I-assess ang Iyong Pagkatuto 11
1 Timoteo–1 Juan
Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagiging higit na katulad ni Jesucristo
Sa nakaraang lesson, inihambing ang pagiging katulad ni Jesucristo sa pag-akyat sa isang mataas na bundok.
-
Ano ang alam mo tungkol sa pag-akyat sa bundok kaya magandang analohiya ito?
-
Ano sa palagay mo ang mahirap tungkol sa pagiging katulad ni Jesucristo? Bakit sulit na paghirapan ito?
Kung nakaakyat ka na ng bundok noon, pag-isipan kung ano ang nadama mo nang marating mo ang tuktok nito. Kung hindi ka pa nakakaakyat ng bundok, isipin kung ano kaya ang magiging pakiramdam nito.
-
Paano nakahihikayat sa iyo ang pagsasaisip sa iyong mithiin sa iyong espirituwal na pag-akyat?
Kung ginawa mo ang nakaraang lesson sa 2 Pedro 1, tingnan ang idinrowing mong bundok sa iyong study journal. Kung hindi ka nagdrowing, tingnan ang sumusunod na drowing:
Maglaan ng oras na pag-isipan ang mga banal na katangiang nakalista sa iyong drowing.
-
Alin sa mga katangiang ito ang nais mong pagbutihin pa? Kumusta na ang ginagawa mo?
Pagnilayan ang iyong pagmamahal kay Jesucristo at kung paano mo Siya mas nakikilala.
-
Ano ang maaari mong gawin upang patuloy na maging mas katulad ni Cristo?
Pagtuturo tulad ni Jesucristo
-
Ano ang ilan sa mga sitwasyon at tagpo kung saan nagturo ang Tagapagligtas?
Ipinaliwanag ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas:
Karamihan sa pagtuturo ng Tagapagligtas ay hindi nangyari sa isang sinagoga kundi sa mga di pormal at araw-araw na tagpo—habang kumakain sila ng Kanyang mga disipulo, sumasalok Siya ng tubig sa isang balon, o dumaraan sa isang puno ng igos.
(“Samantalahin ang Kusang Dumarating na mga Sandali para Makapagturo,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 16)
Isipin ang mga pagkakataon kung saan maaaring kailangan mong ituro ang isang alituntunin ng ebanghelyo o ipaliwanag ang isang paniniwala sa isang tao.
-
Sa palagay mo, kailan at saan ka makapagbabahagi ng isang bagay na natutuhan o nadama mo kamakailan tungkol sa Tagapagligtas?
Itinuro sa atin ni Apostol Pedro kung paano maging katulad ni Jesucristo nang isulat niya na, “Lagi kayong maging handa na ipagtanggol … ang tungkol sa pag-asang nasa inyo” ( 1 Pedro 3:15). Kapag nagsasanay tayong ipaliwanag ang ating pinaniniwalaan, maaari tayong maging handa sa mga sandali ng pagtuturo kahit kailan at saan man dumating ang mga ito.
Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa na napag-aralan mo nitong nakalipas na ilang linggo, at kumpletuhin ang bawat isa sa mga sumusunod na hakbang.
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo (tingnan sa Mga Hebreo 9:11–15, 24, 28 ; 10:10–17)
Pananampalataya kay Jesucristo (tingnan sa Mga Hebreo 11 ; Santiago 2:17–18)
Ang Diyos ang Ama ng ating mga espiritu (tingnan sa Mga Hebreo 12:9 ; tingnan din sa Juan 20:17 ; Mga Gawa 17:29 ; Roma 8:16–17)
a. Sumulat ng isang makatotohanang sitwasyon kung saan tulad ng Tagapagligtas ay maaari kang magkaroon ng pagkakataong turuan ang isang tao o sagutin ang isang tanong tungkol sa paksang ito.
b. Isulat ang isang tanong na maaaring mayroon ang isang tao kaugnay ng paksang ito.
c. Planuhin kung paano mo ipaliliwanag ang paksang ito at sasagutin ang tanong. Gumamit ng kahit isang banal na kasulatan sa iyong paliwanag. (Ang mga banal na kasulatan na nakalista sa mga panaklong ay ibinigay upang ipaalala sa iyo ang malamang na napag-aralan mo na.)
Ang mga pagsisikap kong pag-aralan ang mga banal na kasulatan at manalangin
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at panalangin mula sa pag-aaral ng Bagong Tipan o ng mga karanasan ni Joseph Smith?
Isulat ang kasalukuyan mong ginagawa, sinisikap na gawin, o nais gawin upang mas mapagbuti ang iyong mga pagsisikap na manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Maaaring kabilang dito ang isang mithiin na itinakda mo sa Mga Bata at Kabataan para sa iyong sarili, o para sa seminary.
Upang matulungan kang mailarawan sa isipan ang iyong pag-unlad sa mithiing ito, iguhit ang sumusunod na diagram sa iyong study journal. Idagdag ang isa sa mga sumusunod na header sa itaas ng bawat isa sa apat na bahagi ng iyong diagram: Mga Lesson; Mga Pagpapala; Mga Balakid; Pag-unlad sa Hinaharap. Sa ilalim ng mga angkop na header, isulat ang iyong mga sagot sa bawat isa sa mga sumusunod na tanong upang matulungan kang suriin ang iyong pag-unlad at patuloy na humusay.
-
Anong mga aral ang natutuhan ko sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
-
Anong mga pagpapala o sagot ang natukoy ko?
-
Nakakaranas ba ako ng anumang balakid sa pagkamit ng aking mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan? Kung gayon, paano ako makahihingi ng tulong sa Panginoon upang madaig ang mga ito?
-
Anong pag-unlad sa hinaharap ang gusto kong makita sa aking mga panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Kung wala ka pang mithiin sa aspetong ito, maaari kang mag-isip ng mithiin ngayon at suriin ito sa susunod na ilang linggo at buwan. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang malaman kung paano nakalulugod sa Panginoon ang mga pagsisikap mong manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Hangarin ding malaman ang anumang pagbabagong kailangan mong gawin upang maranasan ang mga pagpapala at matanggap ang mga sagot na nais ibigay sa iyo ng Panginoon.