Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9
Buod
Habang nagmiministeryo si Jesus sa Galilea, may babaeng dinudugo na gumaling sa pamamagitan ng paghipo sa Kanyang damit. Binuhay ng Panginoon ang anak na babae ni Jairo. Tinawag at tinagubilinan ni Jesucristo ang Labindalawang Apostol at isinugo sila na mangaral, magministeryo, at magpagaling ng maysakit.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa mga titser tungkol sa mga bagay na kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Marcos 5:24–34;
Mateo 9:20–22
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano huhugot ng lakas sa Tagapagligtas sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung saan humingi sila ng tulong kay Jesucristo. Maaari din silang umisip ng karanasan ng iba.
-
Content na ipapakita: Maghandang ipakita ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson.
-
Video: “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay” (mula sa time code na 11:30 hanggang 13:20)
-
Kung magagawa ito ng software na ginagamit mo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin sa mga breakout room ang mga tanong na ito: Ano ang magagawa mo upang maipakita na pinakamatinding hangarin mo ang pagtanggap ng tulong ng Tagapagligtas? Paano maiiba ang iyong buhay kung mas madalas kang humuhugot ng lakas kay Jesucristo?
Marcos 5:21–24, 35–43
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na manampalataya at maniwala kay Cristo sa panahon ng takot at kawalang-katiyakan.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang pariralang “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang” ( Marcos 5:36). Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanila ang pariralang ito sa mga panahon ng pagsubok.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Kung maaari, magdala ng art supplies na magagamit ng mga estudyante upang gumawa ng larawan na may pariralang “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Sabihin sa mga estudyante na magbahagi sa chat ng mga banal na kasulatan o mga pahayag mula sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa hindi pagkatakot. Pagkatapos ay maaaring sabihin sa mga partikular na estudyante na magbahagi ng isang banal na kasulatan na nakita nila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang screen at pagpapakita ng banal na kasulatan mula sa Gospel Library online o sa Gospel Library app.
Mateo 9:36–38; Mateo 10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang tungkulin at layunin ng mga Apostol bilang mga kinatawan at saksi ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga karanasan sa mga Apostol ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod: Paano ka mas nailapit ng mga Apostol ng Tagapagligtas kay Jesucristo? Ano ang hinahangaan mo tungkol sa kanila? Ano ang mga tanong mo tungkol sa tungkulin ng isang Apostol? Maaari mong gamitin ang alternatibong ideya sa paghahanda ng estudyante na ibinahagi sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”
-
Content na ipapakita: Maghandang ipakita, o ibigay bilang handout, ang pahayag ni Pangulong Nelson at ang mga tanong upang masuri ng mga estudyante ang kanilang mga damdamin at saloobin sa mga Apostol ni Jesucristo.
-
Resources para sa mga estudyante: Isipin kung aling resources mula sa at tungkol sa mga makabagong Apostol ang ibibigay mo sa iyong mga estudyante.
Lucas 9:24–26, 57–62
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga paraan upang maging tunay na disipulo ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano sila nagsisikap na sundin si Jesucristo.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na maibahagi ang napag-aralan nila, maaari mong gamitin ang whiteboard o katulad na feature. Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang pariralang “Upang maging tunay na disipulo ni Jesucristo, tayo ay maaaring …”
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan at magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage: Mateo 5:14–16 ; Lucas 2:10–12 ; Juan 3:5 ; at Juan 3:16 .
Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang lesson sa doctrinal mastery passage kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Mateo, Lucas, o Juan na makabuluhan sa kanila. Hilingin sa kanila na isipin kung bakit makabuluhan sa kanila ang doctrinal mastery passage na ito at maghandang ibahagi sa klase ang kanilang mga saloobin.
-
Content na ipapakita: Maaari mong ipakita ang listahan ng mga istilo sa pag-aaral na gagamitin ng mga estudyante upang masuri kung aling mga pamamaraan ang makatutulong sa kanila na matuto nang husto.
-
Mga bagay: Balikan ang mga aktibidad na nagtatampok ng iba’t ibang istilo sa pag-aaral, at alamin ang mga materyal na maaaring kailanganin ng iyong mga estudyante upang matagumpay na matapos ang aktibidad na pinili nila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga ideya ng mga bagay at kasangkapan mula sa kanilang tahanan na magagamit nila habang ginagawa nila ang aktibidad sa istilo sa pag-aaral. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga bagay sa klase.