Seminary
1 Juan 1–5


1 Juan 1–5

“Ang Diyos ay Pag-ibig”

A Hispanic man gives the Savior, Jesus Christ, a hug. Christ is wearing a white robe.

Paano naimpluwensyahan ng pagmamahal ang iyong buhay? Bakit kailangan nating lahat na makadama ng pagmamahal, lalo na ang pagmamahal ng Diyos? Sumulat si Apostol Juan sa mga Banal na nalilihis ng mga maling turo. Nagtuon siya sa pagmamahal ng Diyos sa mga Banal at kung paano nakikita ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng nakapagliligtas na misyon ni Jesucristo. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madama ang pagmamahal ng Diyos para sa iyo.

Pagbibigay-diin sa pag-aaral ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan. Ang pag-aaral ng ebanghelyo ay isang aktibidad na nakasentro sa tahanan. Humanap ng mga pagkakataong hikayatin ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang natututuhan nila sa tahanan. Hikayatin din silang ibahagi sa kanilang pamilya ang natututuhan at nararanasan nila sa seminary.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng iba’t ibang paraan na makukumpleto nila nang tumpak ang sumusunod na pahayag: “Ang Diyos ay …”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Diyos ay …

Ipakita ang pariralang “Ang Diyos ay …” Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang paghahanda para sa klase habang tumutukoy sila ng maraming paraan hangga’t kaya nila upang makumpleto nang tumpak ang pahayag na ito. Maaaring gumawa ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo at maaari nilang isulat sa pisara ang kanilang mga kumpletong pahayag. Mag-anyaya ng ilang boluntaryo na ibahagi kung bakit iyon ang idinugtong nila para makumpleto ang pahayag.

Sa iyong study journal, isulat ang pariralang “Ang Diyos ay …” Magsulat ng maraming paraan na maiisip mo upang makumpleto nang tumpak ang pahayag na ito. Halimbawa, maaari mong isulat ang “Ang Diyos ay nalalaman ang lahat ng bagay” o “Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat.”

Basahin ang 1 Juan 4:8, 16 , at hanapin kung paano inilarawan ni Juan ang Diyos.

  • Ano ang nahanap mo?

  • Sa iyong palagay, bakit mailalarawan ang Diyos bilang pag-ibig?

Isa sa mga katangiang naglalarawan sa Diyos ay ang pagmamahal Niya sa atin. Isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Nadarama mo bang personal kang minamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo? Bakit oo o bakit hindi?

  • Naniniwala ka ba na kilala ka Nila at alam Nila ang iyong mga personal na tagumpay at paghihirap? Bakit oo o bakit hindi?

  • Ano ang mga paraan na naipakita o maipapakita Nila ang pagmamahal Nila sa iyo?

Sa pag-aaral mo ng sulat ni Juan, alamin ang mga katotohanan na maaaring makatulong sa iyo na masagot ang mga tanong na ito. Pagnilayan din kung paano makagagawa ng kaibahan sa iyong buhay ang pag-unawa at pagdama sa pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo.

Maaari mong ipabasa o ipabuod sa isang estudyante ang sumusunod na talata.

Mga turo ni Juan tungkol sa pagmamahal ng Diyos

Malamang na isinulat ni Juan ang kanyang mga sulat mula AD 80 hanggang AD 100 mula sa Efeso. Ang ilang miyembro ng Simbahan ay sumunod sa mga paniniwala ng isang grupo na tinatawag na mga Gnostic. Itinuro ng grupong ito na si Jesus ay walang pisikal na katawan at na dumating ang kaligtasan sa pamamagitan ng espesyal na kaalaman sa halip na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Pinabulaanan ni Juan ang mga maling doktrinang ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng ilang mahahalagang tema, kabilang na kung paano ipinakita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang Kanilang ganap na pag-ibig sa pamamagitan ng buhay, Pagbabayad-sala, at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas (tingnan sa 1 Juan 1:1–3 ; 3:16 ; 4:9–10).

Maaari kang magdrowing sa pisara ng malaking puso. Habang ginagawa ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad sa pag-aaral at kinukumpleto nila ang sarili nilang puso sa kanilang journal, maaari silang pumunta sa pisara at isulat ang kanilang paboritong talata at parirala sa puso ng klase.

Basahin ang 1 Juan 4:19 , at maaari mong markahan kung bakit mahal natin ang Diyos, ayon kay Juan.

Sa iyong study journal, magdrowing ng malaking puso. Sa gitna ng puso, isulat ang “Alam kong mahal ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo dahil …” Mag-iwan ng sapat na espasyo para sulatan ng mga reperensya at parirala ng banal na kasulatan. Pagnilayan kung paano “unang umibig sa atin” ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage. Hanapin at markahan ang mga parirala na nagpapakita ng pagmamahal sa iyo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Isulat ang mga pariralang iyon kasama ang mga kaugnay na reperensyang banal na kasulatan ng mga ito sa loob ng puso.

Tiyaking ipakita ang mga sumusunod na reperensyang banal na kasulatan kung saan makikita ng mga estudyante ang mga ito.

1 Juan 2:1–2 (Tandaan: Ang tagapagtanggol ay isang taong nagsusumamo para sa atin, nagbibigay ng kapanatagan, at sumusuporta sa atin. Ang ibig sabihin ng kabayaran ay pagbabayad-salang sakripisyo na tumutugon sa katarungan ng Diyos.)

1 Juan 3:5, 16, 22

1 Juan 4:9–10; 13–19

1 Juan 5:12–15, 20

Rebyuhin ang mga parirala at reperensyang minarkahan at isinulat mo. Piliin ang pariralang pinakamakabuluhan sa iyo, at kumpletuhin ang dalawa o tatlo sa mga sumusunod:

Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin upang makita ng mga estudyante habang kinukumpleto nila ang aktibidad.

Maaari kang magbigay ng halimbawa para sa mga estudyante tungkol sa kung paano kukumpletuhin ang sumusunod na bahagi ng kanilang journal entry.

  1. Ipaliwanag kung paano naging makabuluhan sa iyo ang pariralang napili mo.

  2. Kung maaari, ilarawan ang isang karanasan kung saan nadama mo ang pagmamahal ng Ama sa Langit o ni Jesucristo sa ganoong paraan. Maaari ka ring magbahagi ng halimbawa mula sa mga banal na kasulatan, isang video ng Simbahan, o mensahe sa pangkalahatang kumperensya. (Upang makakita ng halimbawa, maaari mong panoorin ang mensahe ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol na “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin” mula sa time code na 7:32 hanggang 9:14.)

13:39

//media.ldscdn.org/webvtt/general-conference/april-2016-general-conference/2016-04-1070-dale-g-renlund-eng.vtt

Ilarawan kung paano nakagawa, gumagawa, o makagagawa ng kaibahan sa iyong buhay ang pag-alam sa katotohanan ng pariralang ito. Maaari mong idagdag ang iyong personal na patotoo tungkol sa pagmamahal ng Diyos.

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang kumpletuhin ang kanilang mga journal entry. Anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang isinulat nila.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na nakapagbahagi ng larawan ng kanilang journal page sa social media kasama ang kanilang personal na patotoo tungkol sa pagmamahal ng Diyos.

Maaari mong ibahagi ang journal entry na ito sa mga kaibigan at kapamilya o maging sa social media.

Pagnilayan ang natutuhan mo habang binabasa mo ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert C. Gay ng Pitumpu tungkol sa kapangyarihan ng pagmamahal ng Diyos:

Former Official Portrait of Elder Robert C. Gay. Photographed in March 2017. Replaced February 2021.

Ang Kanyang pagmamahal ay higit kaysa sa nadarama nating takot, sugat, adiksyon, pag-aalinlangan, mga tukso, mga kasalanan, ating wasak [na] mga pamilya, depresyon at pagkabalisa, paulit-ulit na sakit, kahirapan, pang-aabuso, kawalan ng pag-asa, at kalungkutan. Nais Niyang malaman ng lahat na walang sinuman ang hindi Niya mapapagaling at mapagkakalooban ng walang hanggang kagalakan.

(Robert C. Gay, “Taglayin sa Ating Sarili ang Pangalan ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2018, 99)

  • Ano ang pinakamahalaga sa iyo sa pahayag na ito? Bakit?

Pagdama sa pagmamahal ng Diyos

Ipagpalagay na para sa isang kakilala mo, hindi niya nadama ang pagmamahal ng Diyos o hindi niya ito napapansin nang napakadalas. Pag-isipan ang natutuhan mo ngayon, pati na rin ang mga sarili mong personal na karanasan.

  • Ano ang maaari mong ibahagi sa kanya na maaaring makatulong sa kanya na madama ang pagmamahal ng Diyos?

Maaaring epektibong bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang naunang tanong bago sila sumagot. Maaari ding maging kapaki-pakinabang na ipabahagi sa mga estudyante ang mga ideya sa maliliit na grupo bago talakayin ang tanong bilang klase.

Sa mga susunod na lesson, pag-aaralan mo ang karagdagang turo ni Juan tungkol sa kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, kabilang na ang pagsunod sa Kanilang mga utos at pagmamahal sa isa’t isa.

Maaari ninyong kantahin ang “Ako ay Namangha” (Mga Himno, blg. 115) bilang isang klase o maaari kang magbahagi ng personal na halimbawa ng impluwensya ng pagmamahal ng Diyos.

Hingin ang tulong ng Ama sa Langit at pakinggan at damhin ang mga pahiwatig mula sa Kanya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Mag-isip ng mga paraan na matatamo o matatanggap mo ang pagmamahal ng Diyos at kung paano mo mapapansin nang mas madalas ang Kanyang pagmamahal sa iyong buhay. Pag-isipang mabuti kung paano makadaragdag sa kagalakang nararanasan mo sa iyong buhay ang tuloy-tuloy na paggawa nito.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano makakaimpluwensya sa ating buhay ang pagkilala at pagdama sa pagmamahal ng Diyos?

Habang naglilingkod bilang miyembro ng Pitumpu, ipinaliwanag ni John H. Groberg:

Former official portrait of Elder John H. Groberg of the Presidency of the Seventy, 1994. Released from the presidency effective August 15, 2005. Called as Idaho Falls Idaho Temple president effective November 1, 2005. Status changed to emeritus at October 2005 general conference.

Kapag puspos tayo ng pag-ibig ng Diyos, magagawa at makikita at mauunawaan natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa o nakikita o nauunawaan. Kung puspos tayo ng Kanyang pag-ibig, matitiis natin ang sakit, mababawasan ang takot, madaling makapagpapatawad, iiwas sa kaguluhan, mapaninibago ang lakas, at mapagpapala at matutulungan natin ang iba sa paraang ikagugulat natin.

Si Jesucristo ay puspos ng hindi masusukat na pag-ibig habang tinitiis Niya ang di mailarawang sakit, kalupitan, at kawalang-katarungan para sa atin. Dahil sa pag-ibig Niya sa atin, napagtagumpayan Niya ang napakalaking hadlang na iyon. Walang hadlang na hindi makakayanan ng Kanyang pag-ibig. Inaanyayahan Niya tayong sumunod sa Kanya at makibahagi sa Kanyang walang hanggang pag-ibig upang mapagtagumpayan din natin ang sakit at kalupitan at kawalang-katarungan ng mundong ito at tumulong at magpatawad at magpala.

(John H. Groberg, “Ang Kapangyarihan ng Pag-ibig ng Diyos,” Liahona, Nob. 2004, 11)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ay nagpapatotoo sa Kanyang katotohanan at tumutulong sa atin na makilala ang Kanyang personal na pagmamahal

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagtalakay sa personal na katangian ng pagmamahal ng Tagapagligtas, ipabasa sa kanila ang 1 Juan 1:1–3 at 3 Nephi 11:13–17. Inilalarawan ng mga scripture passage na ito ang mga karanasan ni Juan at ng mga tao sa Amerika kasama ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas.

Ipabahagi sa mga estudyante kung ano ang itinuturo sa atin ng mga karanasang ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang pagmamahal.

Magpatotoo na bagama’t maaaring hindi natin pisikal na mahahawakan ang Tagapagligtas, matutulungan Niya tayong makilala Siya sa iba pang paraan, tulad ng mga banal na kasulatan at ng Espiritu Santo. Ipapakita Niya sa atin ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng maraming magiliw na awa na ipinagkakaloob Niya sa atin (tingnan sa 1 Nephi 1:20). Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga personal na halimbawa ng tungkol sa pagkakataong naranasan nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa kanila.

1 Juan 2:1. “Tayo ay may tagapagtanggol”

Kung makikinabang ang mga estudyante sa mas malinaw na pang-unawa sa ginagampanan ng Tagapagligtas bilang ating tagapagtanggol kasama ng Ama, sabihin sa kanila na pag-aralan ang 1 Juan 2:1–2. Ibahagi na ang ibig sabihin ng tagapagtanggol ay isang taong nagsusumamo para sa atin, nagbibigay ng kapanatagan, at sumusuporta sa atin. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 45:3–5 , at alamin kung paano natin naging tagapagtanggol ang Tagapagligtas. Makatutulong din sa mga estudyante na basahin ang sulat kay Filemon upang malaman kung paano naging tagapagtanggol si Pablo para kay Onesimo nang hilingin niya sa mga miyembro ng Simbahan na tanggapin si Onesimo dahil kay Pablo. O maaari nilang basahin ang salaysay nina Abigail, Nabal, at David sa 1 Samuel 25:1–35 upang malaman kung paano nagtanggol si Abigail sa pamamagitan ng pag-ako sa mga pagkakamali ni Nabal upang hindi nito matanggap ang kaparusahang ipapataw ni David. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga paraan na ang Tagapagligtas ay naging, nagiging, at magiging tagapagtanggol para sa kanila at kung bakit mahalagang maunawaan ito.

Ang Diyos ay liwanag at pag-ibig

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagtutuon sa liwanag ng Diyos bukod pa sa pag-ibig ng Diyos, maaari mo silang anyayahang pag-aralan ang 1 Juan 2:8–11 ; 3:16, 23–24 ; 4:7–21. Sabihin sa kanila na isipin ang mga karanasan ni Juan sa liwanag at pagmamahal ng Tagapagligtas (tulad ng mga nakatala sa Juan 2:1–11 o Juan 5:1–9). Maaari din nilang isaalang-alang ang natutuhan ni Juan mula sa mga turo ni Jesus na nakatala sa Juan 3:16–17 ; 8:12 ; 12:35–36, 46 ; 15:9–14 ; 19:25–27. Ipabahagi sa mga estudyante ang mga pagkakatulad sa mga turong ito at ng itinuturo sa 1 Juan tungkol sa liwanag at pag-ibig ng Diyos. Anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan na nagturo sa kanila na ang Diyos ay liwanag at pag-ibig.