3. Ilang ng Judea at ang Patay na Dagat
Tumatanaw patimog-silangan sa ilang ng Judea. Nakikita sa likuran ang Patay na Dagat.
Mahahalagang Pangyayari: Ang ilang ng Judea ay isang mahalagang kanlungan sa maraming pagkakataon noong sinaunang kasaysayan. Nagtago si David mula kay Haring Saul (1 Sam. 26:1–3). Nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at 40 gabi (Mat. 4:1–11; Marcos 1:12–13). Ginamit ni Jesus ang daan mula sa Jerusalem patungong Jerico na tumatahak sa ilang ng Judea bilang tagpo para sa talinghaga ng mabuting Samaritano dahil ang mag-isang naglalakbay sa pook na iyon ay madaling biktima (Lucas 10:25–37). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Patay na Dagat.”)
3. Ilang ng Judea at ang Patay na Dagat Nagtungo ang Tagapagligtas sa ilang upang manalangin nang taimtim sa kanyang Ama.