Seminary
2 Pedro 1


2 Pedro 1

Pagiging katulad ni Jesucristo

Christ with little children.

Sumulat si Pedro sa mga disipulo ni Jesucristo na malakas sa kanilang pananampalataya. Nang malapit nang magwakas ang kanyang buhay, ninais ni Pedro na tulungan ang mga Banal na ito na maalala ang mga dakilang pagpapalang ipinangako sa matatapat. Hinikayat niya ang mga Banal na magkaroon ng mga katangian ni Jesucristo. Layunin ng lesson na tulungan kang magsagawa ng mga hakbang upang maging higit na katulad ni Jesucristo.

Pagtulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang mga katangian ng Tagapagligtas. Habang natututo ang mga estudyante tungkol sa Tagapagligtas, tulungan sila na hindi lamang pag-aralan ang tungkol sa sinabi at ginawa Niya, kundi matutuhan din kung sino Siya. Ang isang paraan upang magawa ito ay pagtuunan ang Kanyang mga katangian.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung aling katangian ang pinakahinahangaan nila tungkol kay Jesucristo at bakit.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga paisa-isang hakbang na tagumpay

  • Ano ang isang makabuluhang mithiin na gusto mong makamit?

  • Ano ang ginagawa mo upang makamit ang mithiing ito?

Ibinahagi ni Elder Scott D. Whiting ng Pitumpu ang isang lesson na natutuhan nilang mag-asawa sa isang karanasan nila habang umaakyat sila sa Mount Fuji sa Japan. Ang aral na natutuhan nila ay maaaring makatulong sa iyo na pagsikapan ang iyong mga mithiin.Maaari mong panoorin ang video na “Pagiging Katulad Niya,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 2:35 hanggang 3:09, o basahin ang sumusunod na pahayag:

10:21

Becoming Like Him

Elder Whiting teaches how we can follow the commandment to become more like our Savior, Jesus Christ.

Mt. Fuji, in Japan, rises up majestically in the background on a late autumn evening. The last glimpses of sunlight can be seen on the west facade of the snow capped slopes. Lake Kawaguchi is in the foreground with the town of Fujikawaguchiko nestled in between the lake and mountain. Light snow has blanked the town and the nearby trees.
Official Portrait of Elder Scott D Whiting. Photographed in March 2017.

Ilang taon na ang nakalipas, kaming mag-asawa ay nasa bungad ng landas paakyat ng pinakamataas na bundok sa Japan, ang Mount Fuji. Nang nagsimula kaming umakyat tiningala namin ang malayong tuktok at inisip kung mararating ba namin iyon.

Habang umaakyat, naramdaman namin ang pagod, sakit ng kalamnan, at mga epekto ng pagtaas ng altitude. Sa isipan, naging mahalaga na magtuon lang kami sa susunod na hakbang. Sinabi naming, “Maaaring hindi ko marating ang tuktok, pero kaya kong gawin ang susunod na hakbang na ito ngayon.” Sa paglipas ng oras, ang mahirap na gawain ay nakayang gawin—sa paisa-isang hakbang.

(Scott D. Whiting, “Pagiging Katulad Niya,” Liahona, Nob. 2020, 12)

  • Ang halimbawang ito ay maaaring angkop sa pagkamit ng maraming iba’t ibang mithiin. Paano ito makatutulong sa atin na maunawaan ang tungkol sa mithiing maging katulad ni Jesucristo?

Pagnilayan sandali kung ano ang ginawa at ginagawa mo upang maging katulad ni Jesucristo.

  • Ano ang mahirap tungkol sa pagsisikap na maging higit na katulad ni Jesucristo?

  • Ano ang nakatulong sa iyong umunlad sa pagiging higit na katulad ni Jesucristo?

Tandaan na mahalagang ituring ang iyong pag-unlad sa pagiging higit na katulad ni Jesucristo bilang paunti-unti at paisa-isang hakbang na proseso. Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, alamin kung ano ang maaari mong gawin sa tulong ng Tagapagligtas upang magawa ang susunod na hakbang.

Banal na katangian

Sa isang liham sa mga miyembro ng Simbahan na may pananampalataya na kay Jesucristo, ipinahayag ni Apostol Pedro ang kanyang hangarin na matanggap nila ang mga pagpapala ng pagkilala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanilang banal na katangian.

Basahin ang 2 Pedro 1:2–4 , at alamin ang mga pagpapalang maaaring dumating sa atin sa pamamagitan ng kaalamang ito.

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “maging kabahagi kayo sa likas ng Diyos”? ( 2 Pedro 1:4).

Ang bawat isa sa atin ay may banal na katangian dahil ang bawat isa sa atin ay “minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit” (“ Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ,” SimbahanniJesucristo.org). Matutulungan tayo ni Jesucristo na magkaroon ng mga katangiang katulad ng kay Cristo at dalisayin ang mga ito habang nagsisikap tayong tularan ang Kanyang perpektong halimbawa at magtiwala sa Kanya upang tulungan tayong magbago.

Maaari kang gumuhit sa pisara ng simpleng outline ng isang bundok.

Sa iyong study journal, gumuhit ng simpleng outline ng Mount Fuji o ibang bundok na pipiliin mo. Sa iyong bundok, isulat ang ilan sa mga katangian ni Jesucristo.

Maaari mong ipalista sa ilang estudyante sa idinrowing na bundok sa pisara ang mga katangiang tulad ng kay Cristo. Maaaring anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang kanilang paghahanda para sa klase habang tinutukoy nila ang mga katangian ng Tagapagligtas.

  • Alin sa mga katangian ni Jesucristo ang pinakahinahangaan mo? Bakit?

Basahin ang 2 Pedro 1:5–7 , at alamin ang mga katangiang tulad ng kay Cristo na inilista ni Pedro. Idagdag ang mga katangiang ito sa mga isinulat mo sa iyong bundok sa iyong journal.

Pag-isipan sandali ang maaaring ibig sabihin ni Pedro sa pariralang “gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya” ( talata 5).

  • Paano mo ito ilalarawan sa iyong diagram?

Maaari mong ilarawan ang kahalagahan ng paggawa ng lahat ng makakaya o pagiging masigasig sa diagram sa pisara sa pamamagitan ng pagguhit ng isang arrow na paakyat sa bundok, na nakaugnay sa mga salitang paggawa ng lahat ng makakaya (tingnan ang nakumpletong diagram kalaunan sa lesson para sa halimbawa kung paano ito gagawin).

Basahin ang 2 Pedro 1:8–11 , at alamin ang sinabi ni Pedro sa mga Banal na mangyayari kung mayroon sila ng mga katangiang ito.

  • Ano ang isang katotohanang natutuhan mo mula sa mga talatang ito?

Maaaring magbanggit ang mga estudyante ng iba’t ibang katotohanan, kabilang ang sumusunod: Kapag nagkaroon ako ng mga banal na katangian, makikilala ko si Jesucristo at matatanggap ko ang pangako ng buhay na walang hanggan.

Pag-isipan kung ano ang maaari mong idagdag sa iyong diagram dahil sa natututuhan mo. Maaari kang magdagdag ng pamagat sa itaas ng iyong bundok na nagbubuod sa isang mahalagang katotohanan na natutuhan mo tungkol sa nalaman mo tungkol kay Jesucristo.

Divine Attributes Mountain Diagram
  • Ano ang magagawa natin upang magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo?

  • Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mga banal na katangian na makilala si Jesucristo at maging higit na katulad Niya?

Pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo

Ang paglalakbay patungo sa pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo ay maaaring magsimula sa simpleng unang hakbang ng pagpili ng isang katangian at pag-aaral pa ng tungkol dito. Simulan ang paglalakbay na ito ngayon sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga katangiang nakalista sa 2 Pedro 1:5–7 at nakasulat sa iyong diagram ng bundok.

Ang isang paraan na matututuhan mo pa ang tungkol sa katangiang pinili mo ay sa pamamagitan ng paggamit ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan o ng search function sa Gospel Library upang maghanap ng mga banal na kasulatan o pahayag na may kaugnayan sa katangiang iyon.

Magsulat sa iyong study journal, at maaari mong markahan ang mahahalagang parirala sa mga banal na kasulatan na babasahin mo.

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang magawa ang aktibidad. Tulungan silang magkaroon ng access sa mga resource na gusto nilang gamitin nang digital, o magbigay ng mga kopya ng materyal.

Para sa karagdagang mga ideya sa kung paano matutulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga katangiang tulad ng kay Cristo at magkaroon nito, tingnan ang bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.

Maaari mong gamitin ang ilan o ang lahat ng sumusunod na tanong upang mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natututuhan nila.

  • Aling katangian ang pinili mong pagtuunan?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo at sa katangiang ito mula sa iyong pag-aaral?

  • Paano mas mapapaganda ang buhay mo sa pagkakaroon ng katangiang tulad ng kay Cristo?

  • Anong mga pagsisikap ang handa mong gawin upang maging higit na katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng katangiang ito?

Maaari kang magpatotoo tungkol sa hangarin at kakayahan ng Tagapagligtas na tulungan tayong maging katulad Niya. Ang mga estudyante ay maaaring bigyan ng mga pagkakataon sa mga susunod na lesson na magbahagi ng tungkol sa pag-unlad nila sa pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo na pinili nilang taglayin.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang kailangan upang magkaroon ako ng mga katangiang tulad ng kay Cristo?

Ipinaliwanag ni Elder Scott D. Whiting ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder Scott D Whiting. Photographed in March 2017.

Para makakita ng tunay na pag-unlad, kailangan mo ng patuloy na pagsisikap. Tulad ng pag-akyat sa bundok na kailangan ng paghahanda, at gayundin ng katatagan at sigasig habang umaakyat, kailangan din ang pagsisikap at sakripisyo sa paglalakbay na ito. Ang tunay na Kristianismo, kung saan sinisikap nating maging higit na katulad ng ating Panginoon, ay palaging nangangailangan ng ating pinakamainam na pagsisikap. …

Alam ko na ang pagiging katulad Niya sa pamamagitan ng Kanyang banal na tulong at lakas ay kayang maabot sa pamamagitan ng paisa-isang hakbang. Dahil kung hindi, hindi na Niya ibinigay ang utos na ito [tingnan sa 1 Nephi 3:7].

(Scott D. Whiting, “Pagiging Katulad Niya,” Liahona, Nob. 2020, 14)

Ano ang mangyayari kapag sinisikap kong taglayin ang mga katangiang tulad ng kay Cristo?

Ipinaliwanag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

11:7

Becoming a Disciple of Our Lord Jesus Christ

Elder Hales teaches us about the interwoven characteristics that are all necessary to our becoming true disciples of Jesus Christ.

Official portrait of Elder Robert D. Hales of the Quorum of the Twelve Apostles, 2003

Ang mga katangian ng Tagapagligtas, sa pagkaunawa natin sa mga ito, ay hindi isang iskrip na susundan o listahan ng mga gagawin. Ang mga ito ay mahahalagang katangian, na nadagdag sa bawat isa, na magkakaugnay na nalilinang sa atin. Sa madaling salita, hindi natin matataglay ang isang katangian ni Cristo nang hindi rin napapasaatin at napapalakas ang iba pang mga katangian. Kapag lumakas ang isang katangian, lumalakas din ang iba pa.

(Robert D. Hales, “Pagiging Disipulo ng Ating Panginoong Jesucristo,” Liahona, Mayo 2017, 46)

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Tutulungan tayo ng Tagapagligtas sa buong paglalakbay natin sa mortalidad—mula sa pagiging masama tungo sa pagiging mabuti at mas mabuti pa at babaguhin ang ating pag-uugali.

(David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad,” Liahona, Abr. 2012, 14)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

2:54

Christlike Attributes

The attributes of Christ depicted in scenes from His life.

//media.ldscdn.org/webvtt/youth/2014-youth-activity-resources/2014-01-001-christlike-attributes-eng.vtt

Paggamit ng paraan na may walong hakbang

Ang sumusunod na paraan ay makatutulong sa mga estudyante na makilala si Cristo at taglayin ang Kanyang mga katangian. Maaaring anyayahan ang mga estudyante na basahin ito at pag-isipan kung paano makatutulong sa kanila ang bawat hakbang na maging higit na katulad ni Jesucristo.

  1. Mag-isip ng katangiang tulad ng kay Cristo na gusto mong taglayin.

  2. Magsulat ng deskripsyon ng katangiang ito.

  3. Maghanap ng ilang scripture passage na nagtuturo tungkol sa katangiang ito, at pag-aralan ang mga ito nang mabuti.

  4. Habang nag-aaral ka, isulat ang anumang tanong na gusto mong masagot.

  5. Isulat ang iyong nadarama at impresyon.

  6. Magtakda ng mga mithiin na tutulong sa iyo na ipamuhay ang katangiang ito.

  7. Manalangin na tulungan ka ng Panginoon.

  8. Regular na suriin ang iyong pag-unlad.

Maaari mong idispley ang paraang ito o magbigay ng handout na itatabi ng mga estudyante.

Paglilinang ng mga katangiang tulad ng kay Cristo sa ating pagkatao

Kung makikinabang ang mga estudyante sa isang object lesson na nagtuturo tungkol sa mga katangiang tulad ng kay Cristo, maaari mong gamitin ang bahaging “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo, mapapaunlad ko ang aking banal na katangian” sa outline ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa “Nobyembre 20–26. 1 at 2 Pedro: ‘Nagagalak na may Galak na Hindi Maipaliwanag at Puspos ng Kaluwalhatian’” (Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023). Maaaring gamitin ang isang hinabing tapiserya o karpet (o ang larawang nasa outline) upang ilarawan na maaaring espirituwal na ihabi sa ating likas na pagkatao ang mga katangiang tulad ng kay Cristo.

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pag-aralan ang mga bahagi ng mensaheng “Pagiging Disipulo ng Ating Panginoong Jesucristo” ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) (Liahona, Mayo 2017, 46–48).