4. Cades-barnea
Ito ang hilagang-silangang tanawin ng malawak na lambak ng disyerto (na tinatawag ding wadi) kung saan naroon ang Cades-barnea. Ang tubig na dumadaloy rito sa panahon ng tag-ulan ang nagpapatubig at nagpapayabong sa dakong ito ng ilang ng Zin.
Mahahalagang Pangyayari: Ito marahil ang dako kung saan isinugo ni Moises ang 12 kalalakihan upang magtiktik sa lupain ng Canaan (Blg. 13:17–30). Ito ang nagsilbing kuta para sa mga Israelita sa loob ng 38 ng halos 40 taon nilang paglibot sa ilang (Deut. 2:14). Dito namatay at inilibing si Miriam (Blg. 20:1). Ito ang lugar ng paghihimagsik ni Core, ang pagbulung-bulong ng mga tao, at ang pamumulaklak ng tungkod ni Aaron (Blg. 16–17). Sa malapit dito humampas ng bato si Moises at lumabas ang tubig (Blg. 20:7–11).