Seminary
Mateo 13; Lucas 8; 13


Mateo 13; Lucas 8; 13

Buod

Sa linggong ito, magkakaroon ka ng pagkakataong pag-aralan ang ilan sa mga talinghaga ng Tagapagligtas, kabilang na ang talinghaga tungkol sa manghahasik at ang talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa triguhan. Ang pag-aaral ng mga talinghaga ng Tagapagligtas ay makatutulong sa iyo na matuto ng mga espirituwal na katotohanan at magkaroon ng higit na pagmamahal kay Jesucristo.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong mapag-aralan ang mga talinghaga, matuklasan ang espirituwal na kahulugan ng mga ito, at makapaghanap ng mga paraan upang maipamuhay ang natutuhan nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na i-assess ang kanilang kakayahang maunawaan ang mga talinghaga ng Panginoon. Maaaring basahin ng mga estudyante ang Mateo 13:44–48 at i-rate ang kanilang tiwala sa kanilang kakayahang kumuha ng mga espirituwal na aral mula sa maiikling talinghagang ito.

  • Larawan: Maghandang magpakita ng isang larawan na may mga nakatagong imahe.

Mateo 13:3–8, 18–23

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na ihanda ang kanilang puso na tanggapin at pangalagaan ang salita ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang tanong na naka-highlight sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ngayong linggo: “Bakit kung minsan ay tinatanggap ng ating puso ang katotohanan, samantalang sa ibang pagkakataon ay natutukso tayong tanggihan ito?” (Marso 20–26. Mateo 13; Lucas 8; 13: ‘Ang mga May Pandinig ay Makinig,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023).

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga drowing sa kanilang mga kaklase. Maaari itong gawin sa mga breakout room.

Mateo 13:24–30, 36–43

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring makibahagi sa pagtitipon ng Israel.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang talakayin ang mga tanong na ito: Sino ang isa sa mga unang tao sa iyong pamilya na sumapi sa Simbahan? Ano ang alam mo tungkol sa kanyang kuwento? Maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga tanong na ito sa isang kapamilya.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa mga tanong sa simula ng lesson, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature upang maibahagi ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ay bigyan ng oras ang mga estudyante na basahin ang mga sagot ng kanilang mga kaklase. Maaaring tukuyin ng ilang estudyante ang isang sagot na gusto pa nilang mas maipaliwanag.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4 Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na magsanay na magamit ang mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyong katulad ng mga sitwasyong maaari nilang maranasan sa sarili nilang mga buhay.

Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga paraan kung paano nila naipamuhay ang alinman sa mga katotohanang itinuro sa alinman sa mga doctrinal mastery scripture passage na napag-aralan na nila sa taong ito.

  • Mga supply: Isulat ang mga reperensyang banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery passage na ginamit sa lesson na ito sa mga piraso ng papel (isang reperensyang banal na kasulatan sa bawat papel). Isabit ang mga papel sa paligid ng silid.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 3

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na masuri ang mga mithiing itinakda nila at ang pagkatuto at pansariling pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan sa taong ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mateo 11:16–19 at maging handa na magpakita ng kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na maaari nilang gamitin upang mas maunawaan ang mga talatang ito. Maaaring makatulong na maglista ng ilang kasanayan tulad ng pag-uugnay o pag-cross reference, paggamit ng mga tulong sa pag-aaral, o pag-unawa sa mga simbolo at metapora upang maalala muli ng mga estudyante ang ilan sa mga kasanayang itinuro sa kanila.

  • Larawan: Maghandang ipakita ang diagram mula sa lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga screen at magpakita ng halimbawa kung paano nila ginamit ang isang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa kanilang mga digital na banal na kasulatan.