Seminary
Apocalipsis 1–5


Apocalipsis 1–5

Buod

Ano ang mga naiisip mo kapag iniisip mo ang tungkol sa aklat ng Apocalipsis? Ipinahayag ni Apostol Juan, na sumulat ng aklat, “Mapalad sila na bumabasa, at sila na nakikinig at nakauunawa sa mga salita ng propesiyang ito” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 1:3). Sa aklat ng Apocalipsis, makikita mo ang mayamang simbolismo at matalinghagang paglalarawan na magtuturo sa iyo tungkol kay Jesucristo, sa plano ng Ama sa Langit, at sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Makikita mo rin kung paano nagtagumpay si Jesucristo at ang Kanyang mga tagasunod laban kay Satanas at sa mga kaharian ng tao. Isinulat sa pitong simbahan sa Asia sa panahon ng matinding pag-uusig, ang aklat ng Apocalipsis ay makatutulong sa iyo na matapat na madaig ang mga paghihirap sa mga huling araw at maghanda para sa pagbabalik ng Tagapagligtas.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:

Apocalipsis 1

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga simbolismo sa aklat ng Apocalipsis at kung ano ang maituturo nito sa kanila tungkol kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang “ Paghahayag ni Juan ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, na matatagpuan sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/revelation-of-john?lang=tgl, at pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano ang interesado silang malaman at bakit.

  • Content na ipapakita: Ang larawan ni Jesus sa gitna ng mga kandila

  • Handout: Maghanda ng sapat na kopya ng handout na “Mga Simbolo sa Pangitain ni Juan” para sa mga estudyante.

Apocalipsis 2–3, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makahihikayat sa mga estudyante na pakinggan ang tinig ng Tagapagligtas na kinikilala ang kanilang mabubuting gawa at itinutuwid sila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tukuyin kung aling mga bahagi ng kanilang buhay ang sa palagay nila ay maaaring ikalugod ng Tagapagligtas. Bilang bahagi ng paanyayang ito, maaaring manalangin at hilingin ng mga estudyante sa Ama sa Langit na tulungan sila na makita kung ano ang mahusay na nagagawa nila. Maaari din nilang hilingin sa kanilang mga magulang na tulungan sila.

  • Bagay o larawang ipapakita: Maghandang ipakita ang larawang Si Jesus sa May Pintuan (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 65) at ang mapa ng pitong simbahan.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Habang naghahanap ang mga estudyante sa mabubuting gawa na napansin ni Juan na ginawa ng pitong simbahan at ang pagtutuwid na ibinigay niya sa kanila, sabihin sa mga estudyante na i-type sa chat ang nahanap nila. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa klase na saliksikin ang chat at pumili ng isang impormasyon mula sa isang kaklase na gusto nilang talakayin nang mas detalyado. Maaaring hilingin sa estudyanteng nag-post ng impormasyon na ipaliwanag ang isinulat niya. Magtanong upang matulungan ang klase na talakayin ang kaugnayan ng piniling paksa.

Apocalipsis 2–3, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng ibayong hangaring madaig ang mga hamon at matanggap ang mga pagpapalang ipinangakong ibibigay ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa isang kapamilya o pinagkakatiwalaang kaibigan na magbahagi ng isang karanasan kung kailan nadaig nila ang isang balakid sa tulong ng Tagapagligtas.

  • Video: Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!” (10:53; panoorin mula sa time code na 4:48 hanggang 5:22)

  • Content na ipapakita: Maaari mong ipakita ang chart na may mga nakalistang reperensyang banal na kasulatan at kahulugan sa ilalim ng chart. Makatutulong din na ipakita ang mga opsiyong matatagpuan sa aktibidad sa pag-aaral tungkol sa pagdaig na pagpipilian ng mga estudyante.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring makatulong na gumawa ng slide presentation o gumamit ng iba pang paraan upang ipakita ang mga kahulugan para sa aktibidad na pagsasaliksik ng mga banal na kasulatan at opsiyon sa pag-aaral para sa huling aktibidad. Maaari kang magpatugtog ng nakasisiglang musika habang ginagawa ng mga estudyante ang dalawang aktibidad na ito.

Apocalipsis 5

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo nang may higit na pagmamahal at katapatan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kausapin ang isang kapamilya o lider ng Simbahan tungkol sa ibig sabihin ng pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Video: Ang mga Pagpapala ng Pagsamba” (11:28; panoorin mula sa time code na 3:34 hanggang 4:45 at mula 8:54 hanggang 11:14)

  • Content na ipapakita: Ang pahayag ni Bishop Dean M. Davies, at kung nais mo, ang limang tanong na nakalista sa katapusan ng lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring makatulong na ipakita ang pahayag ni Bishop Dean M. Davies habang tinatalakay ng mga estudyante ang natutuhan nila tungkol sa pagsamba mula sa sipi.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 24

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa iba’t ibang makatotohanang sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang Doctrinal Mastery app o iba pang pamamaraan upang magsanay na isaulo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Bagong Tipan. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang scripture passage na naranasan nilang ipamuhay.

  • Content na ipapakita: Ang handout na pinamagatang “Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag nagbabahagi ang mga estudyante ng mga sitwasyon, maaari silang anyayahang i-post ang mga ito gamit ang chat function. Pagkatapos ay maaaring anyayahan ang klase na basahin ang mga sitwasyon, hanapin ang mga doctrinal mastery passage na naaangkop sa mga sitwasyon, at ipaliwanag kung paano ito naaangkop.