Tagapagligtas (Mat. 3:1–6, 13–16). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ilog Jordan.”)
25. Ilog Jordan Kuha ang larawang ito malapit sa labasan ng ilog mula sa Dagat ng Galilea.