Seminary
Mateo 13:24–30, 36–43


Mateo 13:24–30, 36–43

Ang Talinghaga tungkol sa Trigo at mga Damo sa Triguhan

Wheat and the terrace, Israel

Gumamit ang Tagapagligtas ng talinghaga tungkol sa bukid ng trigo at mga damo sa triguhan (mga damong nakalalason) upang ituro ang tungkol sa pagtitipon ng mabubuti at paglipol sa masasama bago ang Kanyang pagbabalik. Layunin ng lesson na ito na mas hangarin mong makibahagi sa pagtitipon ng Israel.

Paghikayat sa pagsasabuhay. Ang layunin ng pagtuturo ng ebanghelyo ay tulungan ang mga estudyante na ipamuhay ang doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Ang mga tanong at aktibidad na naghihikayat sa pagsasabuhay ay makatutulong sa mga estudyante na makita kung paano ipamumuhay ang mga alituntuning ito sa kanilang mga sariling sitwasyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang talakayin ang mga tanong na ito: Sino ang isa sa mga unang tao sa iyong pamilya na sumapi sa Simbahan? Ano ang alam mo tungkol sa kanyang kuwento? Maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga tanong na ito sa isang kapamilya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong. Maaari kang magbahagi ng mga personal na karanasan.

  • Sino ang unang tao sa iyong pamilya na sumapi sa Simbahan?

  • Sino ang tumulong na anyayahan siya sa Simbahan?

  • Paano nakaapekto sa iyong buhay ang pagiging miyembro ng kapamilyang ito sa Simbahan?

  • Paano makaiimpluwensya sa iba ang desisyon mong tuparin ang iyong mga tipan sa Diyos?

Sa Mateo 13 , ginamit ng Panginoon ang talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan upang ituro ang pagtitipon ng mga tao sa Kanyang Simbahan. Habang nag-aaral ka, bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu upang tulungan kang maunawaan kung bakit tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao at kung paano ka makikibahagi.

Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang talinghagang ito nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Maaari mong ipakita ang paraan sa pag-aaral na may apat na hakbang at ang mga sumusunod na tanong.

Pag-aralan ang talinghaga sa Mateo 13:24–30 . Maaaring makatulong na malaman na ang damo sa triguhan ay “damo o nakalalasong sukal na damo na katulad sa anyo ng trigo. Hindi [matutukoy ang kaibhan nito] sa trigo hangga’t hindi pa ito lubusang lumalaki” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Agingay, Mga ,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs?lang=tgl).

Upang matulungan kang mag-aral, gamitin ang pattern na ito na may apat na hakbang:

  1. Hanapin ang mahahalagang detalye.

  2. Gumawa ng mga espirituwal na paghahambing.

  3. Tuklasin ang mahahalagang aral.

  4. Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral.

  • Anong mga detalye sa talinghagang ito ang mahalaga para sa iyo?

  • Anong mga espirituwal na paghahambing ang ginawa mo?

  • Anong mahahalagang aral ang natukoy mo?

  • Paano mo maipamumuhay ang mga aral mula sa talinghagang ito?

Basahin ang Mateo 13:36–43 , at alamin ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa talinghagang ito.

  • Ano ang idinaragdag ng paliwanag ng Tagapagligtas sa pagkaunawa mo sa talinghaga?

Sa ating dispensasyon, ibinahagi ng Panginoon ang isang paraan kung paano matutupad ang talinghagang ito. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 101:64–65 , at alamin ang ipinangako ng Panginoon na gagawin bago ang Ikalawang Pagparito. Maaaring makatulong na malaman na ang bangan ay isang kamalig o imbakan kung saan itinatabi ang mga butil.

  • Ano ang nalaman mo sa mga talatang ito tungkol sa Panginoon?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan ay sa mga huling araw, titipunin ng Panginoon ang Kanyang mga tao bilang paghahanda sa Kanyang Ikalawang Pagparito.Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa tabi ng Mateo 13:30 .

  • Paano tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao sa mga huling araw?

  • Ano ang ginagampanan mo sa mahalagang gawaing ito?

Ang pagtitipon ng Israel

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan pa ang tungkol sa pagtitipon ng Israel, maaari kang mag-print ng mga bahagi ng sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson, kasama ang mga pahayag sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon.”

Idispley ang mga pahayag sa iba’t ibang bahagi ng silid-aralan, at sabihin sa mga estudyante na lumibot at pag-aralan ang mga ito. Matapos pag-aralan ang mga pahayag, maaaring ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga nalaman sa kanilang kapartner.

Itinuro ni Pangulong Nelson ang tungkol sa mga pagsisikap ng Panginoon na tipunin ang Kanyang mga tao sa mga huling araw. Panoorin ang “Hayaang Manaig ang Diyos” mula sa time code na 4:07 hanggang 5:48, o basahin ang sumusunod na teksto. Maaari ka ring maghanap ng mga banal na kasulatan o iba pang pahayag nang mag-isa upang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa pagtitipon ng Israel.

18:51
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Tinitipon ng Panginoon ang mga tao na hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay. Tinitipon ng Panginoon ang mga taong pipiliin ang Diyos na maging pinakamahalagang impluwensya sa kanilang buhay.

Sa loob ng maraming siglo, ipinropesiya ng mga propeta ang pagtitipong ito, at nagaganap na ito ngayon! Dahil kailangan itong mangyari bago ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon, ito ang pinakamahalagang gawain sa mundo!

Itong pagtitipon bago ang milenyo ay mga kuwento ng lumalaking pananampalataya at espirituwal na tapang ng milyun-milyong tao. At bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, o “pinagtipang Israel sa mga huling araw,” inatasan tayong tulungan ang Panginoon sa mahalagang gawaing ito.

Kapag sinasabi nating pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing, ibig sabihin ay gawaing misyonero, gawain sa templo at family history. Ito rin ang pagpapatatag ng pananampalataya at patotoo sa puso ng mga taong kasama natin sa buhay, katrabaho, at pinaglilingkuran natin. Sa tuwing gumagawa tayo ng kahit ano na makatutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—para gawin at tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos, tumutulong tayo na tipunin ang Israel.

(Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang DIyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 92–93)

  • Ano ang nauunawaan mo tungkol sa pagtitipon ng Israel?

  • Ano ang mga tanong mo tungkol dito?

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan tungkol sa kahalagahan ng pagtitipon ng Israel?

Ang ginagampanan mo sa pagtitipon ng Israel

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, at alamin kung paano nauugnay sa iyo ang pagtitipon ng Israel:

1:46
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Mga mahal kong mahuhusay na kabataan, ipinadala kayo sa mundo sa panahong ito, sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng mundo, upang tumulong na tipunin ang Israel. Wala nang ibang nangyayari sa daigdig na ito ngayon mismo na mas mahalaga pa kaysa riyan. Wala nang ibang mas mahalaga ang bunga. Wala talaga.

Ang pagtitipon na ito ay dapat maging napakahalaga sa inyo. Ito ang misyon ninyo dito sa lupa.

Kaya ang tanong ko sa inyo ay “Handa ba kayong maging bahagi ng hukbo ng kabataan ng Panginoon upang tumulong na tipunin ang Israel?”

(Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Ensign, 12, ChurchofJesusChrist.org)

Talakayin sa mga estudyante ang nalaman nila tungkol sa pagtitipon ng Israel at kung paano sila makatutulong dito. Ang sumusunod ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon.

Sumulat ng isa o higit pang talata tungkol sa iyong mga naisip at impresyon tungkol sa pagtitipon ng Israel at sa talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan. Anyayahan ang Espiritu Santo na bigyang-inspirasyon ang iyong isipan at nadarama habang nagsusulat ka. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang isusulat ngunit gabay lang ang mga ito.

  • Ano ang mga tanong mo tungkol sa pagtitipon ng Israel na masasagot mo na ngayon?

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng pagtitipon ng Israel tungkol sa pagtitiwala ng Tagapagligtas sa iyo at sa Kanyang pagmamahal para sa lahat?

  • Paano mo matutulungan ang iyong sarili at ang iba na matipon kasama ng mga tao ng Panginoon?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Bakit nais ng Panginoon na tipunin ang Kanyang mga tao?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao kapag Siya ay tinatanggap nila at sinusunod nila ang Kanyang mga kautusan. …

… Tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao upang sila ay sumamba, magtayo ng Simbahan, mapangalagaan, at tumanggap ng payo at tagubilin. …

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na sa lahat ng panahon, ang banal na layunin ng pagtitipon ay magtayo ng mga templo upang matanggap ng mga anak ng Panginoon ang pinakamatataas na ordenansa at sa gayon ay magtamo sila ng buhay na walang hanggan.

(David A. Bednar, “The Spirit and Purposes of Gathering” [Brigham Young University–Idaho devotional, Okt. 31, 2006], byui.edu)

Ano ang mga bangan kung saan titipunin ang mabubuti para maligtas?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang mahalagang ugnayang ito sa pagitan ng alituntunin ng pagtitipon at ng pagtatayo ng mga templo ay binigyang-diin sa Aklat ni Mormon:

“Masdan, ang bukid ay hinog na, at kayo ay pinagpala, sapagkat ikinampay ninyo ang karit, at nanggapas nang buong lakas ninyo, oo, kayo ay buong araw na gumawa; at masdan ang bilang ng inyong mga bigkis! At sila ay titipunin sa mga bangan, upang hindi sila masayang” ( Alma 26:5).

Ang bigkis sa paghahalintulad na ito ay kumakatawan sa mga bagong binyag na miyembro ng Simbahan. Ang bangan ay ang mga banal na templo.

(David A. Bednar, “Marangal na Humawak ng Pangalan at Katayuan,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 97)

Ano ang ginagampanan ng Aklat ni Mormon sa pagtitipon ng Israel?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ang Aklat ni Mormon ang sentro ng gawaing ito. Ipinahahayag nito ang doktrina ng pagtitipon. Dahil dito nalalaman ng mga tao ang tungkol kay Jesucristo, naniniwala sa Kanyang ebanghelyo, at sumasapi sa Kanyang Simbahan. Sa katunayan, kung wala ang Aklat ni Mormon, ang pangakong pagtitipon ng Israel ay hindi magaganap.

(Russell M. Nelson, “Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 80)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao

Bagama’t inaanyayahan tayo ng Panginoon na makibahagi sa Kanya habang tinitipon Niya ang Kanyang mga tao, Siya sa huli ang gumagawa ng pagtitipon. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod na banal na kasulatan o ang lahat ng ito, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Kanyang gawain sa pagtitipon ng Kanyang mga tao: Deuteronomio 30:3 ; Isaias 27:12 ; 54:7 ; Ezekiel 34:12 ; 1 Nephi 22:25 ; Jacob 5:71–72 ; Doktrina at mga Tipan 29:1–2 ; 33:6 .

Bilang alternatibo, maaaring sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang “ Israel ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at hanapin ang mga scripture passage na naglalarawan sa gawain ng Panginoon sa pagtitipon ng Kanyang mga tao.

Ang mabubuti at masasama ay sabay na yayabong

Maaaring makatulong sa mga estudyante ang pag-isipan kung paano ginamit ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan (mga nakalalasong damo) upang maituro na titipunin ng Panginoon ang mabubuti sa mga huling araw at pagkatapos ay lilipulin Niya ang masasama sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Matapos pag-aralan ng mga estudyante ang talinghaga sa Mateo 13:24–30 , maaari din nilang pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 86:1–7 , at alamin ang mga karagdagang detalye na ibinibigay ng paghahayag na ito. Maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod: Ano ang isinasagisag ng mga simbolo sa talinghagang ito? Paano nakikita ang awa ng Panginoon sa talinghagang ito?