Seminary
Mateo 3:13–17, Bahagi 1


Mateo 3:13–17, Bahagi 1

Si Jesucristo ay Bininyagan ni Juan na Tagapagbautismo

Larawan
Jesus Christ being baptized by John the Baptist in the River Jordan. Christ has been immersed and is ascending out of the water.

Pumunta si Jesucristo kay Juan na Tagapagbautismo upang magpabinyag sa kanya. Makatutulong sa iyo ang lesson na ito na maunawaan at maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Paggamit ng Aklat ni Mormon upang linawin ang katotohanan. Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mahalagang doktrinang itinuro sa Biblia sa pamamagitan ng paggamit ng Aklat ni Mormon upang pagtibayin at linawin ang katotohanan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanda para sa klase sa pamamagitan ng pag-iisip kung paano nila ipapaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa kanilang mahal sa buhay na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kahalagahan ng binyag

Isipin ang mga mahal mo sa buhay na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ipagpalagay na nakikipag-usap ang isa sa kanila sa mga missionary. Ano kaya ang mararamdaman mo? Ipagpalagay na hiniling sa iyo ng mga missionary na ipaliwanag mo ang kahalagahan ng pagpapabinyag. Isipin kung ano ang maaari mong sabihin na makatutulong sa iyong mahal sa buhay na gawin ang mahalagang hakbang na ito.

  • Sa scale na 1 hanggang 10 (1 = hindi handa; 10 = lubos na handa), gaano ka kahandang ipaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa paraang makatutulong sa iyong mahal sa buhay na naisin niyang magpabinyag?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang tanong na ito sa pamamagitan ng pagtataas ng angkop na bilang ng mga daliri sa kanilang mga kamay.

  • Ano ang gusto mo pang malaman tungkol sa binyag para mas maging handa kang ipaliwanag ang kahalagahan nito?

Tandaan ang mga aspekto ng binyag na gusto pang malaman ng mga estudyante. Habang nagtuturo, sikaping bigyang-diin ang anumang materyal sa lesson na tutulong sa pagsagot sa kanilang mga tanong.

Sa lesson ngayon, magkakaroon ka ng pagkakataong pag-aralan ang doktrina ng binyag at sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa paksa. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong magsanay sa pagpapaliwanag ng natutuhan mo.

Si Jesucristo ay bininyagan upang ipakita sa atin ang daan

Maaari mong ipakita ang mapa 11, “ Ang Banal na Lupain Noong Panahon ng Bagong Tipan ,”sa bahaging Mga Mapa at mga Larawan sa Biblia ng Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library app o sa ChurchofJesusChrist.org.

Larawan
Map 11 - The Holy Land in New Testament Times

Naglakbay si Jesus mula Galilea patungo sa Betabara, marahil nang naglalakad, upang magpabinyag kay Juan na Tagapagbautismo (tingnan sa Mateo 3:13 ; Juan 1:28 ; 1 Nephi 10:9). Hawak ni Juan ang mga susi ng Aaronic Priesthood at nagbibinyag siya ng mga tao sa Ilog ng Jordan (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Juan Bautista ,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Gamit ang isa sa mga scale sa mapa, tantiyahin ang layong nilakbay ng Tagapagligtas.

  • Ano kaya ang itinuturo sa iyo ng pagsisikap ng Tagapagligtas na magpabinyag kay Juan tungkol sa Kanya at sa binyag?

Basahin ang Mateo 3:13–17 , at ipagpalagay na naroon ka sa binyag ng Tagapagligtas. Maghanap ng mahahalagang detalye tungkol sa Tagapagligtas at sa binyag na gusto mong tandaan.

  • Kung naroon ka sa binyag ng Tagapagligtas, ano ang gugustuhin mong matandaan mula sa karanasang ito?

  • Ano sa palagay mo ang matututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at sa binyag?

Ang ilan sa mga katotohanang maaaring matuklasan ng mga estudyante ay maaaring nakasentro sa Panguluhang Diyos. Kung ang “Mateo 3:13–17, Bahagi 2” ang susunod na ituturong lesson, maaari mong ipaalam sa mga estudyante na tatalakayin nang mas detalyado dito ang tungkol sa Panguluhang Diyos.

Isipin kung ano ang maaari mong ibahagi sa iyong kaibigan o kapamilya tungkol sa binyag ni Jesucristo na maaaring makatulong sa kanya.

Maaari ding makatulong na pag-isipan kung ano ang maaaring maging mga tanong ng iyong kaibigan o kapamilya tungkol sa binyag. Maaaring masagot ang ilan sa mga tanong niya sa Mateo 3 . Bukod pa rito, ang Aklat ni Mormon ay isang inspiradong resource na naglilinaw sa maraming katotohanan tungkol sa binyag. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga tanong na maaaring itanong ng isang taong hindi nauunawaan ang kahalagahan ng binyag. Pumili ng isang tanong na sa palagay mo ay maaaring itanong ng iyong kaibigan o kapamilya. Pagkatapos ay pag-aralan ang kaugnay na mga scripture verse sa Aklat ni Mormon at alamin kung paano ka matutulungan ng mga ito na masagot ang tanong na iyon.

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong at reperensyang banal na kasulatan.

  • Kahit bininyagan si Jesus, kailangan ko rin bang magpabinyag? Bakit oo o bakit hindi? (Tingnan sa 2 Nephi 9:21, 23–24 ; 2 Nephi 31:5, 10–11 .)

  • Bakit ko gugustuhing magpabinyag? Anong mga biyaya ang matatanggap ko? (Tingnan sa 2 Nephi 31:12–13, 17–18 .)

  • Nagpunta si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo para magpabinyag. Sino ang maaaring magbinyag sa akin? (Tingnan sa 3 Nephi 11:19–22 .)

  • Si Jesus ay bininyagan sa Ilog ng Jordan at umahon sa tubig. Kailangan ko bang ganap na malubog sa tubig, o may iba pa bang paraan para mabinyagan? (Tingnan sa 2 Nephi 31:13 ; 3 Nephi 11:23–26 .)

  • Kung bibinyagan ako upang malinis mula sa kasalanan, bakit bininyagan si Jesus? Wala Siyang kasalanan, ‘di ba? (Tingnan sa 2 Nephi 31:5–11 .)

Gamit ang natutuhan mo sa Mateo 3:13–17 at sa Aklat ni Mormon, isulat kung paano mo ipapaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa iyong kapamilya o kaibigan.

Kapag natapos na ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral, sabihin sa kanila na isadula kung paano nila ipapaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa kanilang mga kaibigan o kapamilya.

Kung inspirado ka, maaari mong ibahagi ang iyong paliwanag sa isang kaibigan o kapamilya na hindi pa nabibinyagan bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang pagbabahagi sa isang taong nabinyagan na ay maaari ding maging makabuluhang aktibidad.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mateo 3:13 . Bakit nagpunta si Jesus kay Juan para magpabinyag?

Ipinaliwanag ni Joseph Smith ang awtoridad na hawak ni Juan na Tagapagbautismo nang sabihin niyang:

Larawan
Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Si Juan, noong panahong iyon, ang tanging legal na tagapangasiwa sa mga gawain ng kaharian na nasa lupa noon, at mayhawak ng mga susi ng kapangyarihan. Kinailangang sundin ng mga Judio ang kanyang mga tagubilin o mapapahamak sila, ayon sa sarili nilang batas. … Kinuha ng anak ni Zacarias ang mga susi, ang kaharian, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian mula sa mga Judio, sa pamamagitan ng banal na pagpapahid ng langis at utos ng langit.

Paano natin malalaman na mahalaga ang binyag?

Itinuro ng Tagapagligtas ang tungkol sa kahalagahan ng binyag nang sabihin Niya kay Nicodemo na kailangan ito upang makapasok sa kaharian ng Diyos (tingnan sa Juan 3:5). Itinuro din Propetang Joseph Smith na napakahalaga ng binyag sa kaligtasan:

Larawan
Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Magsisi sa lahat ng kasalanan ninyo, at mabinyagan sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, at tanggapin ang ordenansa ng pagpapatong ng mga kamay ng taong naorden at nabuklod sa kapangyarihang ito, upang matanggap ninyo ang Banal na Espiritu ng Diyos; at ito ay alinsunod sa mga Banal na Kasulatan, at sa Aklat ni Mormon; at ang tanging paraan para makapasok ang tao sa kahariang selestiyal.

Paano nililinaw ng Aklat ni Mormon ang doktrina ng binyag na itinuro sa Biblia?

Itinuro ni Elder Tad R. Callister ng Panguluhan ng Pitumpu:

Larawan
Brother Tad R. Callister, Sunday school General President. Official Portrait 2018.

Muli’t muli ang Aklat ni Mormon ang saksing nagpapatibay, naglilinaw, pinagkakaisa ang mga doktrinang itinuro sa Biblia kaya mayroon lang “isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.” …

May iba’t ibang paraan ng binyag sa mundo ngayon kahit sinabi sa atin ng Biblia kung paano bininyagan ang Tagapagligtas, na ating dakilang Huwaran: “[Siya], pagdaka’y umahon sa tubig” ( Mateo 3:16). Makakaahon ba siya mula sa tubig kung hindi muna Siya lumubog doon? Para walang pagtatalo tungkol sa paksang ito, niliwanag ito ng Aklat ni Mormon sa tuwirang pahayag na ito ng doktrina tungkol sa tamang paraan ng pagbibinyag: “At pagkatapos inyo silang ilulubog sa tubig” ( 3 Nephi 11:26).

(Tad R. Callister, “Ang Aklat ni Mormon—Isang Aklat mula sa Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 75–76)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga alternatibong paraan upang simulan ang lesson

Opsiyon 1Maaari kang gumawa ng isang maze na kukumpletuhin ng mga estudyante sa papel o sa pisara na may iisang posibleng solusyon lamang. Maaaring sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung anong mga espirituwal na aral ang matututuhan sa aktibidad na ito. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon lamang ng isang paraan para tapusin ang maze? Maaari mong gamitin ang impormasyon sa sumusunod na talata para ipabatid ang paksang binyag bilang mahalagang bahagi ng daan pabalik sa ating tahanan sa langit.Bagama’t maaaring lubos na magkakaiba ang mga sitwasyon sa ating buhay, may isang paraan lamang upang makabalik sa ating Ama sa Langit, at ang paraang iyan ay naging posible sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo (tingnan sa Juan 14:6 ; Mosias 3:9, 17). Sa pamamagitan ng Kanyang halimbawa at mga turo, ipinakita ni Jesucristo na ang isang napakahalagang bahagi ng ating paglalakbay ay ang ordenansa ng binyag (tingnan sa Juan 3:5 ; Doktrina at mga Tipan 76:50–55).

Opsiyon 2Isulat sa pisara ang salitang Binyag. Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng mga tanong tungkol sa binyag na nagsisimula sa mga salitang Sino, Ano, Kailan, Saan, Bakit, at Paano. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga sagot sa mga tanong na ito habang pinag-aaralan nila ang binyag ni Jesucristo.

Paggamit ng mga salita ng Tagapagligtas sa Aklat ni Mormon para ituro ang tungkol sa binyag

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga salita ng Tagapagligtas upang ipaliwanag ang ordenansa ng binyag. Maaaring ipahanap sa mga estudyante ang itinuro ni Jesucristo tungkol sa binyag sa Aklat ni Mormon. Magagamit ang mga sumusunod na banal na kasulatan: 3 Nephi 11:21–28 ; 3 Nephi 27:20 .

Paggamit ng doktrina at mga katangian ni Jesucristo upang maunawaan ang binyag

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon at hayaang pumili ang mga estudyante ng isang taong may mga alalahanin tungkol sa binyag na maaari silang makatulong sa paglutas.

Gusto ni Noelle na magpabinyag, pero walang sinuman sa mismong pamilya niya ang may hawak ng Aaronic o Melchizedek Priesthood.

Gusto ni Makai na magpabinyag pero natatakot siyang lumubog sa tubig. Handa siyang lumubog sa tubig maliban sa kanyang ulo.

Inanyayahan ng mga missionary si Mason na magpabinyag. Hindi niya nauunawaan kung bakit mahalaga ang binyag.

Gustong malaman ni Nicole kung bakit binibinyagan ang mga tao. Anong kabutihan ang nagagawa nito?

Maaaring pag-aralan ng mga estudyante nang mag-isa o sa maliliit na grupo ang Mateo 3:13–17 ; 2 Nephi 31:5–12, 17–18 ; at 3 Nephi 11:19–22 , at hanapin ang mga katotohanang maaaring makatulong sa mga tao sa mga sitwasyon.

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga tugon sa mga sitwasyon.

Print