26. Cesarea ni Filipo
Ang bukal na ito ay matatagpuan sa may paanan ng Bundok ng Hermon. Ito ay isa sa mga bukal na pinagmumulan ng Ilog Jordan. Si Herodes Filipo, na siyang namamahala sa pook na ito, ay nagtayo rito ng isang lunsod bilang parangal kay Cesar (na kanyang emperador) at sa kanyang sarili; tinawag noon ang lunsod na Panias at ngayon ito ay tinatawag na Banias o Cesarea ni Filipo.
Mahalagang Pangyayari: Pinulong ng Tagapagligtas sa Cesarea ni Filipo ang kanyang mga disipulo. Dito ipinahayag ni Pedro na ang Tagapagligtas ay “ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Ipinangako pagkatapos ng Tagapagligtas kay Pedro “ang mga susi ng kaharian ng langit” (Mat. 16:13–20).