Seminary
Mateo 11–12; Lucas 11


Mateo 11–12; Lucas 11

Buod

Nagpatotoo ang Tagapagligtas na mas makikilala natin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pag-aaral ng halimbawa ng Kanyang Anak. Sa Kanyang ministeryo, nagturo Siya ng mas mataas na batas at hayagang nagpagaling ng mga tao. Itinuro Niya na kung lalapit tayo sa Kanya, pagagaanin Niya ang ating mga pasanin at bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. Nagbigay Siya ng mga turong puno ng kaalaman tungkol sa araw ng Sabbath at tungkol sa panalangin.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa mga titser tungkol sa mga bagay na kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 11:27; Juan 5:19, 30; Juan 8:18–28

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan kung sino ang Ama sa Langit at kung ano ang nadarama Niya tungkol sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kung paano nila ito mapatitibay.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga study journal o isang piraso ng papel para sa bawat estudyante

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature upang magbahagi ng isang bagay na isinulat nila tungkol sa Ama sa Langit. Pumili ng isang estudyante na nag-post sa chat na magbahagi pa tungkol sa kanyang komento. Pagkatapos magbahagi ng estudyanteng ito, sabihin sa kanya na pumili ng komento ng ibang kaklase at sabihin sa estudyanteng iyon na magbahagi.

Mateo 11:28–30

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makapagdaragdag ng tiwala ng mga estudyante na tutulungan sila ng Panginoon sa kanilang mga hamon at pasanin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang kapamilya o kaibigan kung paano siya binigyan ng Tagapagligtas ng kapayapaan o kapanatagan.

  • Content na ipapakita: Isang larawan ng mga hayop na may pamatok

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magpakita ng larawan ng isang stick figure at gumamit ng collaborative tool, tulad ng whiteboard tool, upang makapagsulat ng mga salita o makadrowing ng mga larawan ang mga estudyante sa paligid ng stick figure na kumakatawan sa mga pasanin at hamon na kinakaharap nila.

Doctrinal Mastery: Mateo 11:28–30

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanilang pagkaunawa sa doktrina sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon na katulad ng mga karanasan nila sa sarili nilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsanay na isaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala para sa Mateo 11:28–30 (o ang buong scripture passage kung makakaya ng mga estudyante). Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nila maipamumuhay ang natutuhan nila tungkol sa kapangyarihan ni Jesucristo na pagaanin ang kanilang mga pasanin kung lalapit sila sa Kanya.

  • Content na ipapakita: Ang maikling aktibidad sa pagtutugma

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga piraso ng papel na masusulatan at maipapalit ng mga estudyante sa isa’t isa

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang screen-sharing function upang ipakita ang Doctrinal Mastery app at ipakita sa mga estudyante kung paano maa-access ang app. Sama-samang gawin ang aktibidad sa pagsasaulo bilang isang klase.

Marcos 2:23–3:6

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang layunin ng Sabbath at kung paano mas lubos na maaanyayahan ang mga pagpapala ng Panginoon sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng paboritong paraan kung paano sila mas napalapit sa Tagapagligtas, nang mag-isa o kasama ang kanilang pamilya, sa araw ng Sabbath.

  • Handout: “Ang Araw ng Sabbath”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang chat function upang makapagtanong ang mga estudyante tungkol sa araw ng Sabbath. Kapag nakikita nila ang tanong ng isa’t isa, maaaring mahikayat silang sagutin ang isa’t isa at magtanong pa.

Lucas 11:1–13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magawa nilang mas makabuluhan ang kanilang mga panalangin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang ginawa nila upang maging mas makabuluhan ang kanilang mga panalangin.

  • Content na ipapakita: Isang pahalang na linya na nakaguhit sa pisara, na may pariralang Madaling manalangin sa isang dulo at pariralang Mahirap manalangin sa kabilang dulo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bilang bahagi ng aktibidad sa simula ng klase, maaari kang gumawa ng isang poll upang itanong sa mga estudyante kung sa palagay nila ay madali o mahirap manalangin.