Mga Tulong sa Pag-aaral
19. Cesarea at ang Kapatagan ng Saron hanggang sa Carmelo


19. Cesarea at ang Kapatagan ng Saron hanggang sa Carmelo

Tumatanaw pahilaga sa kabilang panig ng sinaunang daungang-dagat ng Cesarea. Natatanaw rin ang kahabaan ng Bundok ng Carmelo sa may dakong itaas ng larawan.

Mahahalagang Pangyayari: Hinarap ni Elijah ang mga huwad na propeta ni Baal sa Bundok ng Carmelo (1 Hari 18). Ang Via Maris (Daan ng Karagatan), isang mahalagang daan noong unang panahon, ay nasa dakong silangan ng Cesarea. Matapos ang isang hindi pangkaraniwang pangitain samantalang nasa Joppe, sinimulan ni Pedro ang pagmiministeryo sa mga Gentil sa pamamagitan ng pagtuturo sa isang Romanong senturion na nagngangalang Cornelio sa Cesarea (Gawa 10). Si Felipe ay nangaral at nanirahan dito at nagkaroon ng apat na anak na babae na nagsisipagpropesiya (Gawa 8:40; 21:8–9). Si Pablo ay naging isang bilanggo sa lunsod sa loob ng dalawang taon (Gawa 23–26). Siya ay nangaral kina Felix, Festo, at Herodes Agripa II, na nagsabing, “Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano” (Gawa 26:28).

Larawan 19

19. Cesarea at ang Kapatagan ng Saron hanggang sa Carmelo Nangaral si Pablo kay Haring Agripa sa lunsod na ito (tingnan sa Gawa 26).