Seminary
Mga Hebreo 11, Bahagi 2


Mga Hebreo 11, Bahagi 2

Pamumuhay nang may Pananampalataya kay Jesucristo

Larawan
Youth preparing food for service project in Puerto Rico

Naisip mo na ba kung paano nananatiling tapat ang ilang tao kahit nahaharap sila sa pinakamahihirap na pagsubok sa buhay? Ano ang nauunawaan nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na nakatutulong sa kanila na magtiis? Matapos ituro sa mga Banal na Hebreo ang tungkol sa pananampalataya, hinikayat sila ni Pablo na manampalataya kay Jesucristo tulad ng ginawa ng iba pang matatapat na tao. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring mamuhay nang may pananampalataya kay Jesucristo at makilala ang mga pagpapalang ibinibigay sa iyo ng Diyos dahil sa iyong pananampalataya.

Paghikayat sa mga estudyante na matiyagang magsikap na maging katulad ni Jesucristo. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pagiging katulad ng Tagapagligtas ay isang proseso na nangangailangan ng pananampalataya. Ang pananampalataya kay Jesucristo ay magiging katangian ng kanilang pagkatao kapag sila ay natuto tungkol sa Kanya at kumilos nang may pananampalataya sa Kanya.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila pinagpala ng Diyos o ang isang taong kilala nila dahil nanampalataya sila kay Jesucristo. Hikayatin sila na maghandang magbahagi ng karanasan sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagkilos nang may pananampalataya

Upang masimulan ang lesson, maaari mong ipakita ang ilang larawan mula sa mga banal na kasulatan o kasaysayan ng Simbahan na kumakatawan sa isang taong sumasampalataya kay Jesucristo. Sabihin sa ilang estudyante na maikling isalaysay muli ang kuwento ng isang indibiduwal at ipaliwanag kung paano pinagpala ang taong iyon dahil kumilos siya nang may pananampalataya. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang assignment sa paghahanda sa klase para sa aktibidad na ito.

Isipin ang mga indibiduwal sa mga banal na kasulatan o kasaysayan ng Simbahan o ang mga taong kilala mo na pinagpala ng Diyos dahil nanampalataya sila kay Jesucristo. Ang mga sumusunod na larawan ay maaaring makatulong sa iyo na maalala ang ilan sa mga salaysay na ito.

Larawan
The Old Testament prophet Enoch and people from the City of Zion being translated. The people are depicted kneeling on a cloud. Enoch has his arms raised in the air.
Larawan
A woman lying on the ground as she reaches for the hem of the garment of Jesus Christ.
Larawan
The Book of Mormon prophet Helaman riding on a white horse. Helaman is leading an army of 2,000 young Lamanite warriors. The warriors are marching and carrying spears. Scriptural reference: Alma 53:16-22.
Larawan
Joseph Smith sitting on the floor on some straw in Liberty jail writing on a piece of paper with sunlight shining on him.
  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa kuwento ng taong ito?

  • Paano tayo naiimpluwensyahan kapag nakaririnig o nagbabahagi tayo ng mga kuwento ng pananampalataya? Bakit?

Sa nakaraang lesson, nalaman mo kung ano ang ibig sabihin ng manampalataya kay Jesucristo. Isipin kung paano makapagpapalakas sa iyo ang ibayong pananampalataya sa Kanya sa mga aspeto ng iyong buhay kung saan ka maaaring mahina at madaling maimpluwensyahan. Maaaring makatulong na isulat ang mga impresyong ito sa iyong study journal. Habang nag-aaral ka ngayon, pagnilayan kung paano mo madaragdagan ang iyong hangarin at kakayahang manampalataya.

Ang mga nabubuhay “sa pananampalataya”

Tulad ng nakatala sa Mga Hebreo 11 , nagbahagi si Pablo ng maraming halimbawa ng mga indibiduwal sa Lumang Tipan na namuhay “sa pananampalataya.” Maaaring mapansin mo na inulit nang maraming beses ang pariralang ito sa Mga Hebreo 11. Habang pinag-aaralan mo ang ilan sa mga halimbawang ibinahagi ni Pablo sa mga Banal na Hebreo, isipin kung paano ipinakita ang pagmamahal at kabaitan ng Diyos sa mga gantimpala at pagpapalang ipinagkaloob Niya sa mga kumilos nang may pananampalataya.

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong hatiin ang klase sa tatlong grupo, kung saan nakatalaga sa bawat grupo ang isa sa mga hanay ng mga talatang pag-aaralan. Kapag tapos na ang mga estudyante, maaaring sabihin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila sa isang estudyante na nag-aral ng ibang salaysay.

Gumawa ng chart na may dalawang column sa iyong study journal na katulad ng sumusunod. Tiyaking mag-iwan ng malaking espasyo sa ibaba ng bawat heading.

Paano nanampalataya

Paano ginantimpalaan ng Diyos ang pagiging matapat

Pag-aralan ang kahit isa sa mga sumusunod na hanay ng mga talata. Habang nag-aaral ka, isulat ang iyong mga nalaman sa chart sa iyong study journal.

Mga Hebreo 11:4–11, 17–22

Mga Hebreo 11:23–31

Mga Hebreo 11:32–38

Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang natutuhan nila.

  • Ano ang ilan sa mga paraan na nanampalataya sa Diyos ang mga taong binanggit sa mga talatang pinag-aralan mo?

  • Ano ang ilan sa mga paraan na ginantimpalaan sila ng Diyos ng Kanyang kapangyarihan at mga pagpapala?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito na maaaring makatulong sa iyong buhay?

  • Mula sa pag-aaral mo ng mga talatang ito, ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos?

Sa pamamagitan ng matatapat na halimbawang ibinahagi ni Pablo, matututuhan natin ang maraming katotohanan tungkol sa pananampalataya, sa Diyos, at ating sarili. Isa sa mga katotohanang inilarawan sa buong kabanatang ito ay itinuturo sa Mga Hebreo 11:6 : Ginagantimpalaan ng Diyos ang sumasampalataya kay Jesucristo. Kung hindi mo pa ito nagagawa, maaari mong markahan ang “siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya” sa talata 6 .

  • Paano magiging paraan ang masigasig na paghahanap sa Diyos upang manampalataya?

  • Sa iyong palagay, bakit nalulugod ang Ama sa Langit kapag nananampalataya tayo?

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga ito sa maliliit na grupo.

Kung nahihirapan ang mga estudyante sa pangalawang tanong, maaari mong ibahagi ang pahayag ni Elder Ronald A. Rasband sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.

  • Sa iyong palagay, bakit kailangan ang pananampalataya upang matanggap natin ang mga pagpapala ng Diyos sa ating buhay?

  • Ano ang makatutulong sa iyo para makapagtiis ka kapag tila hindi dumarating ang mga pagpapala para sa iyong katapatan?

Pamumuhay nang may pananampalataya

Bukod pa sa pagpapala sa maraming tao noon dahil sa pananampalataya sa Kanya, ang Diyos din ay “tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya” ( Mga Hebreo 11:6) sa ating panahon.

Mag-isip ng isang pagkakataon kung kailan natanggap mo o ng isang taong kilala mo ang mga pagpapala ng Diyos dahil sa pananampalataya kay Jesucristo.

Maaari mong ipasulat sa mga estudyante ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal bago ipabahagi sa mga boluntaryo ang kanilang mga sagot sa klase.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa karanasang iyon?

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang karanasang iyon sa hinaharap para manampalataya sa Kanila?

Maaari kang magbahagi ng personal na patotoo tungkol sa mga pagpapala ng pananampalataya kay Jesucristo. Ang sumusunod na pahayag ay maaaring basahin nang malakas upang tapusin ang lesson.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Larawan
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Lahat ng mabuti sa buhay—lahat ng pagpapala na maaaring matamo na may walang-hanggang kahalagahan—ay nagsisimula sa pananampalataya. Ang tulutan ang Diyos na manaig sa ating buhay ay nagsisimula sa pananampalataya na handa Niya tayong gabayan.

Pagnilayan ang natutuhan mo at ang nadama mo nang pag-aralan mo ang tungkol sa pananampalataya sa Mga Hebreo 11. Ano ang nadama mong dapat mong gawin dahil sa pinag-aralan mo? Ano ang maaari mong gawin upang makakilos nang may higit na pananampalataya kay Jesucristo? Isulat ang mga saloobin at impresyon mo sa iyong study journal.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ako nakatatanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos?

Itinuro ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Karamihan sa mga pagpapala na nais ibigay sa atin ng Diyos ay nangangailangan ng pagkilos natin—pagkilos na batay sa ating pananampalataya kay Jesucristo. Ang pananampalataya sa Tagapagligtas ay alituntunin ng pagkilos at ng kapangyarihan. Una tayo ay kumikilos nang may pananampalataya; pagkatapos ay darating ang kapangyarihan—ayon sa kalooban at panahon ng Diyos. Ang pagkakasunud-sunod ay napakahalaga. Ang ipinagagawa sa atin, gayunpaman, ay palaging maliit kung ikukumpara sa mga pagpapala na matatanggap natin sa huli [tingnan sa Mosias 2:24–25].

(Dale G. Renlund, “Mananagana sa Pagpapala,” Liahona, Mayo 2019, 70)

Ano ang matututuhan ko mula sa mga halimbawa ng matatapat na miyembro ng Simbahan ngayon?

Ang sumusunod na video ay naglalahad ng mga halimbawa ng indibiduwal na nanampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Isipin kung paano makaiimpluwensya sa iyo ang kanyang mga halimbawa upang mas manampalataya ka sa iyong buhay. Mapapanood ang video na ito sa SimbahanniJesucristo.org.

Hango sa video: “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin” [10:49–14:13]

Kung hindi ako makatanggap ng mga sagot o pagpapala, hindi ba sapat ang aking katapatan?

Itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Official Portrait (as of June 2016) of Elder Ronald A. Rasband of the Quorum of the Twelve Apostles.

Sagana ang mga himala, tanda, at kababalaghan sa mga alagad ni Jesucristo ngayon, sa inyong buhay at sa akin. …

… Hindi ito palaging naaayon sa ating hinihiling o inaasahan, ngunit kapag nagtiwala tayo sa Panginoon, paroroon Siya, at magiging tama Siya. Iaakma Niya ang himala sa sandaling kailangan natin ito. …

May mga pagkakataon na umaasa tayo sa isang himalang mapagaling ang isang mahal sa buhay, na maitama ang isang kawalang-katarungan, o lumambot ang puso ng isang kaluluwang nasasaktan o dismayado. Sa pagtingin sa mga bagay gamit ang mortal na mga mata, nais nating mamagitan ang Panginoon, na ayusin ang nasira. Sa pamamagitan ng pananampalataya, darating ang himala, bagama’t maaaring hindi ayon sa ating takdang panahon o sa ipinasiya natin. Ibig bang sabihin niyan ay hindi tayo gaanong matapat o hindi tayo nararapat sa Kanyang pamamagitan? Hindi. Tayo ay pinakamamahal ng Panginoon. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa atin, at patuloy tayong pinalalaya ng Kanyang Pagbabayad-sala mula sa mga pasanin at kasalanan kapag nagsisisi tayo at lumalapit sa Kanya.

Ipinaalala na sa atin ng Panginoon, “Ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan” [ Isaias 55:8]. Ang alok Niya, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” [ Mateo 11:28 ]—kapahingahan mula sa pag-aalala, pagkasiphayo, takot, pagsuway, pag-aalala sa mga mahal sa buhay, sa nawala o nasirang mga pangarap. Ang kapayapaan sa gitna ng pagkalito o kalungkutan ay isang himala. Alalahanin ang mga salita ng Panginoon: “Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito? Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos?” [ Doktrina at mga Tipan 6:23]. Ang himala ay na si Jesucristo, ang Dakilang Jehova, ang Anak ng Kataas-taasan, ay tumutugon nang may kapayapaan.

(Ronald A. Rasband, “Masdan! Ako ay Diyos ng mga Himala,” Liahona, Mayo 2021, 109, 111)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Hebreo 11. Pagtukoy sa mga halimbawa at pagkakahawig kay Jesucristo

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano tumutugma ang ilan sa mga halimbawa ng pananampalataya na ibinigay ni Pablo sa Mga Hebreo 11 sa mga pangyayari mula sa buhay ni Jesucristo. Makatutulong ito sa mga estudyante na maunawaan na maraming kuwento sa Lumang Tipan ang mga halimbawa at pagkakahawig ng buhay ng Tagapagligtas.

Halimbawa, ang kahandaan ni Abraham na ihandog si Isaac bilang sakripisyo (tingnan sa Mga Hebreo 11:17) ay maaaring ihambing sa pagbibigay ng Ama sa Langit ng Kanyang Bugtong na Anak upang tubusin ang sanlibutan (tingnan sa Juan 3:16). Gayundin, ang paghahambing ni Pablo sa mga inihandog nina Abel at Cain (tingnan sa Mga Hebreo 11:4) ay maihahambing sa pag-aalok ni Jehova ng Kanyang sarili na maging ating Manunubos sa kapulungan sa langit sa premortal na buhay (tingnan sa Moises 4:1–4). Si Noe, na “gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan” ( Mga Hebreo 11:7), ay maihahambing kay Jesucristo, na “inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig upang tubusin ang [Kanyang] mga tao” ( Eter 3:14).

Eter 12. Mga halimbawa ng pananampalataya mula sa Aklat ni Mormon

Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang mga halimbawa ni Pablo ng matatapat na tao sa Mga Hebreo 11 , maaari mong sabihin sa kanila na rebyuhin ang Eter 12:13–22 para sa mga karagdagang salaysay tungkol sa matatapat na indibiduwal.

Print