Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage

Youth engaged in a group activity. They are seated in a circle in an outdoor setting.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na magsanay para sa pagpapamuhay ng mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyong katulad ng mga sitwasyong maaari mong maranasan sa sarili mong buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga paraan kung paano nila naipamuhay ang alinman sa mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage na napag-aralan na nila sa taon na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Sumangguni sa iskedyul sa pagtuturo na ibinibigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Paano nauugnay ang mga banal na kasulatan sa buhay ko?

Isang binatilyong nagngangalang Nico ang gumugugol ng maraming oras sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Marami siyang nalalamang kuwento sa banal na kasulatan at napakaraming scripture verse na ang naisaulo niya. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, nahihirapan si Nico na makita kung paano nauugnay ang mga banal na kasulatan sa sarili niyang mga sitwasyon at tanong.

  • Ano ang maaari mong sabihin kay Nico upang matulungan siyang makita kung paano magagamit ang mga banal na kasulatan sa kanyang buhay?

  • Kailan mo ipinamuhay ang isang katotohanan mula sa mga banal na kasulatan?

Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na maipamuhay ang mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

Ipakita ang sumusunod na chart upang matingnan ito ng mga estudyante sa buong lesson. Alamin kung aling mga scripture passage ang lubos na makatutulong na bigyang-diin at rebyuhin.

Mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ang sumusunod ay mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage mula sa unang kalahati ng Bagong Tipan. Rebyuhin ang chart na ito, at, markahan ang mga talata na ito sa iyong mga banal na kasulatan kung hindi mo pa ito nagagawa.

Doctrinal Master - Matthew - John

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

  • Ano ang ilang paraan kung paano mo naipamuhay o maipamumuhay ang ilan sa mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage na ito?

Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa totoong buhay

Tulungan ang mga estudyante na magsanay na gamitin ang mga doctrinal mastery passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang isang paraan upang magawa ito ay ibahagi ang bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon at papiliin ang mga estudyante ng doctrinal mastery scripture passage na makatutulong sa taong iyon sa sitwasyong iyon.

Maaari mong gawing mas interesante ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng pagdidispley sa iba’t ibang bahagi ng silid ng mga papel na may mga nakasulat na reperensyang banal na kasulatan (isang reperensya sa bawat papel). Maglahad ng isang sitwasyon sa klase, pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na tumayo sa tabi ng papel na may reperensyang banal na kasulatan na sa palagay nila ay pinakamainam na makatutugon sa sitwasyon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung bakit nila pinili ang reperensyang iyon. Pagkatapos nito, maaaring sabihin sa iba pang estudyante na magbahagi ng mga karagdagang dahilan kung bakit sa palagay nila ay makatutulong ang scripture passage na iyon sa sitwasyong iyon.

Ang sumusunod ay dalawang halimbawa ng mga sitwasyon na magagamit para sa aktibidad na ito. Kung gusto itong gawin, gumawa ng iba pang sitwasyon na may kaugnayan sa iba pang doctrinal mastery scripture passage na nakalista sa chart.

  • Nagtanong sa iyo ang kaibigan mo, “Bakit napakahalaga ni Jesucristo?”

  • Habang nagsisimulang matuto ang isang kaibigan tungkol sa ebanghelyo, itinanong niya, “Bakit kailangan kong magpabinyag? Hindi ba maaaring maging mabuting tao na lang ako?”

Para sa susunod na dalawang sitwasyon, maaari mong hatiin ang klase sa magkakapartner o sa maliliit na grupo. Magtalaga sa bawat magkapartner o grupo ng isa sa mga sitwasyon. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga tanong na kasunod ng mga sitwasyon.

  • Nahihirapan ka sa buhay at nag-iisip kung saan ka maaaring bumaling upang makadama ng kapanatagan.

  • Binigyang-diin ng iyong mga magulang ang kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa mo sa iyong kapwa.

  • Aling doctrinal mastery scripture passage ang sa palagay mo ay nauugnay sa sitwasyong ito?

  • Ano ang ilang partikular na salita o parirala mula sa doctrinal mastery scripture passage na ito na talagang makatutulong sa sitwasyong ito?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na makagawa ng isa o mahigit pang sitwasyon na may kaugnayan sa mga doctrinal mastery scripture passage na nakalista sa lesson na ito. Kapag natapos na sila, tumawag ng ilang boluntaryo upang ibahagi sa klase ang kanilang mga sitwasyon. Pagkatapos magbahagi ng estudyante ng kanyang sitwasyon, maaaring sabihin sa iba pang estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery scripture passage na sa palagay nila ay pinakanauugnay sa sitwasyon.

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na maghanap ng mga paraan upang maipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage.