Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 24


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 24

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

A small group of youth on a street. One is reading a book to the others.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa iba’t ibang makatotohanang sitwasyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang Doctrinal Mastery app o iba pang pamamaraan upang magsanay na isaulo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Bagong Tipan. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang scripture passage na naranasan nilang ipamuhay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Ipinaliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, ang kahalagahan ng pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Panoorin ang video na “Sa Pagiging Tapat,” mula sa time code na 11:24 hanggang 12:02, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, o basahin ang sumusunod na pahayag.

17:51
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Dito sa Simbahan ni Jesucristo maaaring mahusto ang inyong espirituwalidad at mas mapalapit kayo sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pamumuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo araw-araw.

Sa pagtitiis at pagtitiyaga, kahit ang pinakamaliit na gawain ng pagkadisipulo o pinakamaliit na ningas ng paniniwala ay maaaring maging nagliliyab na siga ng isang banal na buhay. Katunayan, ganyan nagsisimula ang karamihan sa mga siga—sa isang simpleng ningas.

(Dieter F. Uchtdorf, “Sa Pagiging Tapat,” Liahona, Mayo 2015, 82)

Pag-isipan ang ilang katotohanan ng ebanghelyo na ipinamuhay mo kamakailan.

  • Paano nahubog ng kaalaman tungkol sa mga katotohanang iyon ang mga pagpiling ginawa mo?

Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong makibahagi sa mga aktibidad na makatutulong sa iyo na maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo araw-araw.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Ang pagrerebyu ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ay dapat gumugol lamang ng maliit na bahagi ng klase. Ang bahaging ito ng aktibidad ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na maalala ang mga scripture passage at mabilis na matukoy ang mga katotohanang natutuhan na nila.

Basahin sandali ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage, at isipin kung ano ang ginawa mo upang ipamuhay ang mga ito.

Ipakita ang sumusunod na chart upang magamit ito ng mga estudyante sa buong lesson.

Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

1 Corinto 11:11

“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

1 Corinto 15:20–22

“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

1 Corinto 15:40–42

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

Efeso 1:10

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

Efeso 2:19–20

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.”

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”

Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

Santiago 1:5–6

“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

Santiago 2:17–18

“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

1 Pedro 4:6

“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

Apocalipsis 20:12

“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

Ipamuhay ang mga katotohanan

Makatutulong na panoorin kung paano ipinamumuhay ng iba ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

5:1

Isipin kung paano nakatulong sa iyo sa nakaraan, kasalukuyan, at maaaring sa hinaharap ang pag-alam at pamumuhay sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad upang matulungan kang magsanay na ipamuhay ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo.

Ang isang paraan upang maiangkop ang aktibidad na ito ay anyayahan ang bawat estudyante na gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Pumili ng isang doctrinal mastery passage, at isulat ang reperensya at mahalagang parirala sa isang papel. Isama ang iyong pangalan sa papel.

  2. Makipagpalit ng papel sa isa pang estudyante, at sundin ang tagubilin na nakalista sa ilalim ng heading na “Nakaraan.”

  3. Muling magpalitan ng mga papel, at gawin ang mga tagubilin para sa “Kasalukuyan.”

  4. Magpalitan ng mga papel sa huling pagkakataon, at sundin ang mga tagubilin para sa “Hinaharap.”

  5. Ibalik ang mga papel sa orihinal na estudyante.

Kapag tapos na ang aktibidad, magpabahagi sa mga estudyante ng isang bagay na isinulat ng isang kaklase na nagustuhan nila o hinangaan nila.

Nakaraan

Mag-isip ng isang pagkakataon kung saan umasa ka sa isa sa mga katotohanan na nagmula sa isang doctrinal mastery passage. Kung wala kang maisip na partikular na pagkakataon sa iyong buhay, mag-isip ng isang taong kilala mo o isang tao mula sa isang salaysay sa mga banal na kasulatan na pinagpala nang kumilos siya ayon sa isang katotohanan na nasa doctrinal mastery passage.

Isulat ang mga pagpapalang nagmula sa pamumuhay sa katotohanang ito. Tiyaking ipaliwanag kung paano ito nagdagdag o makadaragdag sa iyong pagtitiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Kasalukuyan

Pag-isipan ang iyong mga kasalukuyang pangangailangan at sitwasyon. Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage, at pumili ng isa rito na sa palagay mo ay mas masusunod mo sa iyong buhay. Isulat kung ano ang magagawa mo upang kumilos nang may pananampalataya at maipamuhay ang doctrinal mastery passage.

Hinaharap

Pumili ng isang doctrinal mastery passage, at sumulat ng isang sitwasyon na maaaring mangyari sa iyo sa hinaharap kung saan makatutulong sa pagkilos mo nang may pananampalataya ang mga katotohanang itinuro sa doctrinal mastery passage.

Maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante ang mga turo ni Elder Uchtdorf mula sa simula ng lesson. Ang pagtalakay sa mga tanong na tulad ng mga sumusunod ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang kahalagahan ng pamumuhay sa mga katotohanan ng ebanghelyo.

Pagnilayan kung paano nakaimpluwensya sa iyong buhay at mga desisyon ang pag-alam at pagkilos ayon sa katotohanan.

  • Paano nakatulong ang pagpapamuhay ng ebanghelyo para mapalakas ang iyong pananampalataya kay Cristo?

  • Ano ang magagawa mo upang mas maalala ang mga katotohanan ni Cristo habang pumipili ka sa hinaharap?

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pagsasadula

Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at anyayahan sila na gumawa at magsadula ng mga sitwasyon kung saan makatutulong ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage. Pagkatapos ay maaaring pag-isipan ng mga estudyanteng nanonood ng sitwasyon ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage na makatutulong sa taong nasa sitwasyon na kumilos nang may pananampalataya. Ang isa pang bersiyon ng aktibidad na ito ay anyayahan ang mga grupo na isadula ang isang sitwasyon, kabilang ang tungkol sa kung paano kumilos nang tapat sa partikular na sitwasyon, gamit ang isa sa mga doctrinal mastery passage bilang kanilang gabay.