Seminary
1–3 Juan; Judas


1–3 Juan; Judas

Buod

Nagsulat si Apostol Juan tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa mga Banal at kung paano nakita ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng nakapagliligtas na misyon ni Jesucristo. Itinuro niya na ang ating pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay makahihikayat sa atin na sundin ang Kanilang mga kautusan. Itinuro rin niya na ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay makahihikayat sa atin na mahalin ang iba.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

1 Juan 1–5

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng iba’t ibang paraan na makukumpleto nila nang tumpak ang sumusunod na pahayag: “Ang Diyos ay …”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong simulan ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na kumpletuhin ang pahayag na “Ang Diyos ay …” sa maraming paraan sa abot ng kanilang makakaya. Maaaring sabihin ng mga estudyante ang kanilang mga sagot o isulat ang kanilang mga sagot gamit ang chat feature, o whiteboard feature upang ipakita ang pariralang “Ang Diyos ay …” para maibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot. Maaari ding gumamit ng online polling application para makuha ang mga sagot ng mga estudyante.

1 Juan 2–4; 2 Juan

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila makapagpapakita ng pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang nadarama nila tungkol sa pagsunod sa mga kautusan. Maaari din nilang itanong sa mga taong kilala nila kung ano ang naghihikayat sa kanila na sundin ang mga kautusan.

  • Mga larawang ipapakita: Isang larawan ng isang taong niyayakap si Jesucristo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag nagtatanong kasunod ng pahayag ng alituntunin sa lesson, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na i-post ang kanilang mga sagot sa social media. Maaari nilang i-type ang kanilang mga sagot sa isang social media site at i-share ang kanilang screen sa klase. O maaari nilang iguhit ang mga bubble at icon ng isang social media platform sa isang papel, isulat ang kanilang mga sagot, at ipakita ang kanilang papel sa klase.

1 John 2–4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang utos na mahalin ang kanilang kapwa tulad ng pagmamahal nila sa Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng mga karanasan kung saan nagpakita sila ng pagmamahal sa iba o nagpakita ang iba ng pagmamahal sa kanila at ang naging epekto nito.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang mag-anyaya ng isa o dalawang estudyante na dalhin sa videoconference ang isang kaibigan o kapamilya na sa palagay nila ay isang magandang halimbawa ng pagmamahal sa kapwa. Matapos matukoy ng klase ang katotohanan sa 1 Juan 4:21 , maaaring ipakilala ng mga estudyanteng ito ang kanilang mga panauhin at pag-usapan kung paano nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa ang mga panauhin.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong palalimin ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanang matatagpuan sa 13 doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan at maipaliwanag ang mga ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin sandali ang 13 doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan at pagkatapos ay pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan.

  • Content na ipapakita: Ang chart ng 13 doctrinal mastery passage

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang blangkong papel at panulat para sa bawat estudyante

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipakita ang aktibidad sa lesson sa pamamagitan ng pagpapakita ng isa sa mga doctrinal mastery verse sa screen at pag-anyaya sa mga estudyante na gumamit ng annotating tool upang bilugan ang anumang parirala na mayroon silang mga tanong o hindi nila maunawaan. Pagkatapos ay ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang mga partikular na alalahanin o tanong. Maaari ding magtanong ang mga estudyante ng anumang pangkalahatang tanong tungkol sa talata o mga talata gamit ang chat feature.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 11

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang personal na pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo at ang mga paraan na sa palagay nila ay nagiging mas katulad sila ni Cristo.

  • Mga larawang ipapakita: Drowing na bundok (orihinal mula sa lesson sa 2 Pedro 1); ilang larawan ni Jesucristo na nagtuturo sa iba’t ibang tagpo; isang larawan ni Joseph Smith noong kanyang kabataan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa aktibidad sa ilalim ng heading na “Pagtuturo na tulad ni Jesucristo,” ipasulat sa mga estudyante sa chat feature ang isang makatotohanang tanong na maaaring mayroon ang isang tao tungkol sa isa sa tatlong alituntunin ng ebanghelyo (tingnan sa step b sa aktibidad). Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na basahin ang lahat ng nakalistang tanong at pumili ng isa o dalawang tanong na gusto nilang talakayin.