Seminary
Apocalipsis 6–14


Apocalipsis 6–14

Buod

Bilang bahagi ng kanyang paghahayag, nakita ni Apostol Juan ang isang pangitain na binubuksan ng Kordero ng Diyos ang unang anim na tatak ng aklat na mahigpit na isinara. Nagsulat siya ng mga propesiya tungkol sa mahahalaga at nakababagabag na mga kaganapan na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Ibinahagi Niya ang mga detalye tungkol sa ating buhay bago tayo isinilang, kabilang ang “digmaan sa langit” (Apocalipsis 12:7) at ang pagsalungat ni Satanas sa mga tagasunod ni Jesucristo sa mortalidad. Ipinropesiya rin niya ang Pagpapanumbalik ng Simbahan ng Tagapagligtas at ang paghihiwalay ng mabubuti at ng masasama.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Apocalipsis 6–7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pag-asa kay Jesucristo upang maging dalisay at manatiling tapat sa panahon ng mga kapighatian sa mga huling araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang tanong na matatagpuan sa Apocalipsis 6:17 at pumasok sa klase na handang ibahagi kung ano sa palagay nila ang kailangan upang makatagal sa mga kapighatian sa mga huling araw.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos pag-aralan o hanapin ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan na nagtuturo kung paanong ang ating “mga damit [ay] pinaputi … sa dugo ng Kordero” ( Apocalipsis 7:14), maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na i-share ang kanilang screen at ipakita ang mga banal na kasulatan na natagpuan nila sa Gospel Library app. Kung minarkahan ng mga estudyante ang mga bahaging ito ng mga banal na kasulatan, maaari mong itanong sa kanila kung bakit nila ito minarkahan.

Apocalipsis 8–11

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito tulungan ang mga estudyante na madama ang kapangyarihan ng Panginoon at ang Kanyang kakayahan na protektahan tayo laban sa mga kalamidad at kasamaan sa mga huling araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibahagi ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson mula sa simula ng lesson na ito at anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa ilan sa mga pinakadakilang gawain na gagawin ng Panginoon bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang mga entry na “ Huling Araw, Mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (matatagpuan sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org) ay maaaring maging kapaki-pakinabang na resource para rito.

  • Mga larawan: Ang diagram na kumakatawan sa mga pangyayari sa pitong tatak; isang larawan ng Bundok ng mga Olibo, tulad ng nasa Mga Larawan ng mga Pook sa mga Banal na Kasulatan, blg. 11, “Bundok ng mga Olibo” (Maaari mong tulungan ang mga estudyante na hanapin ang larawang ito sa kanilang mga banal na kasulatan.)

Apocalipsis 12

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mapag-ibayo ang kanilang katapatan na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan na kanilang pinili sa premortal na buhay ang Tagapagligtas at hindi tinanggap si Satanas.

  • Paghahanda ng estudyante: Ilang araw bago ang lesson na ito, sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin ang mga paraan na nakikita nila na nakikipaglaban si Satanas kay Jesucristo at sa Kanyang mga tagasunod. Hikayatin sila na maghandang magbahagi ng mga partikular na halimbawa ng napansin nila.

  • Video:Pag-asa ng Israel” (1:01:34; panoorin mula sa time code na 20:52 hanggang 21:36)

  • Larawan: Ang larawan ng babae at dragon

  • Chart: Ang chart na nagpapaliwanag ng mga simbolong matatagpuan sa Apocalipsis 12:1–3

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag naghahandang ibahagi ang pahayag ni Sister Wendy W. Nelson, magpasiya kung mas makabubuting ibahagi ang video. Kung ibabahagi ang teksto, maaari mong ibahagi ang mga talata nang paisa-isa, na magbibigay-daan sa mga estudyante na talakayin ang nadarama nila tungkol sa pahayag, ano kaya ang kalagayan sa buhay bago sila isinilang, at ano kaya ang pakiramdam na makita ito.

Apocalipsis 14

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano matutulungan ng Tagapagligtas at ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan ang mundo—kabilang sila—na maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ilista kung ano sa palagay nila ang tatlo o apat sa pinakamahahalagang layunin ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Mga larawan: Isang larawan ng estatwa ng anghel na si Moroni sa tuktok ng templo; isang larawan ng panggapas

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng mga sumusunod na resource kung hindi ma-access ng mga estudyante ang mga ito online: Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), suplemento sa Liahona, SimbahanniJesucristo.org; Russell M. Nelson, “Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” Liahona, Nob. 2018, 68–70; Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–95

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon at pagkatapos ay ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room upang isadula ito at talakayin ang mga reaksyon o sagot nila rito. Maaari ding magtulungan ang mga estudyante na ilista kung ano sa palagay nila ang pinakamahahalagang bagay na dapat maunawaan kung bakit itinatag ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong palalimin ang kanilang pag-unawa at maipamuhay ang mga katotohanan mula sa 13 doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng kopya ng handout na kasama sa lesson na ito. Sabihin sa kanila na rebyuhin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan at pag-isipan ang mga sitwasyon kung saan makatutulong ang pag-unawa sa mga banal na kasulatang iyon.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung gumagawa ang mga estudyante ng mga larawang kumakatawan sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage, maaari mo silang payagang gumamit ng mga digital program o app upang magawa ito. Bigyan sila ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga larawan sa klase kapag natapos na sila.