“Lumapit Kayo sa Akin … at Kayo’y Bibigyan Ko ng Kapahingahan”
Itinuro ni Jesucristo na kung lalapit tayo sa Kanya, pagagaanin Niya ang ating mga pasanin at bibigyan Niya tayo ng kapahingahan.Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na maipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa doktrinang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon na katulad ng mga karanasan mo sa sarili mong buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
“Mateo __:28–__: Lumapit kayo sa a_, k__ lahat na n____ a__ lubhang n____, at kayo’y b____ ko ng k_____.”
Ang Doctrinal Mastery app ay maaari ding makatulong sa iyo na maisaulo ang mahalagang pariralang ito.
Pagpapaliwanag ng katotohanan
Alalahanin kung ano ang pamatok (tingnan ang sumusunod na larawan). Balikan ang Mateo 11:28–30 , at alamin ang mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas.
Tinutukoy ang larawan ng pamatok, ipaliwanag kung paano tayo matutulungan ng Tagapagligtas sa ating mga pasanin. Tiyaking isama kung ano ang ginagampanan natin bilang katuwang ni Cristo.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2020). Pagkatapos ay itugma ang bawat isa sa mga sumusunod na pangungusap sa naaangkop na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
1. Ang matutong matukoy at maiwasan ang mga di-mapagkakatiwalaang sources ay maaaring magprotekta sa atin laban sa mga maling impormasyon at mula sa mga naghahangad na sirain ang ating pananampalataya.
2. Kapag hinahangad nating palaguin ang ating pang-unawa at lutasin ang mga alalahanin, mahalagang umasa tayo sa patotoong taglay na natin tungkol kay Jesucristo, sa Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo, at sa mga turo ng Kanyang inorden na mga propeta.
3. Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay ayon sa pagtingin dito ng Panginoon.
A. Kumilos nang may pananampalataya
B. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
C. Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
Sitwasyon
Sa dalawa o tatlong pangungusap, gumawa ng isang kunwa-kunwariang sitwasyon tungkol sa isang taong kaedad mo na kasalukuyang nahihirapan sa isang pasanin. Magsama ng pangalan, isang partikular na pasanin, at isa o dalawang detalye tungkol sa nadarama ng tao.
Pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Isipin kung paano mo magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan ang tao sa sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ka.
Kumilos nang may pananampalataya
Ano ang ginawa mo upang magtiwala sa Diyos at lumapit sa Kanya nang maharap ka sa mga hamon ng buhay?
Anong mga aral ang natutuhan mo sa pananampalataya kay Jesucristo noon na makatutulong sa sitwasyong ito? Paano?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na dahilan kaya nagagawa Niyang pagaanin ang mga pasanin?
Paano naging mahalagang bahagi ng plano ng ating Ama sa Langit ang pagharap sa mga pasanin at hamon sa ating buhay?
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
Paano makatutulong ang pag-alam sa doktrinang matatagpuan sa Mateo 11:28–30 sa pasanin o hamon na ito?
Ano ang isa pang banal na kasulatan o pahayag ng propeta na maaaring makatulong? Paano?
Pagpapagaan ng mga pasanin
Gamit ang natukoy mo, sumulat ng liham sa tao sa iyong sitwasyon. Isama ang mga katotohanan mula sa Mateo 11:28–30 at iba pang sources na makapagbibigay ng kapanatagan at lakas ng loob.
Sa iyong palagay, aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakanakatulong sa iyo na maghanda sa pagtugon sa sitwasyong ito? Bakit?
Pagrerebyu
“Mateo __:28–__: Lumapit kayo sa a_, k__ lahat na n____ a__ lubhang n____, at kayo’y b____ ko ng k_____.”