Santiago
Buod
Ano ang maaari mong gawin kapag may kinakaharap kang mahirap na tanong? Gaano kahalagang kumilos ayon sa iyong pananampalataya? Paano nais ng Panginoon na sabihin at gamitin mo ang iyong mga salita? Sa mga lesson para sa linggong ito, pag-aaralan mo ang mga salita ni Apostol Santiago, na tumutulong sa pagsagot sa mga tanong na ito at sa marami pang iba.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Mungkahi para sa mga Online Teacher
Santiago 1
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na palakasin ang mga patotoo ng mga estudyante na bibigyan sila ng Ama sa Langit ng karunungan bilang sagot sa kanilang mga panalangin.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Santiago 1:5–6 at isipin ang mga aspeto sa kanilang buhay na nangangailangan ng karunungan o patnubay mula sa Diyos.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hilingin sa ilan sa mga magulang ng mga estudyante nang maaga nang isa o dalawang araw na dumalo sa klase at magbahagi ng karanasan nila tungkol sa pagtanggap ng karunungan mula sa Diyos bilang sagot sa panalangin. Maaari ding magpadala ang mga magulang na ito ng recording ng kanilang karanasan na maaaring ipakita sa klase.
Doctrinal Mastery: Santiago 1:5–6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 1:5–6 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–14 , at alamin kung paano ipinamuhay ni Joseph Smith ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Larawang ipapakita: Isang larawan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa halip na sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:8, 11–17 , maaari mong ipanood ang video na “Ang Panunumbalik” (19:12; panoorin mula sa time code na 2:53 hanggang 15:28). I-pause ang video nang ilang beses sa mga naaangkop na bahagi upang makapagbahagi ang mga estudyante sa maliliit na breakout room ng napansin nila na ginawa ni Joseph Smith upang maipakita ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Matapos panoorin ang video, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang natuklasan nila.
Santiago 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay-daan para masuri ng mga estudyante kung paano nila mas lubos na maipapakita ang pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong malapit sa kanila na may malakas na pananampalataya kay Jesucristo. Kung maaari, sabihin sa mga estudyante na itanong sa taong ito ang tulad ng mga sumusunod: “Paano naiimpluwensyahan ng pananampalataya mo kay Jesucristo ang iyong mga ginagawa at pag-uugali? Ano ang mga ginagawa mo na naiiba dahil sa iyong pananampalataya kay Jesucristo?” Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa.
-
Larawang ipapakita: Maaari kang magdrowing o magdispley sa pisara ng larawan ng apoy.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot tungkol sa mga halimbawa ng pananampalataya sa dalawang piraso ng papel, tulad ng inilarawan sa lesson. Pagkatapos, sa halip na sabihin sa mga estudyante na maglibot sa buong silid, ilagay sila sa mga breakout room nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Sabihin sa mga estudyante na hawakan ang isang papel sa bawat kamay. Sa kanilang mga breakout room, maaaring piliin ng mga estudyante ang kanan o kaliwang kamay ng isa pang estudyante upang pakinggan ang kanyang mga sagot. Maaaring ulitin ng mga estudyante ang aktibidad na ito sa isa pang breakout room na may ibang bagong grupo ng mga estudyante.
Doctrinal Mastery: Santiago 2:17–18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 2:17–18 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang alituntunin ng ebanghelyo na pinaniniwalaan nila ngunit maaaring nahihirapan silang kumilos ayon dito. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaaring nakahahadlang sa kanila na kumilos ayon sa alituntuning iyon.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel at gunting.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa bahagi ng lesson na pagsasanay para sa pagsasabuhay, maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang sitwasyon na tatalakayin nila nang magkakasama. Sabihin sa isang estudyante na ibahagi kung paano nila gagamitin ang isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan ang tao sa sitwasyong ito. Sabihin sa isa pang estudyante na magbahagi ng mga karagdagang ideya tungkol sa alituntuning iyon. Kung nahihirapan ang mga estudyante na ipamuhay ang alinman sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, maaari mong i-post ang ilan sa mga karagdagang tanong na nakalista sa ilalim ng mga heading na kasunod ng sitwasyon na malapit sa katapusan ng lesson sa chat feature at sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin.
Santiago 3
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga salitang sinasabi nila at kung paano nakakaapekto ang kanilang mga salita sa kanilang mga pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pansinin kung paano nakakaapekto ang pananalitang ginagamit natin sa atin at sa iba. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi ang napansin nila.
-
Mga larawang ipapakita: Maaari kang magpakita ng mga larawan ng mga indibiduwal na may iba’t ibang uri ng pag-uusap.
-
Handout: Maghanda ng sapat na kopya ng handout para sa lahat ng estudyante.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Depende sa kung paano sasaliksikin ng mga estudyante ang Santiago 3:2–12 para sa paghahambing na ginawa ni Santiago, maaaring makatulong ang digital whiteboard para makapagbahagi at makapagturo ang mga estudyante sa isa’t isa. Halimbawa, kung hihilingin sa mga estudyante na maghanap ng mga simbolo mula sa Santiago 3:2–12 , maaari nilang isulat o idrowing sa digital whiteboard ang mga simbolong ginamit ni Santiago kapag nahanap nila ang mga ito. Bilang alternatibo, kung ibabahagi ang mga simbolo sa mga estudyante bago nila pag-aralan ang kanilang mga talata, maaaring ilista ng mga estudyante sa digital whiteboard ang iba’t ibang paraan na inihalintulad ang dila sa bawat isa sa mga bagay na nasa paghahambing ni Santiago.