Seminary
Doctrinal Mastery: 1 Pedro 4:6


Doctrinal Mastery: 1 Pedro 4:6

“Ang Ebanghelyo ay Ipinangaral Maging sa mga Patay”

The resurrected Jesus Christ preaching to spirits in the Spirit World.

Sa iyong pag-aaral ng 1 Pedro 4, natutuhan mo na itinatag ng Tagapagligtas ang gawaing misyonero sa daigdig ng mga espiritu upang magkaroon ng pagkakataong tumanggap ng kaligtasan ang lahat ng anak ng Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Pedro 4:6. Matutulungan ka rin nitong ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa scripture passage na iyon. Pagkatapos ay magkakaroon ka ng pagkakataong ipamuhay ang doktrinang iyon at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa totoong sitwasyon.

Pagtuturo sa mga estudyante ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang doctrinal mastery ay mas magiging epektibo kung alam at nauunawaan ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan at regular na rebyuhin ang mga alituntuning ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan at maghandang ibahagi ang nadama nila nang magsagawa sila ng mga binyag at kumpirmasyon sa templo, o ng iba pang gawain sa family history para sa kanilang mga yumaong ninuno.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ginawa ang doctrinal mastery passage lesson na ito upang ituro pagkatapos ng lesson na “1 Pedro 3:18–22; 4:1–6,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 1 Pedro 4:6. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Sabihin sa isang estudyante na gumuhit sa pisara ng isang simpleng diagram ng plano ng kaligtasan. Pagkatapos ay itanong ang ilan sa mga sumusunod upang masuri ang pag-unawa ng mga estudyante sa plano at kung paano itinuturo ang ebanghelyo. Upang mahikayat ang mga estudyanteng hindi madalas magboluntaryong magsalita, maaaring ibigay ang mga sumusunod na tanong bilang quiz at pagkatapos ay talakayin ito sa klase.

  • Itinuro sa lahat ng anak ng Diyos ang ebanghelyo sa premortal na buhay o sa buhay bago tayo isinilang. Ano ang nangyari sa mga tumanggap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpili sa plano ng Diyos? Ano ang nangyari sa mga tumanggi rito?

  • Paano itinuturo ang ebanghelyo dito sa lupa?

Gamitin ang sumusunod na dalawang tanong upang tulungan ang mga estudyante na matukoy ang doctrinal mastery passage reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  • Ano ang nangyayari sa mga taong hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol kay Jesucristo o tumanggap ng mga awtorisadong ordenansa ng priesthood sa buhay na ito?

  • Saan natin mababasa sa Bagong Tipan ang tungkol dito?

Maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad sa pagsasaulo:

Bigyan ang bawat estudyante ng isang papel, at sabihin sa mga estudyante na isulat ang buong reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa itaas ng papel: “ 1 Pedro 4:6 : ‘Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.’” Sabihin sa kanila na itupi ang itaas ng papel upang matakpan ang isinulat nila at pagkatapos ay muling isulat ang reperensya at parirala, at mag-alis ng tatlo hanggang apat na salita at numerong pipiliin nila. Sabihin sa mga estudyante na ipagpalit ang kanilang papel sa isang taong malapit sa kanila.

Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga inalis na salita at numero sa kanilang bagong papel. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na itupi ang papel upang matakpan ang isinulat nila, at muling isulat ang reperensya at parirala, at ngayon naman ay mag-alis ng anim hanggang walong salita o numero. Sabihin sa kanila na ipasa ang papel pabalik sa orihinal na may-ari at pagkatapos ay tukuyin ang mga nawawalang salita sa kanilang orihinal na papel, itupi ang papel sa huling pagkakataon, at isulat nang buo ang reperensya at parirala nang walang kopya.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Sa nakaraang lesson, nalaman mo ang sumusunod na katotohanan mula sa 1 Pedro 4:6 : Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay upang magkaroon din sila ng mga pagkakataon na mayroon ang mga taong nakarinig ng ebanghelyo sa mortalidad.

Gamitin ang sumusunod na sitwasyon para magsanay na ipamuhay ng katotohanang ito at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Sitwasyon: Bahagi 1

Ipagpalagay na may kaibigan ka na nagngangalang Jason na tinuturuan ng mga missionary. Hiniling ni Jason na sumama sa iyo sa seminary upang matuto pa tungkol sa ebanghelyo. Sa kanyang unang araw sa seminary, hiniling ng titser mo sa klase na rebyuhin kasama ang isang kapartner ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Bumaling si Jason sa iyo at tinanong niya, “Ano ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?”

  • Paano mo ipapaalam kay Jason ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman? (Maaari mong rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) kung kailangan mo ng tulong para sa tanong na ito.)

Sitwasyon: Bahagi 2

Kalaunan noong linggong iyon, nagkita si Jason at ang mga missionary sa bahay mo. Tinulungan mo ang mga missionary na magturo tungkol sa mga unang alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, kabilang ang pananampalataya kay Jesucristo at binyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ginamit ng mga missionary ang Juan 3:5 upang ituro na ang binyag sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood ay kailangan upang maligtas sa kaharian ng langit. Pinag-isipan sandali iyon ni Jason, at pagkatapos ay tila nalungkot siya. Itinanong ng isa sa mga missionary kung bakit siya malungkot, at sumagot si Jason, “Hindi nabinyagan ang lolo ko, pero napakabuti niyang tao na palaging nagsasabi na gusto niyang mamuhay nang mabuti upang makapunta siya sa langit. Makakapunta ba siya?” Tahimik kang nagdasal, at tinanong mo sa Ama sa Langit kung paano mo matutulungan si Jason. Naisip mong gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa 1 Pedro 4:6 .

Depende sa laki at oras ng klase, maaaring gamitin ng mga estudyante ang kanilang mga sagot upang isadula ang pagtuturo kay Jason. Bilang alternatibo, maaaring italaga sa mga estudyante ang isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at pagkatapos ay talakayin sa isang kapartner o sa isang maliit na grupo kung paano makatutulong kay Jason ang alituntuning iyon. Kapag natapos na silang magtalakayan, maaari silang mag-ulat sa klase o ilagay sa mga grupo na may tigta-tatlong miyembro upang ibahagi ang kanilang mga ideya sa mga kaklaseng pinag-aralan ang dalawa pang alituntunin.

Gumawa ng outline kung paano mo magagamit ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa 1 Pedro 4:6 upang matulungan si Jason na mahanap ang mga sagot sa kanyang tanong at mapanatag tungkol sa kanyang lolo. Pagkatapos gumawa ng outline, maghanda ng sagot para kay Jason. Isipin kung ano ang mga itatanong mo upang matulungan siyang matuklasan at madama ang katotohanan ng doktrina. Tiyaking isama ang lahat ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa 1 Pedro 4:6 sa iyong sagot.

Kung kinakailangan, maaari mong gamitin ang ilan o ang lahat ng sumusunod na tanong upang gabayan ka.

  • Paano mo matutulungan si Jason na magkaroon ng walang-hanggang pananaw? Ano ang sasabihin mo kay Jason tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makapagbibigay sa kanya ng kapanatagan tungkol sa kanyang lolo?

  • Bukod pa sa 1 Pedro 4:6 , ano ang iba pang sources na ibinigay ng Diyos na maaari mong ibahagi kay Jason upang tulungan siyang makadama ng pag-asa sa pamamagitan ni Jesucristo? Paano mo gagamitin ang mga scripture passage na ito upang matulungan si Jason na matuklasan ang katotohanan?

  • Ano ang maaaring mangyari sa sitwasyon ni Jason kapag kumilos siya nang may pananampalataya? Ano ang ipagagawa mo sa kanya?

  • Ano ang mga naging karanasan mo sa paggawa ng gawain sa templo o family history para sa iyong mga ninuno na maibabahagi mo kay Jason?

  • Ano ang patototohanan mo upang matulungan ang iyong kaibigan?

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Pedro 4:6 sa susunod na lesson. Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito:

Isulat ang mga titik na 1, P, 4:6, A, E, A, I, M, S, M, P sa isang column sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga salita sa doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa mga unang titik na ito. Kapag natukoy na ang lahat ng salita, uulitin ng klase ang reperensya at mahalagang parirala.