14. Libingan sa Halamanan
Ito ay isang kinaugaliang pook na pinaglibingan sa Tagapagligtas. Ilan sa mga makabagong propeta ang nakadama na dito sa libingan sa halamanan inilagay ang katawan ng Tagapagligtas.
Mahahalagang Pangyayari: Pagkamatay sa krus ng Tagapagligtas, ang kanyang katawan ay inilagay sa isang bagong libingan na inuka sa isang malaking bato (Mat. 27:57–60). Sa ikatlong araw, ilang kababaihan ang nagtungo sa libingan at natuklasang wala roon ang katawan ng Tagapagligtas (Mat. 28:1; Juan 20:1–2). Nagtungo rin ang mga Apostol na sina Pedro at Juan sa libingan at nakitang wala roon ang katawan ng Tagapagligtas (Juan 20:2–9). Ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ay nagpakita kay Maria Magdalena (Juan 20:11–18).