Seminary
1–2 Pedro


1–2 Pedro

Buod

Sa kanyang unang sulat, si Pedro, na punong Apostol, ay tumuon sa mga paraan na mapapalakas ang mga Banal sa gitna ng mga napakatinding pagsubok na nararanasan nila sa mga kamay ng mga Romano. Hinikayat niya ang mga Banal na palaging maging handa na magpatotoo tungkol sa katotohanan at ipinaalala niya sa kanila ang kanilang banal na pamana (tingnan sa 1 Pedro 2:9; 3:15). Itinuro niya na ipinangaral ni Jesucristo ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu pagkatapos ng Kanyang pagkamatay, at samakatuwid ay makakamtan ng lahat ng anak ng Ama sa Langit ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

1 Pedro 1–5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga layunin ng Diyos sa pagtutulot sa kanilang makaranas ng mga pagsubok at mapalakas ang kanilang determinasyon na matiis nang tapat ang mga pagsubok.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila sasagutin ang sumusunod na tanong: Bakit tayo nakararanas ng mga pagsubok, paghihirap, at kawalan ng katarungan sa buhay?

  • Larawan: Isang larawan ng tunawan ng bakal o metal

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos magpakita ng larawan ng isang tunawan ng bakal o metal, sabihin sa bawat estudyante na magdrowing ng tunawan ng bakal o metal at sumulat ng isang personal na pagsubok sa loob nito. Pagkatapos ay maaaring isulat ng mga estudyante sa likod ng papel kung paano nasusubukan at pinalalakas ng kanilang personal na pagsubok ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Sabihin sa mga boluntaryong estudyante na ipakita ang kanilang larawan sa camera at ibahagi sa klase ang kanilang mga saloobin. Tiyaking paalalahanan ang mga estudyante na huwag magbahagi ng anumang bagay na masyadong personal.

1 Pedro 2–3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging tapat na halimbawa ni Jesucristo, at nagbibigay ito ng mga pagkakataong magsanay sa pagtugon sa iba tungkol sa kanilang pananampalataya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa kanilang pamilya ang mga pagkakataon na hiniling sa kanila o sa isang kakilala nila na ipaliwanag ang kanilang mga paniniwala at pananampalataya kay Jesucristo. Sabihin sa kanila na isipin kung iba ang isasagot nila, at pumasok na handang ibahagi ang kanilang mga saloobin.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Hatiin sa mga estudyante ang mga tanong sa katapusan ng lesson, o sabihin sa kanila na mag-isip ng isang tanong na itinanong sa kanila tungkol sa Simbahan o sa kanilang pananampalataya. Bigyan sila ng oras na pag-isipan kung paano sila tutugon, at pagkatapos ay hayaan silang magsalitan sa pagbabahagi ng mga sagot. Kung kinakabahan ang mga estudyante sa pagsasalita sa harap ng camera, maaari nilang isumite ang kanilang sagot gamit ang chat feature.

1 Pedro 3:18–22; 4:1–6

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na tumuklas ng mga paraan upang matulungan ang Tagapagligtas sa Kanyang gawain ng pagtubos sa mga patay.

  • Paghahanda ng estudyante: Upang ma-access ang ilang patikular na feature sa FamilySearch.org o FamilySearch Family Tree app, kakailanganging mag-log in ng mga estudyante gamit ang username at password ng kanilang Church Account na nakakonekta sa record number ng kanilang membership. Kung walang username at password ang mga estudyante o hindi nila alam ang kanilang username at password, sabihin sa kanila na gumawa o i-recover ang mga ito sa account.ChurchofJesusChrist.org o gumawa ng account sa FamilySearch.org. Humingi ng tulong sa ward o branch family history specialist o Seminaries and Institutes of Religion coordinator kung kinakailangan.

  • Mga Resource: Isang computer o mobile device na may access sa internet upang makapaglaan ng kaunting oras sa klase ang mga estudyanteng walang electronic device upang maghanap sa FamilySearch.org o sa FamilySearch Tree app, kung posible

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung magagamit ng mga estudyante ang feature na Ordinances Ready sa FamilySearch.org, sabihin sa kanila na gamitin ito upang maghanap ng isang kamag-anak na maaari nilang gawan ng mga ordenansa sa templo. Isaalang-alang ang posibilidad na magtakda ng petsa kung kailan maaaring hindi pormal na magpulong ang klase sa templo para magsagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon para sa mga taong natagpuan ang mga pangalan.

Doctrinal Mastery: 1 Pedro 4:6

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Pedro 4:6. Bibigyan din sila nito ng pagkakataong ipamuhay ang doktrinang itinuro sa doctrinal mastery passage na iyon at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa totoong sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan at maghandang ibahagi ang nadama nila nang magsagawa sila ng mga binyag at kumpirmasyon sa templo o ng iba pang gawain sa family history para sa kanilang mga yumaong ninuno.

  • Mga Materyal: Isang papel at panulat para sa bawat estudyante

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring magtalaga sa mga estudyante ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at gumawa nang magkakapartner o sa maliliit na grupo sa mga breakout room upang talakayin kung paano nila magagamit ang alituntuning iyon upang tulungan si Jason. Kapag natapos na nilang talakayin ang kanilang alituntunin, maaari silang magbahagi sa klase.

2 Peter 1

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na magsagawa ng mga hakbang upang maging higit na katulad ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung aling katangian ang pinakahinahangaan nila tungkol kay Jesucristo at bakit.

  • Pagguhit: Isang diagram ng bundok na susulatan ng mga salita sa loob o paligid nito sa buong lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard feature upang gumawa ng diagram ng bundok at maglista ng mga katangiang tulad ng kay Cristo bilang klase. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng sarili nilang diagram at listahan sa kanilang study journal, at maaaring anyayahan ang ilang estudyante na ipakita ang kanilang ginawa. Ang pinakakapaki-pakinabang na pagkakataong mag-anyaya ng pagbabahagi ay kapag sinabi sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano nila inilarawan ang konsepto ng pagsusumigasig o paggawa ng lahat kanilang makakaya sa kanilang diagram.