Seminary
Doctrinal Mastery: Mga Hebreo 12:9


Doctrinal Mastery: Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ay “Ama ng mga Espiritu”

A young man reading scriptures.

Sa iyong pag-aaral ng Mga Hebreo 12:9, nalaman mo ang tungkol sa kaugnayan mo sa Diyos, na “Ama ng mga espiritu,” at kung paano ito makakaimpluwensya sa iyong buhay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Hebreo 12:9, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

Pag-unawa, pagsasabuhay, at pagsasaulo. Kapag naunawaan muna ng mga estudyante, at pagkatapos ay natutuhan kung paano ipamumuhay ang naunawaang iyon, magiging mas madali ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery passage. Higit pa rito, ang doktrina at mga alituntunin mula sa mga scripture passage ay mas malamang na magkaroon ng pangmatagalang epekto.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyong kinakaharap nila kung saan makatutulong sa kanila na maunawaan o maalala na sila ay mga anak ng Ama sa Langit.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “Mga Hebreo 12:9,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Mga Hebreo 12:9 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Tulungan ang mga estudyante na magsanay na ipaliwanag ang doktrina sa sarili nilang mga salita. Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito. Ang aktibidad na ito ay maaaring iangkop sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga estudyante na isadula ang sitwasyong ito nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang klase.

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na ang Diyos ay Ama ng ating mga espiritu. Ipagpalagay na kausap mo ang isang kaibigan na nagtatanong kung sino siya. Gamitin ang Mga Hebreo 12:9 upang matulungan siya. Habang sinasagot mo ang kanyang mga tanong o tumutugon sa kanyang mga alalahanin, maaari mong isama ang mga sumusunod:

  • Ano ang ibig sabihin ng tayo ay mga anak ng Diyos at bakit mahalagang malaman ito

  • Paano makakaapekto sa ating identidad at pagpapahalaga sa sarili ang pag-unawa o hindi pag-unawa sa katotohanang ito

  • Mga paraan na sinusubukan ng mundo na impluwensyahan ang ating kaalaman tungkol sa kung sino tayo at ang ating kaugnayan sa Diyos, at kung bakit gusto nating madaig ang mga impluwensyang ito

Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Hebreo 12:9 , “Ang Ama sa Langit ay ‘Ama ng mga espiritu.’” Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita sa pisara ang mga unang letra ng bawat salita sa reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan: M H 12:9, A A s L a “A n m e.”

Sabihin sa mga estudyante na subukang ulitin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa pamamagitan ng paggamit sa mga unang letra bilang clue. Pagkatapos ulitin nang ilang beses, burahin ang ilan sa mga unang letra at tingnan kung tumpak pa rin itong mabibigkas ng mga estudyante. Pagkatapos, burahin ang lahat ng letra at ulitin ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan bilang isang klase.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan upang magawa ito. Maaari mong ipakita ang sumusunod na mahahalagang salita at itanong ang mga tanong sa ibaba.

Upang matulungan kang rebyuhin ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, isaalang-alang ang sumusunod na mahahalagang salita:

  • Pananampalataya

  • Pananaw

  • Mga Source

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Kung kinakailangan, maaari kang sumangguni sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

  • Paano nauugnay sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang bawat isa sa mga salitang ito?

  • Bakit mahalagang maunawaan at maipamuhay ang mga alituntuning ito?

Sabihin sa mga estudyante na maghandang ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Mga Hebreo 12:9 . Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang sumusunod na prompt gamit ang mga blangkong espasyo nito sa pisara at sama-samang punan ang mga nawawalang elemento bilang isang klase. Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang ibinigay na sitwasyon bilang halimbawa pagkatapos ng prompt.

Si _______________________(Pangalan) ay isang kabataan na __________________________________________________________________ (sitwasyon o problema). Dahil dito, nadarama niya na ____________________________________________________________. Tungkol sa kanyang ugnayan sa Diyos, iniisip niya na ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Halimbawa, maaaring ganito ang kalabasan ng isang nakumpletong sitwasyon:

Si Leslie ay isang kabataan na mahusay sa maraming extracurricular activity at isang lider ng kanyang mga kaklase. Dahil dito, nadarama niya na masaya siya. Tungkol sa kanyang ugnayan sa Diyos, iniisip niya na maayos na ang buhay niya kaya hindi niya talaga nakikita ang pangangailangang magtuon nang lubos sa Kanya.

Maaari mong ipakita ang mga tanong na matatagpuan sa ilalim ng bawat isa sa mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring sama-samang talakayin ng mga estudyante ang mga ito bilang isang klase, nang magkakapartner, o sa maliliit na grupo.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Sa iyong palagay, paano makikita ng Ama sa Langit ang taong ito? Bakit mahalagang malaman ng taong ito kung paano siya nakikita ng Ama sa Langit?

  • Paano makakaimpluwensya sa tao sa sitwasyong ito ang mas malinaw na pag-unawa tungkol sa kanyang banal na identidad bilang anak ng Diyos?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Ano ang natutuhan mo mula sa iyong pag-aaral ng Mga Hebreo 12:9 na makatutulong sa sitwasyong ito?

  • Ano ang iba pang mga source na maaaring pag-aralan nang mag-isa ng tao sa iyong sitwasyon upang makahanap ng karagdagang kaalaman?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na maghanap, magsaliksik, at magbahagi ng ilan sa mga karagdagang resource na binanggit sa tanong sa itaas. Kung kailangan nila ng tulong, maaari mong sabihin sa kanila na sumangguni sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” sa katapusan ng nakaraang lesson na “Mga Hebreo 12:9.”

Kumilos nang may pananampalataya

  • Anong mga karanasan, personal man o hindi, ang naiisip mo kapag inisip mo ang pagkilos nang may pananampalataya? Paano mo magagamit ang mga ito upang matulungan ang tao sa iyong sitwasyon?

  • Anong mga rekomendasyon ang maibibigay mo sa tao sa iyong sitwasyon upang matulungan siyang kumilos nang may pananampalataya?

Maaari kang magtapos sa pamamagitan ng pagpapatotoo tungkol sa ating banal na identidad bilang mga anak ng Diyos o pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga patotoo. Maaari ding makatulong na hayaan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang natutuhan at nadama nila sa pamamagitan ng pagtatanong. Halimbawa, “Sa iyong palagay, bakit isang doctrinal mastery passage ang Mga Hebreo 12:9 ?” “Ano ang natutuhan mo sa iyong pag-aaral ng doctrinal mastery passage na ito na hindi mo alam dati?” o “Paano mo personal na maipamumuhay ang scripture passage na ito?”

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Dapat gamitin ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu sa isang lesson na ituturo kaagad pagkatapos nito.

Upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pagsasaulo at pag-unawa sa Mga Hebreo 12:9 at mahalagang parirala nito, sabihin ang reperensya at sabihin sa mga estudyante na ulitin ang pariralang “Ang Ama sa Langit ay ‘Ama ng mga espiritu.’” Pagkatapos ay ulitin ang parirala at anyayahan ang mga estudyante na sabihin ang reperensya. Maaari ding makatulong na isama ang iba pang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan bilang bahagi ng pagrerebyung ito.

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga alternatibong sitwasyon

Bilang alternatibo sa pagpapasagot sa mga estudyante sa prompt na ibinigay kanina sa lesson, maaari kang magpakita ng ilang simpleng sitwasyon, tulad ng mga sumusunod, at hayaang pumili ng isang sasagutin ang mga estudyante.

  • Hindi maganda ang ugnayan ni Susie sa kanyang mga magulang. Kapag iniisip niya ang tungkol sa pagiging anak ng Diyos, iniisip niya kung Siya ay isa lamang sa mga nalulungkot sa kanyang mga pagpili at nagnanais na sabihin sa kanya kung ano ang gagawin.

  • Nag-uukol ng maraming oras si Amari sa pagsunod sa mga uso sa mundo. Kung minsan ay nakikibahagi siya sa mga pag-uugali na labag sa mga kautusan ng Diyos at iniisip niya kung bakit hindi siya nakadarama ng higit na kaligayahan sa kanyang buhay.