Seminary
Marcos 2:23–3:6


Marcos 2:23–3:6

“Gumawa ng Mabuti sa Araw ng Sabbath”

Filipino women walking on the street while visiting teaching a sister.

Ang Tagapagligtas ay madalas batikusin ng mga Fariseo at ng iba pang pinunong Judio kung paano Niya iginagalang ang araw ng Sabbath. Ang mga sagot ni Jesus sa mga pinunong ito ng relihiyon ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang layunin ng Sabbath at kung paano mas lubos na maaanyayahan ang mga pagpapala ng Panginoon sa iyong buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng paboritong paraan kung paano sila mas napalapit sa Tagapagligtas, nang mag-isa o kasama ang kanilang pamilya, sa araw ng Sabbath.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang layunin ng Sabbath

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong pagpartnerin ang mga estudyante at sabihin sa magkakapartner na tumugon sa isa sa mga sitwasyon.

Isipin ang sumusunod na dalawang sitwasyon. Sa isang sitwasyon, may taong nagsasabi sa iyo na maraming dapat gawin at hindi dapat gawin sa araw ng Sabbath at kung hindi mo susundin ang lahat ng ito, sinusuway mo ang mga utos ng Diyos. Sa isa pang sitwasyon, may taong nagsasabi sa iyo na ang araw ng Linggo ay hindi naiiba sa anupamang araw at dapat mong gawin ang anumang gusto mo tuwing Linggo.

  • Gaano ka nakatitiyak sa itutugon mo sa mga sitwasyong ito?

  • Ano ang mga tanong mo tungkol sa araw ng Sabbath?

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga tanong, maaari mong isulat ang mga ito sa pisara. Kung hindi komportable ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga tanong, sabihin sa kanila na isulat ang kanilang mga tanong sa kanilang study journal. Huwag subukang sagutin ang mga tanong sa pagkakataong ito, ngunit hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng mga sagot habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Habang pinag-aaralan mo kung paano pinanatiling banal ng Tagapagligtas ang araw ng Sabbath, hanapin ang mga sagot sa iyong mga tanong. Humingi ng patnubay mula sa Ama sa Langit upang matulungan ka.

Itinuro ng batas ni Moises na ang mga tao ng Israel ay hindi dapat magtrabaho sa araw ng Sabbath (tingnan sa Exodo 31:14–15). Idinagdag ng mga eskriba at Fariseo ang kanilang sariling interpretasyon sa batas ni Moises, at nabago ang orihinal na layunin nito.

Basahin ang mga sumusunod na talata, at markahan ang mga parirala na nagpapakita kung ano ang pananaw ni Jesus sa araw ng Sabbath.

  • Marcos 2:23–28 —Pinagdudahan ng mga Fariseo ang kaangkupan ng pagpitas at pagkain ng uhay sa araw ng Sabbath.

  • Marcos 3:1–6 —Pinagdudahan ng mga Fariseo ang kaangkupan ng pagpapagaling sa isang tao sa araw ng Sabbath.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang minarkahan nila at ang dahilan kung bakit.

Tinalakay sa outline para sa Mateo 11–12; Lucas 11 sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023 ang araw ng Sabbath. Kung tumugma ang lesson ngayon sa outline na iyon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin , maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Maaari ding hikayatin ang mga estudyante na magbahagi sa kanilang pamilya ng mga nalaman nila mula sa klase.

Ibinigay ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga sumusunod na kaalaman tungkol sa mga layunin ng araw ng Sabbath:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ano ang ibig sabihin ng Tagapagligtas noong sabihin Niya na “ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath”? [ Marcos 2:27 ]. Naniniwala ako na nais Niyang maunawaan natin na ang Sabbath ay handog Niya sa atin, na nagbibigay ng tunay na pahinga [o ginhawa] mula sa hirap ng pang-araw-araw na buhay at pagkakataon para sa panibagong lakas na espirituwal at pisikal. Ibinigay ng Diyos sa atin ang natatanging araw na ito, hindi para sa paglilibang o pagtatrabaho kundi para magpahinga mula sa tungkulin, at magkaroon ng kapahingahan ang katawan at espiritu.

(Russell M. Nelson, “Ang Sabbath ay Kaluguran,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 129)

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga layunin ng Panginoon para sa araw ng Sabbath?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas mula sa Kanyang mga ginagawa at ikinikilos sa araw ng Sabbath?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga alituntuning tulad ng sumusunod: ibinigay sa atin ng Panginoon ang araw ng Sabbath upang gumawa ng mabuti at magpahinga mula sa mga hirap ng pang-araw-araw na buhay.

  • Sa iyong palagay, paano ipinapakita sa utos ng Diyos na panatilihing banal ang araw ng Sabbath ang Kanyang pagmamahal sa atin?

Paano mo maigagalang ang araw ng Sabbath?

Ang pag-unawa sa mga layunin ng araw ng Sabbath at sa mga pagpapalang inilaan ng Diyos para sa iyo ay makahihikayat sa iyo na panatilihing banal ang araw ng Sabbath. Kapag natutuhan mo kung paano mas maigagalang ang araw ng Sabbath, matututuhan mong mas lubos na anyayahan ang nagpapagaling at nagpapaginhawang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa iyong buhay.

Color Handouts Icon

Ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na impormasyon sa isang handout, o ipakita ito sa harap ng klase. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang impormasyon nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Pag-aralan ang sumusunod na sources upang mapag-aralan pa ang tungkol sa Sabbath at ang mga pagpapalang matatanggap natin kapag iginalang natin ito.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod tungkol sa pagpapakita ng ating pagmamahal sa Diyos sa araw ng Sabbath:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Noong ako ay bata pa, pinag-aralan ko ang listahan na ginawa ng ibang tao tungkol sa bagay na dapat gawin at hindi dapat gawin sa araw ng Sabbath. Kalaunan ko lang natutuhan mula sa mga banal na kasulatan na ang aking kilos at pag-uugali sa Sabbath ay dapat na maging tanda sa pagitan ko at ng aking Ama sa Langit [tingnan sa Exodo 31:13 ; Ezekiel 20:12, 20 ]. Dahil sa pagkaunawang iyon, hindi ko na kailangan ng mga listahan ng mga dapat at mga hindi dapat gawin. Kapag kailangan kong magpasiya kung ang isang aktibidad ay angkop o hindi sa araw ng Sabbath, tinatanong ko lang ang aking sarili, “Anong tanda ang nais kong ibigay sa Diyos?” Sa tanong na iyon naging napakalinaw sa akin ang mga dapat piliin sa araw ng Sabbath.

(Russell M. Nelson, “Ang Sabbath ay Kaluguran,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 130)

Sabbath Day handout
0:53

Ang sumusunod na tanong ay makapagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang mga naisip mula sa iminungkahing aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

  • Ano ang ilan sa mga paborito mong paraan upang mas mapalapit kay Jesucristo sa araw ng Linggo?

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, unawain na maaaring magkakaiba ang mga pananaw nila tungkol sa kung ano ang naaangkop o hindi naaangkop sa araw ng Sabbath. Kung kinakailangan, ipaalala sa mga estudyante na unawain at igalang ang mga pananaw ng iba.

  • Paano nakatulong ang natutuhan mo sa lesson na ito sa pagsagot sa iyong mga tanong tungkol sa araw ng Sabbath?

  • Kung hindi ka nakahanap ng mga sagot sa iyong mga tanong, ano ang maaari mong gawin upang patuloy na hanapin ang mga ito?

  • Anong mga impresyon ang natanggap mo tungkol sa maaari mong gawin upang mas lubos na matamasa ang mga pagpapala ng paggalang sa Sabbath?

Maaari kang magpatotoo sa kahalagahan ng pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath. Anyayahan din ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga patotoo, kung gusto nila.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Bakit binatikos ng mga Fariseo ang mga disipulo dahil sa “[pagpitas] ng mga uhay” sa araw ng Sabbath?

Sa ilalim ng batas ni Moises, ang isang tao ay maaaring pumitas ng kaunting trigo ngunit hindi siya dapat gumamit ng karit para anihin ito (tingnan sa Deuteronomio 23:25). Gayunpaman, ang oral na batas ng mga Fariseo, ay mas lumabis pa sa batas ni Moises at sinabing ang pagpitas ng mga uhay o trigo sa araw ng Sabbath ay ipinagbabawal.

Paano mapagpapala ng pasasalamat ang iyong karanasan sa sacrament at sa Sabbath?

3:39

Ano ang maaari ko pang gawin upang maanyayahan ang mga pagpapala ng araw ng Sabbath?

Nagbigay si Pangulong Russell M. Nelson ng ilang kaalaman tungkol sa mga epektibong paraan upang maanyayahan ang diwa ng araw ng Sabbath sa kanyang mensaheng “Ang Sabbath ay Kaluguran” (Ensign o Liahona, Mayo 2015, 129–132).

2:3
5:3

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paano ka maghahanda para sa araw ng Sabbath?

Maaaring makinabang ang mga estudyante sa mga ideyang maririnig mula sa isa’t isa tungkol sa kung paano maghahanda sa buong linggo para sa araw ng Sabbath. Maaari mong itanong sa klase, “Ano ang natuklasan ninyong kapaki-pakinabang na paghahanda sa buong linggo upang mas maging pagpapala ang araw ng Sabbath?”