Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 3


I-assess ang Iyong Pagkatuto 3

Mateo 8–13; Marcos 2–5; Lucas 7–9; 11; 13

Mendoza, Argentina. A group of young men and young women attend an early morning seminary class.

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pagkatuto at pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan sa taong ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isipin ang iyong pag-unlad kamakailan

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang espirituwal na pag-unlad kamakailan. Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang mga sumusunod na tanong at bigyan ang mga estudyante ng oras para maisulat ang kanilang mga saloobin at sagot sa kanilang study journal.

Isa sa mga layunin ng seminary ay tulungan kang lumapit kay Jesucristo at maging Kanyang disipulo. Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang iyong espirituwal na pag-unlad kamakailan. Magagabayan ka ng mga sumusunod na tanong. Maaari mong isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong study journal.

  • Ano ang isang pagbabago na ginawa mo sa iyong buhay kamakailan na mas naglapit sa iyo kay Jesucristo?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas sa iyong mga pag-aaral kamakailan na talagang naging makabuluhan para sa iyo?

  • Sa paanong mga paraan mo nadarama na nagiging higit ka nang katulad ni Jesucristo?

Kapag tapos nang pagnilayan ng mga estudyante ang kanilang espirituwal na pag-unlad, anyayahan silang ibahagi sa klase ang ilan sa kanilang mga natutuhan.

Ang mga sumusunod na aktibidad ay ginawa upang matulungan ang mga estudyante na i-assess ang kanilang pagkatuto at pag-unlad. Gamitin ang mga aktibidad na ito, o mag-isip ng iba pang mga aktibidad na mas makatutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

I-assess ang kakayahan mong maunawaan ang mga banal na kasulatan

Ngayong taon sa seminary, tinuruan ka ng iba’t ibang kasanayan upang matulungan kang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan. Ang ilan sa mga kasanayang ito, tulad ng pagbibigay-kahulugan sa mahihirap na salita, ay maaaring nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga salitang ginamit sa mga banal na kasulatan. Ang iba pang mga kasanayan, tulad ng pattern na may apat na hakbang para sa pag-unawa sa mga simbolong ginagamit sa mga talinghaga, ay maaaring nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga mensahe sa mga banal na kasulatan.

Ang sumusunod na survey ay isang paraan lamang ng pagtulong sa mga estudyante na pagnilayan ang nagawa nila para madagdagan ang kanilang kakayahang maunawaan ang mga banal na kasulatan. Ang isa pang opsiyon ay umpisahan ang isang talakayan sa klase tungkol sa kung anong mga paraan ang mas epektibo sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at ang mga hamong kinakaharap pa rin nila. Ang pangatlong opsiyon ay bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ipakita ang paggamit ng kasanayang nakatulong sa kanila.

  • Gamit ang scale na 0 hanggang 5, gaano nakatulong sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral upang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan?

0. Hindi ko pa nagamit ang kasanayang ito.

1. Walang naitulong

2. Kaunti lamang ang naitulong

3. Medyo nakatulong

4. Nakatulong kahit papaano

5. Lubos na nakatulong

______ Pagtukoy sa mga alituntunin

______ Pag-unawa sa mga simbolo at metapora (halimbawa, sa mga talinghaga ng Tagapagligtas)

______ Pag-tag (sa Gospel Library), pagmamarka, pagsalungguhit, at iba pa

______ Pagsulat ng mga ideya at impresyon habang nag-aaral ka

______ Pag-uugnay (sa Gospel Library) o pag-cross reference ng mga talata ng mga banal na kasulatan

______ Pag-aaral ng maraming pananaw (halimbawa, pag-aaral ng iisang kuwento mula sa iba’t ibang punto o pananaw)

______ Paglalarawan ng mga banal na kasulatan sa isipan

  • Ano pang mga kasanayan ang idaragdag mo sa listahang ito na nasubukan mo na?

  • Paano nakatulong sa iyo ang pagsasagawa ng mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang mas makilala si Jesucristo at mas maunawaan ang Kanyang mga turo?

Ipaliwanag ang mahalagang ginagampanan ng mga propeta at apostol sa Simbahan ng Tagapagligtas

Kamakailan lamang ay napag-aralan mo ang tungkol sa pagtawag ng Tagapagligtas sa Kanyang Labindalawang Apostol bilang bahagi ng pagtatatag ng Kanyang Simbahan (tingnan sa Mateo 10).

2:3

Ipagpalagay na may kaibigan kang nag-aaral ng tungkol sa Simbahan at gusto niyang malaman pa ang tungkol sa ginagampanan ng mga propeta at apostol sa Simbahan ng Tagapagligtas ngayon. Kunwari ay itinanong sa iyo ng kaibigan mo ang mga sumusunod na tanong. Maghanda ng sagot para sa iyong kaibigan. Maaaring makatulong na isama ang mga katotohanan mula sa Mateo 10 bilang bahagi ng iyong sagot.

Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa kapartner habang inihahanda nila ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ay maaari mong sabihin sa mga magkakapartner na ibahagi ang kanilang mga sagot sa iba pang magkapartner sa isang dula-dulaan.

  • Bakit tumatawag ang Tagapagligtas ng mga Apostol?

  • Bakit natin kailangan ng mga buhay na Apostol ngayon?

I-assess kung paano ka nananampalataya kay Jesucristo upang mapagsisihan ang iyong mga kasalanan

Maaaring nakita mo na ang diagram na ito sa nakaraang lesson. Maglaan ng ilang sandali upang mapagnilayan kung saan mo maaaring ilagay ang iyong sarili sa diagram na ito ngayon. Isipin kung gaano ka na kalapit sa Panginoon at kung saang direksyon ka papunta.

Shows two stick figures, one going toward Christ, the other going away from Christ

Sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan, maaaring nahikayat kang mas lumapit pa kay Jesucristo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya at pagsisisi sa iyong mga kasalanan. Bagama’t kung minsan ay tila hahantong sa mga hindi kanais-nais na resulta ang pagsisisi, makatutulong sa atin ang pananampalataya kay Jesucristo at taos-pusong pagsisisi upang madaig ang pagkatakot na iyon.

Shows two stick figures, one going toward Christ, the other going away from Christ

Kung hindi itinuro ang lesson para sa Lucas 7:36–50, maaari mong iangkop ang sumusunod na nilalaman sa paraang makatutulong pa rin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap kamakailan na manampalataya kay Jesucristo upang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan.

Kung nakibahagi ka sa lesson para sa Lucas 7:36–50, maaalala mo na pinagawa ka ng plano upang mapalalim mo ang iyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi sa iyong mga kasalanan. Sa lesson na iyan, sinabi sa iyo na sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong ihinto para mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka hihinto?

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong simulang gawin upang mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka magsisimula?

Kung maaari, balikan ang isinulat mong ito sa iyong study journal upang marebyu kung paano mo sinagot ang dalawang tanong na ito. Isipin ang tungkol sa progresong nagawa mo sa pagsasakatuparan ng mga mithiing itinakda mo. Magagabayan ka ng mga sumusunod na tanong.

Maaari mong ipakita ang susunod na tatlong tanong para personal na masagot ng mga estudyante ang mga ito sa kanilang study journal. Hindi kailangang talakayin ang mga tanong na ito sa iba.

  • Anong mga balakid ang kinaharap mo o ano ang progresong nagawa mo habang nagsisikap kang magbago at mas mapalapit kay Jesucristo?

  • Paano ka tinulungan ng Tagapagligtas?

  • Batay sa iyong kasalukuyang progreso, ano sa palagay mo ang dapat na maging susunod mong hakbang?

Pagkatapos bigyan ng oras ang mga estudyante na masagot ang naunang tanong, talakayin pa ang tungkol sa pagsisisi. Tiyaking sabihin sa mga estudyante na huwag magbahagi ng impormasyon na maaaring masyadong personal habang isinasagawa ang talakayang ito. Maaari kang gumamit ng mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Ano pang mga tanong ang mayroon ka tungkol sa pagsisisi?

  • Paano nakatulong ang pagpili mong magsisi sa iyong espirituwal na pag-unlad at pagkakaroon ng kagalakan?

  • Paano mo nadama ang pagmamahal ng Tagapagligtas habang nagsisikap kang magsisi o magbago?

Patotohanan na madarama natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas kapag taos-puso at mapagpakumbaba tayong nagsisi, at hikayatin ang mga estudyante na manampalataya sa Tagapagligtas at magsisi.