Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 23
Unawain at Ipaliwanag
Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ang matulungan kang maunawaan ang doktrinang nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang doktrina sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa sa mga katotohanang matatagpuan sa 13 doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan at maipaliwanag ang mga ito.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagtatanong
-
Kailan ka nakadama ng pasasalamat na nagtanong ka sa isang tao? (Halimbawa, marahil ay may natutuhan ka sa pamamagitan ng pagtatanong, o marahil ay nakatanggap ka ng mahalagang payo matapos humingi ng payo mula sa isang kaibigan o magulang.)
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit mahalagang magtanong kapag pinag-aaralan ang ebanghelyo ni Jesucristo?
Sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan: “Ang pagtatanong at pagsagot sa mga tanong ang susi sa lahat ng pag-aaral at pagtuturo” (“The Lord Will Multiply the Harvest” [isang gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 6, 1998], 5–6, sa Teaching Seminary: Preservice Readings [2004], 98).
Ang pagtatanong tungkol sa mga doctrinal mastery passage ay makatutulong sa atin na mas maunawaan ang mga ito at mas lubos na maanyayahan ang tulong ng Tagapagligtas sa ating buhay.
Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” | |
“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” | |
“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” | |
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. | |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” | |
Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Pumili ng isa sa 13 doctrinal mastery passage na gusto mong mas maunawaan pa. Basahin ito nang mabuti. Suriin ang mga salita at parirala ng doctrinal mastery passage, at isulat ang nauunawaan mo tungkol sa doctrinal mastery passage at ang mga tanong na maaaring itanong mo o ng ibang tao tungkol dito. Halimbawa, maaari mong itanong tungkol sa Efeso 2:19–20 ang “Ano ang batong panulok at bakit ito inihambing kay Jesucristo?” O maaari mong isipin kung ano ang ibig sabihin ng pariralang “pagtalikod” sa 2 Tesalonica 2:1–3 .
Magsulat ng maraming tanong hangga’t kaya mo.
Kapag nakapagsulat ka na ng maraming tanong hangga’t kaya mo, pumili ng ilang tanong na sa palagay mo ay pinakamahalagang maunawaan, at sagutin ang mga ito gamit ang makukuhang mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Kabilang sa mga tool na ito ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, mga talababa sa banal na kasulatan, Gospel Library app, o mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Maaari mo ring piliing gumamit ng ilang estratehiya sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na natutuhan mo sa taong ito, tulad ng pagbabasa ng mga talatang nauugnay rito o pagsisikap na maunawaan ang konteksto ng banal na kasulatan. Isulat sa iyong study journal ang mga sagot mo.
Tandaan na hindi lahat ng tanong ay madaling sagutin at ang ilan ay maaaring mangailangan ng karagdagang oras at mapanalanging pag-aaral at pagninilay.