Mga Hebreo 7–13
Buod
Sa pangalawang bahagi ng kanyang sulat sa mga Hebreo, binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pananampalataya kay Jesucristo. Binanggit niya ang maraming halimbawa sa banal na kasulatan ng mga taong kumilos nang may pananampalataya kay Cristo at pinagpala. Itinuro din niya ang tungkol sa katangian ng Diyos, na tinutukoy ang Diyos bilang “tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya” (Mga Hebreo 11:6) at bilang “Ama ng mga espiritu” (Mga Hebreo 12:9). Hinikayat Niya tayo na “huwag … ipagwalang-bahala ang disiplina ng Panginoon; … sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang kanyang minamahal” (Mga Hebreo 12:5–6).
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:
Mga Hebreo 11, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung ano ang pananampalataya kay Jesucristo at kung bakit mahalaga ito sa kanilang personal na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang pahayag na “Ang pananampalataya ay ________” at maghandang ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.
-
Content na ipapakita: Maghandang ipakita ang mga resource at mga tanong para sa aktibidad sa pag-aaral ng estudyante sa katapusan ng lesson.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gamitin ang whiteboard function sa iyong videoconferencing software upang maisulat ng mga estudyante ang mga kahulugan nila ng pananampalataya para makita o makapagsulat ng isang kahulugan bilang isang klase. Maaaring hikayatin ang mga estudyante sa buong lesson na iangkop ang kanilang mga kahulugan o ang kahulugan na isinulat nila nang magkakasama.
Mga Hebreo 11, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring mamuhay nang may pananampalataya kay Jesucristo at makilala ang mga pagpapalang ibinibigay sa kanila ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila pinagpala ng Diyos o ang isang taong kilala nila dahil kumilos sila nang may pananampalataya. Hikayatin silang maghandang ibahagi sa klase ang isang karanasan.
-
Mga larawan: Maghandang ipakita ang mga larawan ng mga indibiduwal sa mga banal na kasulatan o mula sa kasaysayan ng Simbahan na nagpakita ng pananampalataya kay Jesucristo.
-
Video: “Pure and Simple Faith [Dalisay at Simpleng Pananampalataya]” (5:21)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipaaral sa mga estudyante ang iba’t ibang talata mula sa Mga Hebreo 11 tungkol sa mga halimbawa ng pananampalataya. Pagkatapos ay maaaring ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room kasama ang iba pang estudyanteng nag-aral ng iba’t ibang talata, at maaari nilang ibahagi ang natutuhan nila mula sa mga talatang pinag-aralan nila.
Mga Hebreo 12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano makatutulong sa kanila ang mapagpakumbabang pagtanggap ng pagwawasto mula sa Ama sa Langit upang magkaroon sila ng kapayapaan at maging higit na katulad Niya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nagpasalamat sila sa pagwawasto ng Diyos o ng ibang tao.
-
Mga larawan: Maghandang magpakita ng mga larawan ng isang mananakbo na mukhang pagod at ng isang racetrack.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang simulan ang klase, maaari kang gumawa ng online poll at sabihin sa mga estudyante na magbahagi, nang hindi nagpapakilala, ng mga paraan na tila nadarama nila na parang isang pangmalayuang karera ang kanilang buhay sa kasalukuyan.
Mga Hebreo 12:9
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mas makilala ang Ama sa Langit at maunawaan kung paano positibong makakaimpluwensya sa kanilang buhay ang kanilang kaalaman tungkol sa Kanya at ang ugnayan nila sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga titik ng “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 189) at pag-isipan kung paano naiimpluwensyahan ang kanilang buhay ng kaalamang ito tungkol sa kanilang identidad.
-
Magpatotoo kung paano makakaimpluwensya sa ating mga pag-uugali at gawi ang pagkilala sa Diyos at ang ating banal na ugnayan sa Kanya.
Doctrinal Mastery: Mga Hebreo 12:9
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Hebreo 12:9 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon na nararanasan ng mga tinedyer kung saan makatutulong sa kanila na maunawaan o maalala na sila ay mga anak ng Ama sa Langit.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room kung saan maaari silang gumawa nang magkakapartner o sa maliliit na grupo upang pag-isipan nang sama-sama ang ilang paraan na maaari nilang punan ang mga patlang para sa aktibidad sa pagsasanay para sa pagsasabuhay sa sitwasyon. Hayaan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang mga sitwasyong naisip nila.