Seminary
1 Pedro 3:18–22; 4:1–6


1 Pedro 3:18–22; 4:1–6

Ang Gawain ng Kaligtasan para sa mga Patay

Family members in Taiwan looking at old photograph albums.

Ano ang mangyayari sa bilyun-bilyong anak ng Ama sa Langit na nabuhay at namatay nang walang pagkakataong marinig ang tungkol kay Jesucristo o tanggapin ang mga awtorisadong ordenansa sa Kanyang pangalan? Itinuro ni Apostol Pedro na ipinangaral ni Jesucristo ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu pagkatapos ng Kanyang kamatayan, kaya natatanggap ng lahat ng anak ng Ama sa Langit ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyong tumuklas ng mga paraan upang matulungan ang Tagapagligtas sa Kanyang gawain ng pagtubos sa mga patay.

Pag-preview ng mga resource. Kapag naghahanda para sa klase, tiyaking i-preview ang lahat ng media at maging pamilyar sa mga website, object lesson, o iba pang mga materyal na gagamitin sa klase. Ang paggawa nito ay magdaragdag ng kumpiyansa sa pagtuturo at lalo pang magtutuon sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

Paghahanda ng estudyante: Upang ma-access ang ilang partikular na feature sa FamilySearch.org o FamilySearch Family Tree app, kakailanganing mag-log in ng mga estudyante gamit ang username at password ng kanilang Church Account na nakakonekta sa record number ng kanilang membership. Kung walang username at password ang mga estudyante o hindi nila alam ang kanilang username at password, sabihin sa kanila na gumawa o i-recover ang mga ito sa account.ChurchofJesusChrist.org o gumawa ng account sa FamilySearch.org. Humingi ng tulong sa ward o branch family history specialist o Seminaries and Institutes of Religion coordinator kung kinakailangan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isang nakalilitong tanong

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag kung saan mababasa ito ng mga estudyante habang pumapasok sila sa silid-aralan.

Sinabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Matagal nang pinag-iisipan ng mga [teologong] Kristiyano [mga iskolar] ang tanong na, Ano ang maaaring maging tadhana ng bilyun-bilyong nabuhay at namatay nang walang alam tungkol kay Jesus?

(D. Todd Christofferson, “The Redemption of the Dead and the Testimony of Jesus,” Ensign, Nob. 2000, 9)

  • Paano ka sasagot sa isang taong magtatanong sa iyo nito?

Kung nahihirapan ang mga estudyante na sagutin ang tanong, maaari kang magpakita sa kanila ng mga hint tulad ng larawan ng isang templo o isang pedigree chart ng pamilya.

Kung madaling masasagot ng mga estudyante ang tanong, maaari mong itanong sa kanila kung paano nila nalaman ang sagot sa isang bagay na nakalito sa maraming tao sa loob ng maraming siglo.

Nagpatuloy si Elder Christofferson:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Kaakibat ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo ay dumating ang [kaalaman] kung paano natutubos ang mga patay na hindi nabinyagan at paanong ang Diyos ay “isang ganap, makatarungang Diyos, at isa ring maawaing Diyos” [ Alma 42:15].

(D. Todd Christofferson, “The Redemption of the Dead and the Testimony of Jesus,” 9)

Ang Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu

Bagama’t ang kaalaman tungkol sa kaligtasan para sa mga patay ay ipinanumbalik sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, naglalaman ang Biblia ng mga passage na nagpapakita sa atin na naunawaan at itinuro ng mga naunang Apostol ang mga katotohanang iyon. Halimbawa, itinuro ni Apostol Pedro ang ginawa ni Jesucristo para sa mga namatay nang walang kaalaman tungkol sa ebanghelyo.

Basahin ang 1 Pedro 3:18–20 ; 4:6 upang makita kung ano ang itinuro ni Pedro tungkol sa kung paano ipinagpatuloy ni Jesucristo ang Kanyang gawain na iligtas ang mga anak ng ating Ama sa Langit, kahit namatay Na Siya.

ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mong mahahanap ang mga ito.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa ministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu?

  • Ayon sa 1 Pedro 4:6, bakit ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga patay?

Maaaring makatulong na ipaliwanag na sa paggawa nito, ang Diyos ay makatarungan. Nais Niyang mahatulan nang patas ang lahat. Kaya sa halip na ikondena ang mga hindi nakarinig sa ebanghelyo, ginawa Niyang posible para sa kanila na tanggapin ang ebanghelyo. Ang isang katotohanan na matututuhan ng mga estudyante mula sa talatang ito ay ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga patay upang magkaroon din sila ng mga pagkakataon na mayroon ang mga taong nakarinig ng ebanghelyo sa mortalidad.

  • Paano ipinapakita ng doktrina ng kaligtasan para sa mga patay ang pagmamahal at pagkahabag ng Diyos para sa Kanyang mga anak?

Makabagong paghahayag tungkol sa daigdig ng mga espiritu

Ang makabagong paghahayag ay makatutulong sa atin na matutuhan pa ang tungkol sa ginawa ng Tagapagligtas habang Siya ay nasa daigdig ng mga espiritu.

Portrait of Joseph F. Smith

Nang basahin at pagnilayan ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) ang mga talata ring ito sa 1 Pedro, nakatanggap siya ng pangitain tungkol sa ministeryo ng Tagapagligtas sa mga patay. Ang paghahayag na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 138 at may mga kasamang detalye na hindi alam noon ng mga miyembro ng Simbahan. Maaari kang sumulat ng cross-reference o iugnay ang 1 Pedro 4:6 sa Doktrina at mga Tipan 138 sa iyong mga banal na kasulatan.

Bago pag-aralan ang mga talata mula sa Doktrina at mga Tipan 138 , maaaring makatulong na anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalalaman na nila tungkol sa pangitaing ito. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang buong Doktrina at mga Tipan 138 nang mag-isa at tukuyin ang mga talata na nagpalalim sa kanilang pag-unawa sa mga katotohanan tungkol sa daigdig ng mga espiritu na itinuro sa 1 Pedro.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 138:29–34, 57–58 , at maghanap ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa ministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu.

  • Ano ang natutuhan mo sa pag-aaral mo ng Doktrina at mga Tipan 138 na nadama mong napakahalaga? Bakit?

  • Paano nakaiimpluwensya ang naunawaan mo sa nangyayari sa daigdig ng mga espiritu sa iyong mga karanasan sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

  • Anong katibayan ng pagmamahal at pagkahabag ni Jesucristo ang nakita mo sa mga talatang ito?

Ang ating responsibilidad

Nagsalita si Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa responsibilidad nating tulungan ang Tagapagligtas sa Kanyang gawain ng pagtubos sa mga patay. Maaari mong panoorin ang video na “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:01 hanggang 3:47, o basahin ang sumusunod na pahayag:

2:3
Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Bilang mga miyembro ng Simbahan, tayo ay may banal na responsibilidad na hanapin ang ating mga ninuno at magtipon ng mga kasaysayan ng pamilya. Higit pa ito sa isang nakasisiglang libangan, sapagkat ang mga ordenansa ng kaligtasan ay kinakailangan para sa lahat ng anak ng Diyos. Dapat nating tukuyin ang ating sariling mga ninuno na namatay nang hindi natatanggap ang mga ordenansa ng kaligtasan. Maisasagawa natin ang mga ordenansa para sa mga patay sa mga templo, at ang mga ninuno natin ang magpapasiya kung tatanggapin nila ang mga ordenansa. Hinihikayat din tayo na tulungan ang mga miyembro ng ward at stake sa pagsasaliksik sa mga pangalan ng pamilya nila. Kahanga-hanga na, sa pamamagitan ng family history at gawain sa templo, makatutulong tayo sa pagtubos sa mga patay.

(Dale G. Renlund, “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” o Liahona, Mayo 2018, 46-47)

  • Paano nakaapekto sa iyong buhay o sa buhay ng iba ang pakikibahagi sa gawain sa family history at sa templo? Kung hindi ka pa nakikibahagi rito, paano kaya ito makakaapekto sa iyong buhay?

Sa natitirang oras ng klase, tulungan ang mga estudyante na magsimulang makibahagi sa gawain ng kaligtasan para sa mga patay. Isaalang-alang ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na ideya.

  • Bisitahin ang FamilySearch.org o gamitin ang FamilySearch Family Tree app. Tingnan kung mahahanap mo ang mga pangalan ng mga ninuno na kinakailangan pa ring tumanggap ng mga ordenansa ng priesthood. Maaari mong ireserba ang mga pangalang ito at dalhin mo mismo ang mga ito sa templo o isumite ang mga pangalan sa templo upang maisagawa ng ibang tao ang mga ordenansa para sa kanila. Ang feature na Ordinances Ready ay magagamit upang tulungan kang mabilis na matukoy ang mga ninunong nangangailangan ng mga ordenansa ng priesthood.

  • Bisitahin ang bahaging “Family History” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/family-history?lang=tgl) upang makahanap ng mga paliwanag, banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, at video tungkol sa family history.

  • Gumawa ng listahan ng mga tanong tungkol sa iyong mga ninuno na maaari mong itanong sa iyong mga magulang o sa iba pang mga kamag-anak. Sa angkop na oras, itanong ang iyong mga tanong at talakayin kung paano maaaring makibahagi ang iyong pamilya sa gawain sa templo at family history nang magkakasama.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang responsibilidad ko sa aking mga yumaong ninuno?

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

16:23
Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Malinaw ang doktrina ng pamilya kaugnay ng gawain sa family history at sa templo. Tinukoy ng Panginoon sa paunang inihayag na mga tagubilin ang “pagbibinyag para sa inyong mga patay” [ Doktrina at mga Tipan 127:5 ; idinagdag ang pagbibigay-diin]. Ang obligasyon natin ayon sa doktrina ay sa sarili nating mga ninuno. Ito ay dahil ang selestiyal na organisasyon ng langit ay nakabatay sa mga pamilya. Hinikayat ng Unang Panguluhan ang mga miyembro, lalo na ang mga kabataan at young single adult, na bigyang-diin ang gawain sa family history at mga ordenansa para sa mga pangalan ng sarili nilang pamilya o mga pangalan ng mga ninuno ng mga miyembro ng kanilang ward at stake. Kailangan nating makakonekta kapwa sa ating mga ugat at mga sanga.

(Quentin L. Cook, “Mga Ugat at mga Sanga,” Liahona, Mayo 2014, 45)

Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Sa pagkaalam ko, hindi kailanman sinabi ng Panginoon na ang Kanyang gawain ay dito lamang sa mortalidad. Sa halip, ang Kanyang gawain ay hanggang sa kawalang-hanggan. Naniniwala ako na minamadali Niya ang Kanyang gawain sa daigdig ng mga espiritu. Naniniwala rin ako na ang Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod doon, ay inihahanda ang maraming espiritu na tanggapin ang ebanghelyo. Ang trabaho natin ay saliksikin ang ating mga yumaong ninuno at magpunta sa templo at isagawa ang mga sagradong ordenansa na magbibigay sa mga nasa kabilang buhay ng mga pagkakataong tulad ng sa atin. …

Mga kapatid, pinatototohanan ko na pagpapalain tayo ng Panginoon kapag tinanggap at tinugunan natin ang hamong ito.

(Thomas S. Monson, “Pagpapabilis ng Gawain,” Liahona, Hunyo 2014, 4–5)

Paano ako makikibahagi sa gawain sa templo at family history?

2:3

Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Sa bawat oras na gumawa kayo ng kahit ano na tutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—na makalapit sa paggawa ng mga tipan sa Diyos at tanggapin ang kanilang mahalagang ordenansa ng pagbibinyag sa templo, tumutulong kayo na tipunin ang Israel. Ganito lang ito kasimple.

(Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa Liahona, 15, SimbahanniJesucristo.org)

Paano ako mapagpapala ng gawain sa templo at family history?

Sa kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018, inilista ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang marami sa mga pagpapalang matatanggap natin mula sa pakikibahagi sa gawain sa templo at family history. Panoorin ang siping ito o basahin ang buong mensahe (Dale G. Renlund, “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Liahona, Mayo 2018, 46–49).

2:3
2:3

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Sumulat ng mensahe o lesson

Upang matulungan ang mga estudyante na maibuod ang natutuhan nila tungkol sa gawain ng kaligtasan para sa mga patay, maaari silang anyayahang sumulat ng maikling mensahe o lesson gamit ang mga katotohanan mula sa 1 Pedro 3:18 ; 4:6 ; at Doktrina at mga Tipan 138. Maaari din silang magbahagi ng mga karanasang nauugnay sa kanilang pakikibahagi sa gawaing ito at kung paano ito nakatulong sa kanila na mas mapalapit sa Panginoon.

Relatives Around Me [Mga Kamag-anak sa Paligid Ko]

Isa sa mga nakatutuwang feature sa FamilySearch Family Tree app ay tinatawag na “Relatives Around Me [Mga Kamag-anak sa Paligid Ko].” Kapag maraming device ang nakabukas sa feature na ito, mahahanap ng app ang mga parehong ninuno sa mga user ng mga device. Sabihin sa mga estudyante na hanapin at buksan ang “Relatives Around Me [Mga Kamag-anak sa Paligid Ko]” upang makita kung sino ang kamag-anak nila sa klase. Maaaring matuklasan ng mga estudyante na mas malalapit silang magkakamag-anak kaysa inaakala nila. Sabihin sa mga estudyante na magpartner-partner at alamin pa ang tungkol sa ilan sa kanilang parehong mga ninuno. Kung kailangan ng sinumang ninuno ang mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon, sabihin sa mga estudyante na ireserba ang mga pangalang iyon at dalhin ang mga iyon sa templo.