Seminary
Mateo 8; Marcos 2–4; Lucas 7


Mateo 8; Marcos 2–4; Lucas 7

Buod

Nagpakita si Jesus ng dakilang kapangyarihan at pagkahabag sa pamamagitan ng mga himalang ginawa Niya, kabilang na ang pagbuhay sa anak ng isang balo at pagpapagaling sa isang lalaking lumpo. Pinatigil din Niya ang unos sa Dagat ng Galilea at pinatawad Niya ang mga kasalanan ng isang babae na nagpakita ng kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng paghuhugas at pagpapahid ng langis sa Kanyang mga paa.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa mga titser tungkol sa mga bagay na kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 8; Lucas 7:11–17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ni Jesucristo na gumawa ng mga himala sa ating panahon at sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa kanilang mga kapamilya o kaibigan kung anong mga pangyayari sa kanilang buhay at sa Simbahan ang itinuturing nilang mga himala. Ipaalala sa kanila na bagama’t tila may ilang himala na kapansin-pansin, mayroon ding iba na hindi gaanong kapuna-puna.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room upang bigyan sila ng pagkakataong ibahagi ang ilan sa mga himalang inihanda nilang ibahagi sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

Marcos 2:1–12

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan na mapapagaling ng Tagapagligtas ang lahat ng uri ng karamdaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang karanasan kung saan nakatanggap ang isang taong kilala nila ng kailangan niyang pagpapala mula sa Tagapagligtas. Paano nakaapekto ang pagpapala ng taong ito sa ibang tao, tulad ng kanyang mga kaibigan at kapamilya? Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang natutuhan nila nang nalaman nila ang ginawa ng Tagapagligtas para sa taong iyon.

Lucas 7:36–50

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na manampalataya kay Jesucristo at magsisi ng kanilang mga kasalanan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Lucas 7:36–50 at pag-isipan ang mga tanong na ito mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023:“Pagnilayan kung paano ka natutulad sa babaeng inilarawan sa Lucas 7:36–50. Kailan mo naranasan ang pagkahabag at awa na ipinakita ng Tagapagligtas sa kanya? Ano ang natutuhan mo mula sa kanyang halimbawa ng pananampalataya, pagmamahal, at pagpapakumbaba?” (“Pebrero 27–Marso 5. Mateo 8; Marcos 2–4; Lucas 7: ‘Pinagaling Ka ng Pananampalataya Mo’”).

  • Larawan: Maghandang ipakita ang larawan na matatagpuan sa simula ng lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Habang binabasa ang mga talata sa Lucas 7 , ilagay ang iyong screen sa “Gallery View” upang makita mo ang buong klase. Sabihin sa estudyanteng nagbasa ng naunang talata na tumuro sa isang partikular na direksyon pagkatapos magbasa. Maaaring ipabasa ang susunod na talata sa sinumang estudyante na itinuturo sa iyong screen.

Mateo 8:23–27; Marcos 4:35–41

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matanggap ang kapayapaan at kapanatagan ng Tagapagligtas sa mga paghihirap na nararanasan nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gawin ang aktibidad sa “Mateo 8:23–27; Marcos 4:35–41: Si Jesucristo ay may kapangyarihang maghatid ng kapayapaan sa gitna ng mga unos ng buhay,” na matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023. Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng mga kaalaman. Maaari nilang hilingin sa mga kapamilya o kaibigan na makibahagi sa kanila sa aktibidad na ito.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Tiyakin na may mga panulat at study journal o isang piraso ng papel ang mga estudyante na gagamitin sa aktibidad sa paglalarawan sa isipan.

  • &#160

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na ipakita sa camera ang mga larawang idinrowing nila upang makita nila ang mga drowing ng isa’t isa. Sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag sa klase kung ano ang idinrowing nila.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang lesson sa doctrinal mastery passage kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang kaalaman nila sa mga reperensyang banal na kasulatan at sa itinuturo ng mga ito.

  • Handout: Maghandang ipakita ang listahan ng mga doctrinal mastery passage at ang mahahalagang parirala na nauugnay sa mga ito, o ibigay ito sa mga estudyante bilang handout.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Tiyakin na may mga panulat, study journal, at isang piraso ng papel ang mga estudyante na gagamitin sa aktibidad sa mga memory card.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaari kang gumamit ng mga online game na magtutulot na makabahagi nang sama-sama ang mga estudyante. May iba’t ibang online tool na magagamit upang itugma ang mahalagang parirala sa reperensyang banal na kasulatan, o maaaring gawin ng mga estudyante ang mga aktibidad na punan ang patlang.