Seminary
Doctrinal Mastery: Santiago 1:5–6


Doctrinal Mastery: Santiago 1:5–6

“Humingi … sa Diyos”

The Prophet Joseph Smith, Jr. in the Sacred Grove (in Manchester, New York) when he received the First Vision. Joseph is depicted kneeling before God the Father and Jesus Christ. Both God the Father and Christ are portrayed wearing white robes. The Father is presenting Christ to Joseph. There are trees in the background. (Joseph Smith - History 1:15-20)

Sa nakaraang lesson na “Santiago 1,” nalaman mo na pinagpapala tayo ng Diyos ng karunungan kung hihingi tayo sa Kanya nang may pananampalataya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 1:5–6, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Paghingi ng mga sagot sa Diyos. Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang espirituwal na mga tanong ay dapat magkaroon ng espirituwal na mga sagot mula sa Diyos” (“Joseph Smith,” Liahona, Nob. 2014, 28). Turuan ang mga estudyante na humingi ng karunungan sa Diyos kapag may mga tanong sila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–14 , at alamin kung paano ipinamuhay ni Joseph Smith ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “Santiago 1,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Santiago 1:5–6 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Tulungan ang mga estudyante na maisaulo at maipaliwanag ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 1:5–6 . Ang mga sumusunod na aktibidad ay mga mungkahi upang maisakatuparan ang mithiing ito.

Ipagpalagay na nahihirapan ang isang kaibigan na gumawa ng mahalagang desisyon sa kanyang buhay. Alam mo na hindi lumaki ang kaibigang ito sa paniniwala na maaari nating kausapin nang direkta ang Diyos sa panalangin.

Alalahanin na sa nakaraang lesson, napag-aralan mo ang sumusunod na katotohanan mula sa Santiago 1:5–6 : Bibigyan tayo ng Diyos ng karunungan kung hihingi tayo sa Kanya nang may pananampalataya.

  • Paano mo magagamit ang Santiago 1:5–6 upang ipaliwanag ang ugnayan na nais ng Ama sa Langit na magkaroon tayo sa Kanya? (Maaaring makatulong na isama ang mga halimbawa ng mga bagay na maaaring itanong ng isang tao o karunungan na maaari niyang hingin mula sa Diyos sa panalangin, gayundin ang mga personal na karanasan o halimbawa sa banal na kasulatan.)

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na isipin kung paano nila sasagutin ang naunang tanong, maaari mong ipabahagi sa kanila ang kanilang mga sagot sa isang kapartner upang magkaroon ang lahat ng pagkakataong maipahayag nang malakas ang kanilang mga sagot. Pakinggan ang mga sagot ng mga estudyante, at, kung kinakailangan, rebyuhin ang anumang materyal mula sa nakaraang lesson upang tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang scripture passage na ito.

Maaari mong ipakita ang larawan na matatagpuan sa simula ng lesson habang ginagawa ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad.

Ang kakayahang mahanap at maipaliwanag ang doctrinal mastery passage na ito ay maaaring makatulong sa iyo habang ibinabahagi mo ang ebanghelyo sa iba sa buong buhay mo. Upang tulungan kang maisaulo ang scripture passage na ito, tingnan ang larawan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith sa simula ng lesson habang inuulit ang sumusunod na mahalagang parirala at reperensyang banal na kasulatan nang maraming beses hangga’t kaya mo sa loob ng isang minuto: “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos” ( Santiago 1:5–6).

Upang tulungan ang mga estudyante na mas maisaulo ang mahalagang parirala at reperensyang banal na kasulatan, maaari kang huminto nang ilang beses sa buong lesson upang ipakita ang larawan ng Unang Pangitain at sabihin sa mga estudyante na muling bigkasin ang mahalagang parirala at reperensyang banal na kasulatan.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Young Joseph Smith sits in a chair reading the bible.

Maaari mong ipakita ang larawang ito o ang katulad na larawan ni Joseph Smith sa susunod na bahagi ng lesson.

Si Joseph Smith ay isa sa maraming halimbawa ng mga tao sa banal na kasulatan na napagpala dahil sa pagsunod sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Para sa sumusunod na pagsasanay para sa pagsasabuhay, pag-aaralan mo ang isang halimbawa kung paano niya ipinamuhay ang mga alituntuning ito. Bago ka magsimula, maglaan ng ilang minuto na rebyuhin sandali ang mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa tatlong grupo, na ang bawat grupo ay nakatuon sa magkakaibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para sa natitirang bahagi ng lesson. Kung kinakailangan, sabihin sa bawat grupo na rebyuhin ang mga talatang nauukol sa kanilang alituntunin sa Doctrinal Mastery Core Document.

  • Isipin ang nalalaman mo na tungkol sa karanasan ni Joseph Smith. Ano ang mga tanong ni Joseph? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:8–10 .)

  • Bakit mahalaga para sa atin na humingi ng mga sagot mula sa Diyos sa ating sariling mga tanong tulad ng ginawa ni Joseph Smith?

Isipin ang anumang tanong mo o karunungan na hinihingi mo. Habang ginagawa mo ang sumusunod na aktibidad, pag-isipan kung paano makatutulong sa iyo ang halimbawa ng pagsasabuhay ni Joseph sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyong nangangailangan ng karunungan mula sa Diyos.

Bilang alternatibo, ang pagsasanay para sa pagsasabuhay na ito ay maaaring iangkop sa isang tanong na mayroon ang mga estudyante o sa karunungang hinihingi nila.

Sabihin sa bawat grupo na pag-aralan nang magkakasama ang mga sumusunod na talata. Bigyan sila ng sapat na oras upang pag-usapan ang natuklasan nila sa kanilang grupo, kabilang na ang natutuhan nila mula sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante. Pagkatapos ay sabihin sa bawat grupo na ibahagi sa klase kung paano nila napansin na ipinamumuhay ni Joseph ang alituntuning pinagtuunan nila.

Pag-aralan ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:8, 11–17 , at maaari mong markahan ang bawat parirala na nagpapakita kung paano sinunod ni Joseph ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman bilang tinedyer. Bagama’t maaaring pamilyar ka na sa kanyang kuwento, maghanap ng mga detalye sa mga talatang ito na naghahayag ng mga hangarin, mga pag-uugali, at pananampalataya ni Joseph maliban pa sa maaaring napansin mo noon.

  • Anong mga halimbawa ang nakita mo tungkol sa pagkilos ni Joseph nang may pananampalataya, pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw, at paggamit ng sources na itinalaga ng Diyos?

Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa mga estudyante na talakayin kung paano ipinamuhay ni Joseph ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, matutuhan kung paano makatutulong ang mga alituntuning ito sa kanilang buhay, at bumaling sa Diyos upang matutuhan ang katotohanan. Piliin ang mga tanong na pinakanauugnay sa mga estudyante.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Sa iyong palagay, bakit mahalaga kay Joseph Smith na direktang humingi sa Diyos ng mga sagot sa kanyang mga tanong?

  • Ano ang pinaniwalaan ni Joseph na mangyayari kung hindi siya nanalangin sa Diyos upang maghanap ng mga sagot? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:13 .)

  • Bukod pa sa panalangin, paano ka pa makahihingi ng mga sagot mula sa Diyos?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Sa iyong palagay, ano ang alam ni Joseph tungkol sa Diyos na nagbigay sa kanya ng kumpiyansa na direktang humingi sa Kanya ng mga sagot?

  • Kapag hindi kaagad dumarating ang mga sagot sa iyong mga tanong, paano nakatutulong na maunawaan kung paano inihahayag ng Ama sa Langit ang katotohanan sa Kanyang mga anak?

  • Bakit nais ni Satanas na pigilan si Joseph—at ikaw—sa pagdarasal sa Diyos para sa mga sagot?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano ipinakita ni Joseph Smith ang “[pag]hingi [nang] may pananampalataya na walang pag-aalinlangan” ( Santiago 1:6), kahit sinubukan ni Satanas na pigilan siyang manalangin? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–16 .)

  • Paano makatutulong sa iyo ang halimbawa ni Joseph sa iyong sariling mga tanong at alalahanin? Maaari kang gumawa ng isang partikular na plano kung paano ka kikilos nang may pananampalataya.

Magpatotoo tungkol sa ating mapagmahal na Ama sa Langit, na handang biyayaan tayo ng karunungan kung hihingi tayo sa Kanya nang may pananampalataya. Maaari kang magbahagi ng isang personal na karanasan na nagpapakita ng Kanyang mapagmahal na patnubay matapos humingi sa Kanya nang may pananampalataya.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa susunod na lesson, huwag gumugol nang mahigit tatlo hanggang limang minuto sa pagrerebyu ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 1:5–6 . Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang parehong larawang ginamit sa lesson na ito nang isaulo ng mga estudyante ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Tingnan kung naaalala pa rin ng mga estudyante ang parirala. Bigyan sila ng oras upang rebyuhin ito at muling subukan kung kinakailangan.

Ang isa pang paraan ay ipakita ang larawan ng Unang Pangitain at sabihin sa mga estudyante na bigkasin ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang dalawa o tatlong beses sa simula ng ilang susunod na lesson.

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pagtulong sa mga visual learner sa pamamagitan ng video na “Ang Panunumbalik”

Sa halip na ipabasa sa mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:8, 11–17 sa kanilang mga grupo, maaari mong ipanood ang video na “Ang Panunumbalik” (mula sa time code na 2:53 hanggang 15:28). I-pause ang video nang ilang beses sa mga naaangkop na bahagi upang maisulat ng mga estudyante kung paano nila nakitang ipinapakita ni Joseph Smith ang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na naka-assign sa kanila. Matapos panoorin ang video, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa kanilang grupo ang natuklasan nila. Pagkatapos ay sabihin sa bawat grupo na ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

19:13

//media.ldscdn.org/webvtt/feature-films/the-restoration/2008-06-01-the-restoration-ceb.vtt