Seminary
Apocalipsis 5


Apocalipsis 5

“Ang Kordero ... ay Karapat-dapat”

Painting of Jesus Christ in America, greeting Nephites.

Sa iyong palagay, ano kaya ang ibig sabihin ng sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo? Sa iyong palagay, bakit natin Sila sinasamba? Nakita ni Juan ang trono ng Diyos at ang iba’t ibang niluwalhating nilalang na pumupuri at sumasamba sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo nang may higit na pagmamahal at katapatan.

Pagpapalakas ng ating ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang mga estudyanteng nagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at nalalaman ang Kanilang pagmamahal para sa kanila ay nakadarama ng tunay na hangaring mapalapit sa Kanila. Ipaalala sa mga estudyante na makatutulong sa kanila ang seminary na madama ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kausapin ang isang kapamilya o lider ng Simbahan tungkol sa ibig sabihin ng pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang trono ng Diyos

Maaari mong simulan ang klase sa pagkanta ng isang himno na pumupuri sa Diyos, tulad ng “Luwalhati sa Ating Diyos” o “O Bawat Nilalang ng Diyos” (Mga Himno, blg. 37, 34). Sabihin sa mga estudyante na pansinin sa himno ang dapat ugaliin sa pagsamba.

Ang isa pang opsiyon ay sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong mahal nila at kung paano nila ipinapakita sa taong iyon na mahal nila siya. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.

Sabihin sa mga estudyante na ilista sa pisara ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong.

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na pumupukaw sa puso mo ng tunay na hangaring sambahin Sila?

Kapag sinasamba natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo, ibinibigay natin sa kanila ang ating pagmamahal, pagpipitagan, at paglilingkod (tingnan sa Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Pagsamba,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/worship?lang=tgl). Ang pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay may malaking epekto sa ating buhay at matutulungan tayo na mapalapit sa Kanila.

  • Ano ang ilang pagkakataon na mayroon ka upang sambahin ang Ama at ang Anak?

Pag-isipan sandali kung gaano kadalas mo sinasamba nang taos-puso ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Pagnilayan kung paano magbabago ang buhay mo kung sasambahin mo sila nang mas madalas at makabuluhan. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan mo ang Apocalipsis 5 upang malaman kung paano mo taos-pusongsasambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Ang Kordero … ay Karapat-dapat

A modern replica of an ancient papyrus scroll, folded and sealed with multiple clay seals. Sealing an ancient document in this way identified its owner and his authority, made the document legally binding, and protected it from unauthorized disclosure. Jesus Christ’s role as the only person worthy to open and read the sealed book in Revelation 5 highlights His authority as the executor of God’s plan of salvation.

Sa kanyang pangitain, nakita ni Juan ang trono ng Diyos sa kahariang selestiyal. Sa palibot ng trono ay iba’t ibang niluwalhating nilalang at mga hayop na pinupuri at sinasamba ang Diyos (tingnan sa Apocalipsis 4:1–11). Nakita niyang nakaupo ang Ama sa Langit sa Kanyang trono, na hawak ang isang aklat na may pitong tatak (tingnan sa Apocalipsis 5:1). Ang aklat ay naglalaman ng kalooban, mga hiwaga, at mga gawain ng Diyos sa loob ng 7,000 taon ng temporal na pag-iral ng mundo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 77:6–7).

Basahin ang Apocalipsis 5:2–4 , at alamin ang reaksyon ni Juan.

  • Ano ang napansin mo?

  • Dahil kumakatawan ang aklat na may mga tatak sa temporal na kasaysayan ng mundo, maaaring nag-alala si Juan na kung walang taong karapat-dapat na magbukas nito, hindi maisasakatuparan ang layunin ng Diyos sa paglikha ng mundo. Ano ang mangyayari sa mga anak ng Ama sa Langit kung ang Kanyang plano para sa kanilang kaligtasan ay hindi maisasakatuparan?

Basahin ang Apocalipsis 5:5–7 , at alamin kung bakit hindi na dapat umiyak si Juan. Pansinin na sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng talata 6 , ang numerong pito ay pinalitan ng labindalawa (sa Apocalipsis 5:6, Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia).

Maaaring ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang mga nadarama para sa Tagapagligtas at kung bakit sila nagpapasalamat para sa Kanya. Habang nag-aaral ang mga estudyante, bigyan sila ng mga pagkakataong ibahagi ang natuklasan nila at magtanong. Tulungan silang maghanap ng mga sagot sa mga banal na kasulatan. Maaari mong talakayin ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas mula sa Kanyang mga pangalan at sa mga paraang inilarawan Siya.

Ang mga karagdagang kaalaman para sa Apocalipsis 5:5–6 ay nasa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon.”

Basahin ang Apocalipsis 5:8–14 , at alamin kung ano ang ginawa ng iba’t ibang niluwalhating nilalang nang kunin ni Jesucristo ang aklat mula sa kamay ng Ama sa Langit. Maaari mo ring basahin kung paano inilarawan ni Joseph Smith ang mga nilalang sa paligid ng trono ng Diyos sa Doktrina at mga Tipan 76:20–21 .

  • Sa palagay mo, bakit ganito ang ginawa ng mga niluwalhating nilalang?

  • Ipagpalagay na naroon ka. Ano sa palagay mo ang madarama mo? Ano ang gagawin mo?

  • Ano ang matututuhan natin mula sa paraan kung paano sinamba ng mga niluwalhating nilalang ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

Ang isang katotohanang natututuhan natin ay kapag kinikilala at pinasasalamatan natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo, ninanais nating sambahin at purihin Sila.

Pagsamba

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag.

Itinuro ni Bishop Dean M. Davies (1951–2021) ng Presiding Bishopric ang tungkol sa pagsamba. Maaari mong basahin ang pahayag sa ibaba o panoorin ang “Ang mga Pagpapala ng Pagsamba” (mula sa time code na 3:34 hanggang 4:45 at 8:54 hanggang 11:14), na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

11:28
11:28
Official Portrait of Bishop Dean M. Davies. Photographed in March 2017.

Kapag sinasamba natin ang Diyos, lumalapit tayo sa Kanya nang buong galang, pagmamahal, pagpapakumbaba, at paghanga. Kinikilala at tanggap natin Siya bilang ating hari, ang Lumikha ng sansinukob, ating pinakamamahal at mapagmahal na Ama.

Gumagalang at nagpipitagan tayo sa Kanya.

Nagpapasakop tayo sa Kanya.

Iniaangat natin ang ating mga puso sa makapangyarihang panalangin, pinahahalagahan ang Kanyang salita, nagagalak sa Kanyang biyaya, at nangangakong susundin Siya nang buong katapatan. …

Kapag sumasamba tayo, ang ating puso ay nagpupuri sa ating mahal na Diyos sa umaga, tanghali, at gabi.

Patuloy natin Siyang [pinagpipitaganan] at iginagalang—sa ating mga meetinghouse, tahanan, templo, at sa lahat ng ating gawain.

Kapag sumasamba tayo, binubuksan natin ang ating puso sa nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Ang ating buhay ay nagiging tanda at pagpapahayag ng ating pagsamba.

(Dean M. Davies, “Ang mga Pagpapala ng Pagsamba,” Liahona, Nob. 2016, 94–95)

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagsamba mula sa pahayag na ito?

Upang ma-assess ang naunawaan ng mga estudyante tungkol sa pagsamba, sabihin sa kanila na ipaliwanag sa isang kaklase ang konsepto ng pagsamba sa Diyos. Pakinggang mabuti ang kanilang mga sagot, at magbigay ng karagdagang paliwanag kung kinakailangan.

  • Sa iyong palagay, paano pagpapalain ng taos-pusong pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang iyong buhay?

  • Kailan mo nadama na malapit ka sa Ama sa Langit o kay Jesucristo dahil sinamba mo Sila nang taos-puso?

  • Paano mas maipapakita ng iyong pagsamba ang nadarama mo para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Pumili ng isa o higit pa sa mga sumusunod na gawa, at isipin kung paano makatutulong ang taos-pusong pagsamba upang maging mas makabuluhan ang mga ito: panalangin, pag-aaral ng banal na kasulatan, pagtanggap ng sacrament, paggalang sa Sabbath, pag-aayuno, pagdalo sa templo.

  • Ano ang nadama mo na dapat mong pagbutihin o baguhin sa paraan ng iyong pagsamba?

Maaaring angkop na magbahagi ng personal na karanasan ng pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Sino ang “Leon sa lipi ni Juda” at ang “Ugat ni David”?

Ang dalawang pariralang ito ay mga titulo ni Jesucristo. Ang “Leon sa lipi ni Juda” ay angkop na titulo dahil ang leon ay maringal at makapangyarihan at dahil ang Tagapagligtas ay isinilang sa angkan ni Juda (tingnan sa Genesis 49:8–10 ; Mateo 1:3 ; Mga Hebreo 7:14). Ang titulong “Leon sa lipi ni Juda” ay ganap na kabaligtaran ng maamo at inialay na Kordero na binanggit sa Apocalipsis 5:6 . Ang dalawang paglalarawang ito ay nagpapahiwatig na nagtataglay si Cristo ng kamarhalikaan at kaamuan.

Si Jesus ay tinawag ding “Ugat ni David.” Ang ugat ang naglalaan ng tubig at sustansya para sa halaman—ganyan ang misyon ni Jesucristo sa lahat ng tumatanggap sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas at Manunubos (tingnan sa Juan 15:1–8 ; tingnan din sa Isaias 11:1 ; 53:2). Sa huli sa paghahayag ni Juan, inihayag mismo ni Cristo, “Ako ang ugat at ang supling ni David” ( Apocalipsis 22:16). Madalas bigyang-diin ng mga manunulat ng Ebanghelyo na si Jesus ay inapo ni Haring David (tingnan sa Mateo 1:1 ; Marcos 10:47 ; Lucas 1:32 ; Juan 7:42).

Ano ang isinisimbolo ng mga mata at mga sungay sa Apocalipsis 5:6 ?

Sa mga banal na kasulatan, ang mga sungay ay kadalasang simbolo ng kapangyarihan o awtoridad, at ang mga mata ay maaaring sumimbolo sa liwanag at kaalaman. Sa pagsasalin ni Joseph Smith, ang numerong pito ay pinalitan ng labindalawa (sa Apocalipsis 5:6, Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia). Ang numerong labindalawa ay maaaring sumimbolo sa banal na pamahalaan at organisasyon, o sa priesthood. Nakasaad din sa Pagsasalin ni Joseph Smith na ang labindalawang sungay at mata ay ang “labindalawang tagapaglingkod ng Diyos,” na maaaring kumatawan sa Labindalawang Apostol ni Jesucristo.

Sino ang sinasamba natin?

Pinatotohanan ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ang nagbabayad-salang sakripisyo at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ang nagpabago sa buhay ng bawat isa sa atin magpakailanman. Mahal natin Siya at mapagpasalamat na sinasamba Siya at ang ating Ama sa Langit.

Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Gerrit W. Gong. Photographed in 2018.

Sinasamba natin ang Diyos Amang Walang Hanggan at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, hindi si Propetang Joseph ni sinumang mortal na lalaki o babae.

(Gerrit W. Gong, “Lahat ng Bansa, Lahi, at WikaLiahona, Nob. 2020, 39)

Paano makatutulong sa akin ang pagsamba na maging katulad ng Diyos?

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Head and shoulders portrait of Elder Bruce R. McConkie.

Halina’t sambahin ang Panginoon! Paano ito ginagawa? Ang perpektong pagsamba ay pagtulad. Iginagalang natin ang mga tinutularan natin. Ang pinakaperpektong paraan ng pagsamba ay maging banal dahil si Jehova ay banal. Ito ay pagiging dalisay tulad ni Cristo na dalisay. Ito ay paggawa ng mga bagay na nagtutulot sa atin na maging katulad ng Ama. …

Paano natin sinasamba ang Panginoon? Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng biyaya sa biyaya, hanggang sa matanggap natin ang kaganapan ng Ama at maluwalhati tayo sa liwanag at katotohanan tulad ng ating Huwaran at Halimbawa, ang Ipinangakong Mesiyas.

(Bruce R. McConkie, The Promised Messiah: The First Coming of Christ [1978], 568–69)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Araw-araw na pagsamba

1:11

Mga halimbawa ng pagsamba sa Aklat ni Mormon

Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang mga sumusunod na halimbawa mula sa Aklat ni Mormon bilang isang klase o sa maliliit na grupo at iulat ang natutuhan nila tungkol sa pagsamba sa Diyos.

1 Nephi 1:5–8

Jacob 4:4–6

Mosias 18:17–30

Alma 45:1

3 Nephi 11:10–19

Ipagpalagay na naroon tayo sa kinaroonanan ng Diyos

Upang matulungan ang mga estudyante na ipagpalagay na naroon sila sa kinaroroonan ng Diyos, maaari nilang pag-aralan ang Alma 36:22 upang malaman kung ano ang nadama ni Alma nang makita niya ang Diyos. Maaaring pag-isipan ng mga estudyante kung ano ang maaaring madama nila sa harap ng Diyos at ihambing ang nadama nila sa nadama ni Alma. Maaari ding pag-aralan ng mga estudyante ang karanasan ni Alma sa mga talata 17–21 . Ano ang natuklasan ni Alma tungkol kay Jesucristo? Paano natutulad ang natuklasan niya sa nalaman ni Juan tungkol kay Jesucristo sa Apocalipsis 5:2–9 ?

Paggawa ng estudyante

Ang awitin ay isang uri ng pagsamba (tingnan sa Apocalipsis 5:9). Maaaring naisin ng ilang estudyante na sumulat ng isang himno na pumupuri at sumasamba sa Panginoon. Ang isa pang opsiyon ay anyayahan ang mga estudyante na magsulat ng isang tula o magdrowing ng isang larawan.