Seminary
Mga Hebreo 12


Mga Hebreo 12

“Dinidisiplina ng Panginoon ang Kanyang Minamahal”

Young family in New Zealand playing and laughing with their children outside their home. They are playing basketball, holding the children and laughing and watching a small boy ride a trike.

Kailan ka huling dinisiplina o itinuwid ng isang tao? Paano ka tumugon? Nagpasalamat ka ba sa pagtutuwid sa iyo? Sumulat si Pablo sa mga Banal na Hebreo at ipinaliwanag niya sa kanila na madalas ipakita ng ating Ama sa Langit ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtutuwid sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matutuhan kung paanong ang mapagpakumbabang pagtanggap ng pagtutuwid mula sa Ama sa Langit ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng kapayapaan at maging higit na katulad Niya.

Regular na pagdarasal para sa mga estudyante. Kilala ng Ama sa Langit ang bawat estudyante. Habang nagdarasal ka sa Kanya, matutulungan ka Niya na makita ang mga pangangailangan ng mga estudyante at mabibigyang-inspirasyon ka Niya sa mga dapat mong gawin upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Pakinggan ang mga pahiwatig na maaaring dumating sa oras ng lesson o habang naghahanda kang magturo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nagpasalamat sila sa pagtutuwid sa kanila, mula man ito sa Diyos o sa ibang tao.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang takbuhin ng buhay

Ang Mga Hebreo 12:9 , na isang doctrinal mastery passage, ay pag-aaralan nang mas malalim sa susunod na lesson. Kung limitado ang oras ng klase at isang lesson lang sa Mga Hebreo 12 ang maituturo, isipin kung paano epektibong mapagsasama ang dalawang lesson.

Ipakita ang mga sumusunod na larawan (o mga katulad nito).

Rio , Brazil - 9 September 2016; Jason Smyth of Ireland on his way to winning the Men's 100m
Athlete Track or Running Track with nice scenic

Bago sagutin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal, maaari mong sabihin sa kanila na talakayin nang magkakapartner o sa maliliit na grupo kung paano natutulad ang buhay sa pagtakbo.

Sa iyong study journal, ilista kung paano naging parang mahabang pagtakbo ang iyong buhay sa mundo. Halimbawa, maaari mong sagutin ang mga sumusunod:

  • Ano ang dahilan kung bakit ka napapagod o nawawalan ng lakas?

  • Ano ang ilang paraan na nagagawa mo nang mahusay sa pagtakbo at ang mga paraan na mas mapaghuhusay mo pa?

  • Ano ang destinasyong tinatakbo mo? Bakit kanais-nais ito?

  • Bakit kailangan mo ng tulong para matapos mo ang takbuhin ng buhay?

“Tumakbo [nang] may pagtitiis”

Inihalintulad ni Apostol Pablo ang ating buhay sa pagtakbo.Basahin ang Mga Hebreo 12:1–2 , at alamin ang itinuro ni Pablo kung paano natin matagumpay na matatapos ang takbuhin ng buhay. Tandaan na ang “bilang ng mga saksi” na binanggit sa talata 1 ay tumutukoy sa mga halimbawa ng pananampalatayang nakatala sa Mga Hebreo 11 .

  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa mga talatang ito?

  • Paano makatutulong sa atin ang pagsunod sa payo ni Pablo upang matagumpay nating matapos ang takbuhin ng buhay?

Binanggit ni Pablo sa talata 2 na tiniis ng Tagapagligtas ang hirap ng pagpapako sa krus sa pamamagitan ng pagtuon sa “kagalakang inilagay sa Kanyang harapan” ( Mga Hebreo 12:2). Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson:

17:1
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ano ang kagalakang inilagay sa harapan Niya? Tiyak na kabilang dito ang kagalakang linisin, pagalingin, at palakasin tayo; ang kagalakang pagbayaran ang mga kasalanan ng lahat ng magsisisi; ang kagalakang gawing posible na makabalik tayo—nang malinis at karapat-dapat—sa piling ng ating mga Magulang sa Langit at ng ating pamilya.

(Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 83)

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng pagtuon ng Tagapagligtas sa panahon ng Pagpapako sa Kanya sa Krus tungkol sa nadarama Niya tungkol sa iyo?

  • Paano makatutulong sa iyo na alam mo ang bagay na ito tungkol kay Jesucristo upang makaranas ka ng kagalakan kahit sa mahihirap na sitwasyon?

  • Ano ang ilang kagalakang mapagtutuunan mo sa mahihirap na sitwasyon sa iyong buhay?

Pagtitiis sa pagdidisiplina ng Panginoon

Isipin ang isang pagkakataon na itinuwid ka ng isang tao at kung ano ang reaksyon mo sa pagtutuwid na iyon.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit itinutuwid ka ng mga tao?

  • Bakit mahirap kung minsan ang maituwid ng ibang tao?

  • Kailan ka nagpasalamat para sa ilan sa mga pagtutuwid na natanggap mo? Bakit?

Maaari mong ipakita ang sumusunod na reperensyang banal na kasulatan at hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo upang pag-aralan ang scripture passage at talakayin ang mga kaugnay na tanong. Sabihin sa isang tao mula sa bawat grupo na magbahagi ng ilang sagot na sa palagay niya ay kapaki-pakinabang o makabuluhan.

Basahin ang Mga Hebreo 12:5–7, 9–11 , at alamin ang itinuro ni Pablo tungkol sa pagdidisiplina o pagtutuwid.

Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa salitang anak sa labas sa Mga Hebreo 12:8 , ipaliwanag na tumutukoy ito sa mga anak na ipinanganak sa mga magulang na hindi kasal, na hindi itinuturing na mga legal na tagapagmana sa panahon ni Pablo.

  • Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa mga layunin ng Ama sa Langit sa pagdidisiplina sa atin?

Muling rebyuhin ang Mga Hebreo 12:10–11 , at alamin kung paano mo kukumpletuhin ang sumusunod na katotohanan:

Kung tatanggapin natin ang pagdidisiplina mula sa Ama sa Langit …

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga ideya nila. Kung kinakailangan, tulungan silang matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod sa pamamagitan ng pagbanggit ng pariralang “makabahagi sa kanyang kabanalan” sa talata 10 at “magdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran sa mga nasanay sa pamamagitan nito” sa talata 11 .

Narito ang isang paraan para makumpleto mo ang katotohanang ito: Kung tatanggapin natin ang pagdidisiplina mula sa Ama sa Langit, tayo ay magiging higit na katulad Niya at magkakaroon ng kapayapaang nagmumula sa kabutihan.

Ibinigay ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na kaalaman tungkol sa pagdidisiplina o pagpaparusa na natatanggap natin mula sa Panginoon:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang banal na pagpaparusa ay may tatlong layunin: (1) hikayatin tayong magsisi, (2) dalisayin at pabanalin tayo, at (3) kung minsan, upang itama ang direksyon ng buhay natin sa alam ng Diyos na mas mabuting landas. …

… Kung handa tayong tanggapin ito, ang kinakailangang pagtutuwid ay darating sa maraming anyo at maraming pagmumulan. Maaari itong dumating sa ating pagdarasal dahil ang Diyos ay nangungusap sa ating mga isip at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 8:2]. Maaaring dumating ito sa mga panalangin na sinagot ng hindi o iba sa ating inaasahan. Ang pagtutuwid ay maaaring dumating kapag nagbabasa tayo ng mga banal na kasulatan, at napapaalalahanan sa ating mga pagkukulang, pagsuway, o pagpapabaya sa mga simpleng bagay.

(D. Todd Christofferson, “Ang Lahat Kong Iniibig, ay Aking Sinasaway at Pinarurusahan,” Liahona, Mayo 2011, 98, 100)

  • Batay sa pahayag ni Elder Christofferson, ano ang ilang paraan kung paano tayo maaaring parusahan o ituwid ng Ama sa Langit?

3:2
  • Paano makapagdudulot ng kapayapaan at makatutulong sa iyo na maging higit na katulad Niya ang pagtanggap ng pagdidisiplina o pagpaparusa mula sa Ama sa Langit?

  • Ano ang mga naging karanasan mo kung saan nakatulong sa iyo ang pagdidisiplina o pagpaparusa ng Ama sa Langit na magkaroon ng kapayapaan o maging higit na katulad Niya?

  • Paano nakaimpluwensya ang karanasang ito sa iyong nadarama sa Kanya?

Maaari kang magbahagi ng isang halimbawa ng pagdidisiplina o pagpaparusa ng Diyos upang tulungan ang mga estudyante na mag-isip ng sarili nilang mga karanasan. Mag-ingat na huwag magbahagi ng anumang napakapersonal o napakapribadong bagay.

Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti at gawin ang sumusunod na aktibidad, at hikayatin silang kumilos sa anumang impresyong matatanggap nila.

Pagnilayan ang natutuhan at nadama mo ngayon na makatutulong sa iyo sa iyong buhay. Isulat ang iyong mga saloobin at impresyon, kabilang ang anumang pinaplano mong gawin batay sa natutuhan at nadama mo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano kung nadarama kong napag-iiwanan ako ng iba sa takbuhin ng buhay?

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Hindi tayo nagpapaligsahan para makita kung sino ang pinakamayaman o pinakamatalino o pinakamaganda o pinakamapalad. Ang paligsahang talagang pinasukan natin ay ang paligsahan laban sa kasalanan.

(Jeffrey R. Holland, “Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Liahona, Mayo 2012, 31)

Paano naipapakita sa pagdidisiplina o pagpaparusa ng Ama sa Langit ang Kanyang pagmamahal sa atin?

Inilarawan ni Elder Taniela B. Wakolo ng Pitumpu ang mga halimbawa mula sa kanyang sariling buhay at sa buhay ni Joseph Smith na nagpakita ng pagmamahal ng Diyos sa pagpaparusa.

Panoorin ang “Mahal ng Diyos ang Kanyang mga Anak” mula sa time code na 5:23 hanggang 8:04 upang makita ang mga halimbawang ito.

8:40

Ipinakita sa mga banal na kasulatan ang maraming layunin para sa pagdidisiplina o pagpaparusa ng Panginoon. Sa Mga Hebreo 12:10 , itinuro ni Pablo na itinutuwid tayo ng Panginoon para “sa ikabubuti natin, upang tayo’y makabahagi sa kanyang kabanalan.” Ang Kanyang pagtutuwid ay “magdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran sa mga nasanay sa pamamagitan nito” ( Mga Hebreo 12:11). Ang pagtutuwid ng Panginoon ay maraming anyo, at nakatutulong ito palagi upang maturuan ang mga tao at makapagbigay din ng kinakailangang pagtutuwid. Ang pagpaparusa ay tumutulong sa tao na maalaala ang Panginoon, magsisi, tumanggap ng kapatawaran at kaligtasan, matutuhan ang pagsunod, at maging dalisay tulad ng ginto (tingnan sa Helaman 12:3 ; Doktrina at mga Tipan 1:27 ; 95:1 ; 105:6 ; Job 23:10).

Sinabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa pagpaparusa ng Panginoon:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang pagtutuwid ay mahalaga kung iaakma natin ang ating buhay “hanggang sa lubos na paglaki ng tao, [ibig sabihin] hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo” ( Mga Taga Efeso 4:13). Sinabi ni Pablo tungkol sa banal na pagtutuwid o pagpaparusa, “Sapagka’t pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig” ( Mga Hebreo 12:6). Kahit madalas mahirap tiisin, dapat tayong magalak na pinagtutuunan tayo ng panahon ng Diyos at itinutuwid tayo.

(D. Todd Christofferson, “Ang Lahat Kong Iniibig, ay Aking Sinasaway at Pinarurusahan,” Liahona, Mayo 2011, 97–98)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Hebreo 12:1. “Bilang ng mga saksi”

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung ano ang ibig sabihin ni Pablo sa pariralang “bilang ng mga saksi,” maaaring makatulong na ipaliwanag na ang bilang ay tumutukoy sa “napakaraming tao, pulutong ng mga tao” (James Strong, The New Strong’s Expanded Exhaustive Concordance of the Bible [2010], Greek dictionary section, entry 3509).

Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga maituturing nilang saksi na nagpatotoo sa kanila na totoo ang ebanghelyo ni Jesucristo. Maaari silang magsimula sa mga buhay na tao at pagkatapos ay sa mga pumanaw na. Maaari mong sabihin sa estudyante na ibahagi kung paano makahihikayat o nakahikayat sa kanila ang “bilang ng mga saksi” na ito sa kanilang pagsulong sa buhay.

Mga Hebreo 12:5–7, 9–11. Paano tumanggap ng pagtutuwid

Kung makikinabang ang mga estudyante sa isang talakayan kung paano makatatanggap ng pagtutuwid, maaari nilang basahin ang Mga Hebreo 12:5–7, 9–11 , at alamin kung paano iminungkahi ni Pablo na makatatanggap tayo ng pagtutuwid mula sa Panginoon. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang idinaragdag ng mga sumusunod na salita o parirala sa nauunawaan nila kung paano natin matatanggap ang pagpaparusa ng Panginoon: “huwag ipagwalang-bahala … o huwag kang manlupayapay” ( talata 5), “magtiis kayo alang-alang sa disiplina” ( talata 7), “iginagalang” at pasakop ang sarili ( talata 9), at nasanay o tanggapin ang pagdidisiplina (tingnan sa talata 11).

Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga katangiang tulad ng kay Cristo na kinakailangan kung tatanggapin natin ang pagtutuwid ng Diyos sa ganitong mga paraan. Maaari silang pumili ng isang katangiang tulad ng kay Cristo na gusto nilang taglayin at gumawa ng plano upang magawa ito.