Seminary
Lucas 7:36–50


Lucas 7:36–50

“Sapagkat Siya ay Nagmahal nang Malaki”

paglalarawan sa babaeng pinupunasan ang mga paa ni Jesus

Kumain si Jesus sa tahanan ng isang Fariseo na nagngangalang Simon. Isang babae na itinuring ni Simon na “makasalanan” ang pumasok at “pinasimulan niyang basain ang mga paa [ng Tagapagligtas] ng kanyang mga luha,” pinunasan ang mga ito ng kanyang buhok, at “hinagkan ang mga paa ni Jesus, at binuhusan ang mga ito ng pabango” (Lucas 7:37–39). Bilang tugon sa mga iniisip ni Simon, nagbahagi ang Tagapagligtas ng isang talinghaga tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang manampalataya kay Jesucristo at magsisi sa iyong mga kasalanan.

Pagninilay. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang natututuhan nila. Ang pagninilay ay nangangahulugang pag-iisip nang malalim tungkol sa isang bagay at mapapaigting sa pamamagitan ng panalangin. Habang natututo ang mga estudyante na magnilay, madalas na maghahayag ng katotohanan ang Espiritu sa kanila at tutulungan silang malaman kung paano sila magiging higit na katulad ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante:Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Lucas 7:36–50 at pagnilayan kung ano ang matututuhan nila mula sa halimbawa ng babae tungkol sa pananampalataya, pagmamahal, at pagpapakumbaba. Sabihin din sa kanila na pagnilayan kung kailan nila naranasan ang pagmamahal at awa ng Tagapagligtas sa kanilang buhay. Kailan mo naranasan ang pagmamahal at awa na ipinakita ng Tagapagligtas sa kanya? Ano ang natutuhan mo mula sa kanyang halimbawa ng pananampalataya, pagmamahal, at pagpapakumbaba?” (“Pebrero 27–Marso 5. Mateo 8; Marcos 2–4; Lucas 7: ‘Iniligtas Ka ng Iyong Pananampalataya’”).

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang direksyong pinatutunguhan natin

Ipakita ang sumusunod na paglalarawan at mga kasamang tanong.

Magpakita ng dalawang stick figure, ang isa ay lumalapit kay Cristo, ang isa naman ay lumalayo kay Cristo
  • Ano ang napapansin mo tungkol sa mga tao sa diagram na ito?

  • Ano kaya ang ipinahihiwatig ng kanilang distansya mula sa Tagapagligtas at ng direksyon kung saan sila nakaharap tungkol sa kaugnayan nila sa Kanya?

Isipin sandali kung saan mo ilalagay ang iyong sarili sa diagram na ito at kung sa aling direksyon ka haharap.Ipinaliwanag ni Elder Larry R. Lawrence, na noon ay miyembro ng Pitumpu:

Opisyal na Larawan ni Elder Larry R. Lawrence. Kinunan noong Marso 2017.

Alam ng Ama sa Langit ang ating banal na potensyal. Natutuwa siya sa tuwing humahakbang tayo nang pasulong. Sa Kanya, ang ating patutunguhan ay mas mahalaga kaysa sa ating tulin o bilis.

(Larry R. Lawrence, “Ano pa ang Kulang sa Akin?,” Liahona, Nob. 2015, 35)

  • Sa iyong palagay, bakit mas mahalaga ang espirituwal na direksyong pinupuntahan natin kaysa sa bilis natin?

Ang Panginoon ay nakadarama ng higit na kagalakan kapag nagsisikap tayong magsisi (tingnan sa Lucas 15:7; Doktrina at mga Tipan 18:13). Isang paraan ng paglalarawan sa pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan at pagbaling sa Diyos (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Magsisi, Pagsisisi,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/repent-repentance?lang=tgl). Habang nag-aaral ka, bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa iyo na tumalikod sa kasalanan at lumapit sa Tagapagligtas.

Kumain si Jesus sa tahanan ni Simon na Fariseo

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga sagot sa mga tanong na sinabi sa kanila na pagnilayan nila bilang bahagi ng aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

Ang Lucas 7 ay naglalaman ng salaysay tungkol sa pagkain ni Jesus sa tahanan ng isang Fariseo na nagngangalang Simon. Habang kasama ni Jesus si Simon, nilapitan Siya ng isang babae na kilalang makasalanan (tingnan sa Lucas 7:37, 39).

Basahin ang Lucas 7:36–39, at alamin ang nangyari nang lumapit ang babae kay Jesus sa piging na ito.

  • Ano ang napansin mo tungkol kay Simon? tungkol sa babae?

Nahiwatigan ni Jesus ang mga iniisip ni Simon at nagbahagi Siya ng isang talinghaga. Basahin ang Lucas 7:40–43, at alamin ang itinuro ng Tagapagligtas kay Simon sa pamamagitan ng talinghagang ito. Maaaring makatulong na malaman na ang isang denario ay ang halaga ng perang karaniwang kikitain ng isang manggagawa sa isang araw.

  • Ano ang maaaring naitulong ng talinghagang ito upang maunawaan ni Simon ang kanyang sariling pangangailangan para sa kapatawaran?

Noong panahon ng Tagapagligtas, kaugalian na ang parangalan ng punong abala ng piging ang kanyang mga panauhing-pandangal sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa kanila gaya ng paghalik sa kanya bilang tanda ng pagbati, pagbibigay ng tubig upang ipanghugas ng kanilang mga paa, at pagpapahid ng langis sa kanilang ulo (tingnan sa James E. Talmage, Jesus the Christ[1916], 261). Tulad ng nakatala sa Lucas 7:44–46, ipinaliwanag ng Tagapagligtas na hindi ibinigay ni Simon ang mga pag-aasikasong ito kay Jesus, samantalang ginawa ng babae ang lahat upang ipakita ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa Kanya.

  • Ano sa iyong palagay ang naunawaan ng babaeng ito tungkol kay Jesus na maaaring hindi naunawaan ni Simon?

  • Anong katibayan ang nakita mo na nagsisi na ang babae, o tumalikod na siya sa kanyang mga kasalanan at bumaling sa Tagapagligtas?

Basahin ang Lucas 7:47–50, at alamin kung bakit pinatawad ng Panginoon ang babaeng ito sa kanyang mga kasalanan.

  • Ano ang naisip o nadama mo tungkol sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan mo ang salaysay na ito?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo sa salaysay na ito?

Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng iba’t ibang katotohanan mula sa salaysay na ito, kabilang ang sumusunod: Kapag pinatawad tayo sa ating mga kasalanan, lumalalim ang ating pagmamahal sa Tagapagligtas. Kung tayo ay mananampalataya kay Jesucristo at magsisisi sa ating mga kasalanan, matatanggap natin ang Kanyang kapatawaran.

Ibinahagi ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga turo na may kaugnayan sa salaysay na nakatala sa Lucas 7. Panoorin ang video na “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin” (13:39) mula sa time code na 4:22 hanggang 5:03, o basahin ang sumusunod na teksto.

13:39

https://www.churchofjesuschrist.org/study/general-conference/2016/04/that-i-might-draw-all-men-unto-me?lang=tgl

Opisyal na larawan ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol, Enero 2016.

Kapag mas malapit tayo kay Jesucristo sa isip at naisin ng ating puso, lalo nating mapahahalagahan ang Kanyang pagdurusa, lalo tayong magpapasalamat sa biyaya at pagpapatawad, at mas gusto nating magsisi at maging tulad Niya. Ang ating distansya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay mahalaga, ngunit ang tinatahak nating direksyon ay mas mahalaga. Mas nalulugod ang Diyos sa mga makasalanan na nagsisisi na sinisikap na lalong mapalapit sa Kanya kaysa sa mga taong mapagmalinis at mapaghanap ng kapintasan na, gaya ng mga Fariseo at eskriba noon, ay hindi natatanto kung gaano nila kailangan ang magsisi.

(Dale G. Renlund, “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin,”Liahona, Mayo 2016, 40)

  • Anong mga salita o parirala sa pahayag na ito ang nagpalawak ng iyong pagkaunawa sa napag-aralan mo sa Lucas 7?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo upang madama ang higit na pagmamahal at pagpapahalaga sa Tagapagligtas at sa awang ibinibigay Niya?

6:25

Gumawa ng plano

Bigyan ng oras ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

Tandaan na ang pagsisisi ay hindi isang pangyayari o para lang sa mabibigat na kasalanan. Ang pagsisisi ay isang proseso, at nagsisisi tayo anumang oras na nagsisikap tayong mas mapalapit sa Panginoon at tumalikod sa kasamaan.

Muling tingnan ang larawan ng Tagapagligtas at ang diagram na may mga stick figure, at pag-isipan ang iyong kaugnayan kay Jesucristo at kung saang direksyon ka patungo. Gumawa ng plano na palalimin ang iyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw. Gawin ang sumusunod na pagsasanay sa isang hiwalay na papel upang mapanatili mo itong pribado. Maaari kang magkaroon ng pagkakataong mabalikan ang karanasang ito sa susunod na lesson.

Ang lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” na kasunod ng mga lesson para sa Mateo 8–13; Marcos 2–5; at Lucas 7, 9, 11 ay tumutukoy sa planong ito at inaanyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang progreso.

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong ihinto para mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka hihinto?

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong simulang gawin upang mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka magsisimula?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Sino ang mas nakakatulad ko sa salaysay na ito: si Simon o ang babae?

Sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

19:13
Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Alin sa dalawang taong ito ang higit na katulad natin?

Tulad ba tayo ni Simon? Tiwala at panatag ba tayo sa ating mabubuting gawa, na nagtitiwala sa sarili nating kabutihan? Wala kaya tayong tiyaga sa mga hindi sumusunod sa ating mga pamantayan? Nakakagawian na lang ba natin ang mga bagay-bagay, dumadalo sa ating mga miting, naghihikab sa Gospel Doctrine class, at nakatingin marahil sa ating mga cell phone sa sacrament meeting?

O katulad natin ang babaeng ito, na inakalang wala na siyang pag-asa dahil sa kasalanan?

Tayo ba ay nagmamahal nang labis?

Nauunawaan ba natin ang ating utang-na-loob sa Ama sa Langit at humihiling nang buong kaluluwa para sa biyaya ng Diyos?

Kapag lumuluhod tayo sa panalangin, ito ba ay para ibanda sa publiko ang ating sariling kabutihan, o para ipagtapat ang ating mga kasalanan, magsumamo para sa awa ng Diyos, at lumuha nang may pasasalamat para sa kamangha-manghang plano ng pagtubos?

Ang kaligtasan ay hindi natatamo sa pagsunod; natatamo ito sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng Diyos [tingnan sa Mga Gawa 20:28].

(Dieter F. Uchtdorf, “Ang Kaloob na Biyaya,” Liahona, Mayo 2015, 109)

Bakit mahalagang magsisi araw-araw?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Opisyal na larawan ni Pangulong Russell M. Nelson na kuha noong Enero 2018

Wala nang mas nagpapalaya, mas nagpapabanal, o mas mahalaga sa ating indibiduwal na pag-unlad kaysa sa regular at araw-araw na pagtutuon sa pagsisisi. Ang pagsisisi ay hindi ginagawa nang isang beses lang, ito ay isang proseso. Ito ay susi sa kaligayahan at kapayapaan ng isipan. Kapag nilakipan ng pananampalataya, ang pagsisisi ay nagiging daan para magamit natin ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

(Russell M. Nelson, “Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas MahusayLiahona, Mayo 2019, 67).

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Alternatibong paghahanda ng estudyante at simula ng lesson

Bago ituro ang lesson, maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang pinakamabuting bagay na nagawa ng isang tao para sa kanila. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang nadama nila sa taong ito at kung ano ang ginawa nila upang maipakita ang kanilang pasasalamat. Maaari din nilang hilingin sa mga kapamilya o kaibigan nila na magbahagi rin ng mga karanasan. Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga karanasang ito sa simula ng lesson upang matulungan silang madama ang kahalagahan ng katotohanan na kapag pinatawad tayo sa ating mga kasalanan, lumalalim ang ating pagmamahal sa Tagapagligtas.

Mga banal na kasulatan upang mapalalimin ang pang-unawa ng mga estudyante

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang katotohanan na kapag pinatawad tayo sa ating mga kasalanan, lumalalim ang ating pagmamahal sa Tagapagligtas, maaari mong hilingin sa kanila na pag-aralan ang ilan sa o lahat ng mga sumusunod na banal na kasulatan: Roma 2:4; Roma 5:8; 1 Juan 4:19; Enos 1:1–11; at Mosias 27:23–37.