Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3

Unawain at Ipaliwanag

A group of young women are shown looking at a teacher. They discuss and talk together with each other.

Ang pag-unawa sa mga partikular na scripture passage at pagkakaroon ng kakayahang maipaliwanag ang mga katotohanang itinuturo ng mga ito ay mahalaga sa pagtatamo ng kahusayan sa doktrina. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang mas maunawaan at magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage: Mateo 5:14–16; Lucas 2:10–12; Juan 3:5; Juan 3:16.

Paggamit ng iba’t ibang pamamaraan at istilo. Ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo ay makatutulong din sa mga estudyante na natututo sa magkakaibang paraan.

Paghahanda ng estudyante: Pumili ng isang makabuluhang doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan. Maghandang ibahagi sa klase kung bakit makabuluhan sa iyo ang scripture passage na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang lesson sa doctrinal mastery passage kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.

Sa anong paraan ka pinakalubos na natututo?

Maraming paraan upang matuto, at magkakaiba tayong lahat ng pagkatuto at pagpapanatili ng impormasyon.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na listahan. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga istilo sa pag-aaral na ito at i-rank ang mga ito sa kanilang study journal mula 1 hanggang 4, kung saan 1 ang pinakanauugnay sa kanila at 4 ang pinakahindi nauugnay sa kanila.

  • Paglalarawan sa isipan: Natututo ako sa pamamagitan ng pagtingin at pag-iisip. Ang pagdodrowing, pagkukulay, mga chart, mga graph, at visual media ay nakatutulong sa akin na matutuhan at matandaan ang impormasyon.

  • Pagbabahagi sa iba: Ang pagsusulat at pakikipag-usap sa iba ay nakatutulong sa akin na makapag-isip nang mabuti at mas ganap na matuto.

  • Pag-aaral nang mag-isa: Mas gusto kong mag-aral nang mag-isa, at may kumpiyansa ako sa pagtuklas ng mga bagay-bagay nang mag-isa.

  • Hands-on na pag-aaral: Pinakalubos akong natututo gamit ang iba’t ibang pandamdam ko, tulad ng paghawak, pang-amoy, pandinig, at paggalaw ng aking katawan.

Isipin kung paano iniakma ng Tagapagligtas ang Kanyang pagtuturo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tinuruan Niya.

  • Sa iyong palagay, bakit gumamit ang Tagapagligtas ng iba’t ibang istilo upang turuan ang iba? Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Iakma ang sumusunod na pagsasanay sa kung ilan at kung aling mga scripture passage ang makatutulong sa mga estudyante kapag nirebyu.

Paggamit ng iyong istilo sa pag-aaral sa doctrinal mastery

Maglaan ng ilang sandali upang basahin ang mga sumusunod na doctrinal mastery reference sa Bagong Tipan. Tingnan kung maaalala mo ang nauugnay na mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Kung natapos ng mga estudyante ang paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito, maaari mong sabihin sa kanila na ibahagi kung aling mga scripture passage ang naging makabuluhan sa kanila at bakit.

  • Sa palagay mo, alin sa mga scripture passage na ito ang lubos mong nauunawaan? Ano ang gusto mong mas maunawaan pa?

Gawin ang aktibidad A, B, C, o D gamit ang isa sa mga naunang doctrinal mastery passage (o iba pang doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan) na gusto mong mas maunawaan. Kung may oras pa, kumpletuhin ang maraming aktibidad gamit ang iba’t ibang doctrinal mastery passage.

A: Paglalarawan sa isipan

Gumawa ng drowing, collage, meme, word art, word cloud, o iba pang visual representation na nagpapakita ng itinuturo ng iyong scripture passage. Iklik ang mga link na ito para sa ilang halimbawa:

Word artMga meme

B: Pagbabahagi sa iba

Gumawa ng plano para ituro ang iyong scripture passage. Mag-isip ng mga itatanong mo upang matulungan ang mga tinuturuan mo na maunawaan ang scripture passage, gumawa ng video na nagpapaliwanag ng kahulugan ng mahahalagang salita at parirala, o gumamit ng musika upang turuan ang iba.

C: Pag-aaral nang mag-isa

Pumili ng mahahalagang salita mula sa scripture passage na pag-aaralan. Itala ang mga kahulugan, siping sanggunian, o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pag-unawa.

D: Hands-on na pag-aaral

Gumawa o tumukoy ng mga nahahawakang bagay o pattern na maaaring maglarawan sa scripture passage o mga partikular na salita o parirala mula sa scripture passage. Halimbawa, para sa Mateo 5:14–16 , maaari kang gumamit ng iba’t ibang mapagkukunan ng liwanag upang ilarawan ang paanyaya ni Cristo na “paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw.”

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang natutuhan nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Pagkatapos ay ipakita ang sumusunod na scale at mga tanong para mapagnilayan ng mga estudyante ang kanilang karanasan sa pag-aaral.

(A) Sumasang-ayon (B) Medyo sumasang-ayon (C) Hindi sumasang-ayon ngunit hindi naman tumututol (D) Hindi sumasang-ayon

  1. Mas nauunawaan ko ang (mga) scripture passage na napili ko.

  2. Ngayon ay mas may kumpiyansa ako sa kakayahan kong ipaliwanag sa ibang tao ang (mga) scripture passage na pinili ko kung kailangan ko itong gawin.

  3. Naniniwala ako na makatutulong sa akin ang paggamit ng katulad na pamamaraan sa pag-aaral at pagrerebyu ng iba pang doctrinal mastery passage.

Hayaan ang mga estudyante na talakayin ang kanilang mga sagot sa mga naunang tanong. Tulungan silang maunawaan na ang kanilang pag-unlad ay nagmumula kay Jesucristo at sa Kanyang banal na tulong. Sabihin sa mga estudyante na humingi sa Ama sa Langit ng personal na tulong sa lahat ng kanilang pag-aaral.