Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 2


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 2

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Teen girl talking to two other teens.

Ang pagsasaulo sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang kaalaman nila sa mga reperensyang banal na kasulatan at sa itinuturo ng mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang lesson sa doctrinal mastery passage kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.

Paggamit ng mga banal na kasulatan upang ibahagi ang ebanghelyo

Sa bahaging ito ng lesson, sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga kaalaman mula sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

Isipin kunwari na pinag-uusapan ninyo ng kaibigan mong si Sylvia ang mga paniniwala sa relihiyon. Dumadalo siya sa isang lokal na simbahang Kristiyano at masigasig siya sa pag-aaral at pagkatuto mula sa Biblia. Tinanong ka ni Sylvia tungkol sa iyong mga paniniwala tungkol kay Jesucristo, sa binyag, at sa priesthood.

  • Gaano ka kakumpiyansa sa pagsagot sa mga tanong ni Sylvia? Bakit?

  • Paano makatutulong sa sitwasyong ito ang kaalaman sa mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng mga ito?

  • Ano ang ilang sitwasyon na naranasan mo kung saan makatutulong sana ang sapat na kaalaman mo sa mga scripture passage?

Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maghanda para sa mga sitwasyong tulad ng mga ito at pagnilayan ang mga katotohanang itinuro sa mga sumusunod na doctrinal mastery scripture passage. Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito at ang mahahalagang parirala ng mga ito kung hindi mo pa nagagawa.

Isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa pagtukoy kung ilang doctrinal mastery passage ang bibigyang-diin sa lesson na ito. Ipakita ang sumusunod na chart upang magamit ito ng mga estudyante bilang sanggunian hanggang sa matapos nila ang kanilang mga card.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“ Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Doctrinal Master - Matthew - John

Mga memory card

Iakma ang mga sumusunod na tagubilin batay sa kung aling mga doctrinal mastery passage ang pag-aaralan sa lesson. Ang mga estudyanteng may access sa mga electronic device ay maaaring gumamit ng app o program upang magawa ang mga card sa kanilang mga device. Kung wala, magbigay ng isang piraso ng papel sa bawat estudyante para sa aktibidad na ito.

Ang mga sumusunod na tagubilin ay batay sa pagpili mong matutuhan ang anim na reperensya at ang mahahalagang parirala ng mga ito. Kung pipiliin mong may matutuhan pa, maaari mong iakma ang aktibidad sa paraang makagagawa ka ng sapat na bilang ng mga card.

Gamit ang buong bahagi ng isang papel, gumuhit ng dalawang column na may tatlong kahon na magkakasinlaki sa bawat column. Baligtarin ang papel at gawin din ito sa bahaging iyon. Pumili ng isa sa mga sumusunod na paraan upang makagawa ng mga memory card na makatutulong sa iyo na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala na ito.

Opsiyon A: Mga memory card ng larawan

  1. Sa isang bahagi ng papel, isulat sa isang kahon ang isang reperensyang banal na kasulatan na pinili mo.

  2. Baligtarin ang papel. Sa kahon ding iyon sa kabilang bahagi, magdrowing ng isang simpleng larawan na makatutulong sa iyo na maalala ang mahalagang parirala ng reperensyang banal na kasulatan. Halimbawa, para sa Mateo 5:14–16 , maaari kang magdrowing ng katulad ng sumusunod upang matulungan kang maalala ang mahalagang pariralang “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

    Illustration of people with a lightbulb. One person is alone representing letting your light shine.

    Ulitin ang mga hakbang na ito para sa bawat isa sa mga doctrinal mastery passage na pinili mo para sa lesson na ito.

Opsiyon B: Memory card ng reperensya at mahalagang parirala

Sa iyong study journal, muling isulat ang bawat doctrinal mastery passage na pinili mo sa paraang makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mensahe ng scripture passage. Halimbawa, maaari mong muling isulat ang Juan 3:5 tulad ng sumusunod: “Ipinaliwanag ni Jesus na hindi ka makakapasok sa kaharian ng langit nang hindi nabibinyagan at natatanggap ang kaloob na Espiritu Santo.”

  1. Sa isang bahagi ng papel, magsulat ng reperensyang banal na kasulatan sa bawat kahon.

  2. Baligtarin ang papel, at isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan (ipinapakita sa chart) sa kahon kung nasaan ang tamang reperensya sa kabilang bahagi. Gawin ito para sa bawat kahon.

Gupitin at gawing card ang bawat isa sa mga bahagi, at gamitin ang mga ito upang isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala na ito. Maaari kang humingi ng tulong sa mga kapamilya at kaibigan sa pagsasaulo mo.

Pagpartnerin ang mga estudyante upang masimulan ang pagsasaulo ng mga scripture passage at parirala gamit ang mga card. Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para sa aktibidad na ito. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng kapartner kada ilang minuto. Ipaalala sa kanila ang sitwasyon ni Sylvia, at bigyan sila ng panahon na sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  • Sa palagay mo, aling mga scripture passage at mahalagang parirala ang lubos na makatutulong kay Sylvia, at bakit?

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas ang maibabahagi mo sa kanya gamit ang mga scripture passage na ito?

  • Ano ang ilan sa mga paraan na makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga reperensya at katotohanan mula sa mga banal na kasulatan?