Seminary
Lucas 11:1–13


Lucas 11:1–13

“Panginoon, Turuan Mo Kaming Manalangin”

Two girls, likely sisters, kneel next to each other at a bed, praying. There are blankets folded up at the head of the bed. Behind them is a wardrobe.

Matapos marinig na nananalangin si Jesus, “sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin” (Lucas 11:1). Tumugon si Jesus gamit ang mga turong puno ng kaalaman na makatutulong upang mapatibay ang ating ugnayan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na magawang mas makabuluhan ang iyong mga panalangin.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang ginawa nila upang maging mas makabuluhan ang kanilang mga panalangin.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Nagturo ang Panginoon tungkol sa panalangin

Gumuhit ng isang pahalang na linya sa pisara. Isulat sa isang dulo ang Madaling manalangin at sa kabila ay isulat ang Mahirap manalangin. Sabihin sa mga estudyante na lumapit sa pisara at magsulat ng isang salita o parirala sa pahalang na linya na naglalarawan kung bakit maaaring madali o mahirap manalangin. Bigyang-pansin ang mga sagot ng mga estudyante at gumawa ng pag-aangkop sa lesson upang matugunan ang kanilang mga alalahanin at tanong.

Pagnilayan ang mga sagot sa dalawang tanong na ito:

  • Bakit madaling manalangin?

  • Bakit mahirap manalangin?

Ang panalangin ay maaaring simple at tuwiran ngunit malalim at pinagsisikapan din. Habang natututo ka mula sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin, maghangad ng paghahayag kung paano mo magagawang mas makabuluhan ang iyong mga panalangin.Basahin ang Lucas 11:1 , at alamin ang hiniling ng isa sa mga disipulo ng Tagapagligtas sa Kanya.

Itinugon ni Jesus ang nakilala bilang Panalangin ng Panginoon. Ibinigay rin Niya ang panalanging ito sa Sermon sa Bundok (tingnan sa Mateo 6:9–13). Inisip ng ilan na ibinigay ni Jesus ang panalanging ito upang isaulo at paulit-ulit na bigkasin. Ngunit, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “ang Panalangin ng Panginoon ay nagsisilbing huwaran na susundin at hindi isang panalanging isasaulo at paulit-ulit na bibigkasin” (“Mga Aral mula sa mga Panalangin ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 46). Matapos ibigay ni Jesus ang Panalangin ng Panginoon bilang halimbawa kung paano manalangin, nagbigay Siya ng iba pang inspiradong turo tungkol sa panalangin.

Pag-aralan pa ang tungkol sa panalangin

Upang matuklasan ang mga katotohanan na maaaring makatulong sa iyo, basahin ang mga sumusunod na tanong, pumili ng isa na gusto mong pag-aralan pa, at basahin ang mga kasamang scripture passage.

  • Ano ang sinabi ng Tagapagligtas na huwag nating gawin sa ating mga panalangin? ( Mateo 6:7–8)

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal o talakayin ang mga ito bilang isang klase.

  • Ano ang isang katotohanang natutuhan mo tungkol sa panalangin mula sa mga talatang ito?

  • Ano ang mga naging karanasan mo sa katotohanang ito?

  • Ano ang nalaman mo tungkol sa Ama sa Langit mula sa mga talatang ito?

Sabihin sa ilang handang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot. Maaari mong isulat sa pisara ang mga katotohanang babanggitin nila.

Isipin kung alin sa sumusunod na tatlong aktibidad ang pinakamainam na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring sama-samang gawin ng buong klase ang isang aktibidad, o maaaring ipakita ang mga aktibidad na ito para makapili ang mga estudyante ng aktibidad na gusto nilang gawin.

Bilang alternatibo, maaari kang maglagay ng mga istasyon ng pag-aaral sa buong silid gamit ang mga sumusunod na aktibidad. Sabihin sa mga estudyante na mag-aral sa bawat istasyon nang mag-isa o sa maliliit na grupo at pagkatapos ay ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

Pagpapalalim ng iyong kaalaman

Aktibidad A: Ano ang matututuhan ko mula sa halimbawa ng panalangin ng Tagapagligtas? ( Lucas 11:2–4)

Basahin ang mga sumusunod na parirala na ginamit ng Tagapagligtas sa Kanyang panalangin, at pumili ng dalawa na gusto mong pagnilayan.

  • “Ama, sambahin nawa ang pangalan mo” ( Lucas 11:2).

  • “Dumating nawa ang kaharian mo” ( Lucas 11:2).

  • “Mangyari ang iyong kalooban, gaya ng sa langit, gayon din sa lupa” ( Lucas 11:2).

  • “Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain” ( Lucas 11:3).

  • “At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin” ( Lucas 11:4).

  • “At huwag mo kaming hayaang maakay ng tukso, sa halip iligtas kami sa masama” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 6:14 [tingnan din sa Lucas 11:4]).

Habang iniisip ang dalawang pariralang pinili mo, pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano mo maibubuod ang ibig sabihin ng mga pariralang ito?

  • Kailan ka nanalangin para sa isang bagay na katulad ng ipinagdasal ng Tagapagligtas? Paano ito nakaapekto sa iyo?

  • Sa iyong palagay, bakit makatutulong na manalangin nang sinusunod ang huwarang ibinigay sa atin ng Tagapagligtas?

Kung pinili mo ang aktibidad na ito, magsulat sa iyong study journal ng isang paraan kung paano mo nais na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa iyong mga panalangin.

Aktibidad B: Ano ang ipinangako ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin? ( Lucas 11:9–13)

Tulad ng nakatala sa Lucas 11:9 , ipinangako ng Panginoon na, “At sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makakakita; tumuktok kayo at kayo’y pagbubuksan.”

Maaari mong sabihin sa tatlong estudyante na isadula kung paano humingi, humanap, at tumuktok bago itanong ang mga sumusunod.

  • Paano nagkakatulad ang mga kilos na “humingi,” “humanap,” at “tumuktok”? Paano nagkakaiba ang mga ito?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga salitang ito na maunawaan kung paano manalangin nang mas makabuluhan?

Pagkatapos ay inihambing ni Jesus ang hangarin ng isang mortal na ama na magbigay ng mga regalo sa kanyang mga anak sa hangarin ng Ama sa Langit na bigyan tayo ng mga kaloob. Sa Pagsasalin ni Joseph Smith, itinuro ni Jesus na kung ang isang di-perpektong mortal na ama ay “marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa [kanyang] mga anak” ( Lucas 11:13), gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng mabubuting kaloob, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kaniya? Mahalagang tandaan na sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin sa Kanyang sariling paraan at panahon.

  • Sa iyong palagay, anong uri ng mga kaloob ang nais ibigay ng Ama sa Langit sa mga taong humihingi at naghahangad ng mga ito? Ano sa palagay mo ang nais Niyang ibigay sa iyo?

Kung pinili mo ang aktibidad na ito, isulat sa iyong study journal ang isang pagkakataon kung kailan nadama mong nakatanggap ka ng sagot sa iyong mga panalangin, o ilarawan kung ano ang gagawin mo upang makahanap ng sagot sa panalangin.

Isama kung paano makatutulong ang pag-alaala na sinasagot ng Diyos ang mga panalangin upang maging mas makabuluhan ang iyong mga kasalukuyang panalangin.

Aktibidad C: Ano ang sinabi ng Tagapagligtas na huwag nating gawin sa ating mga panalangin? ( Mateo 6:7–8)

Sa Sermon sa Bundok, itinuro ni Jesus na tayo ay dapat “huwag gumamit ng walang kabuluhang paulit-ulit” ( Mateo 6:7). Sa kontekstong ito, ang ibig sabihin ng walang kabuluhan ay hungkag o walang katuturan. Ang pananalangin na gumagamit ng mga walang kabuluhang paulit-ulit ay ang paulit-ulit na pagbigkas ng parehong panalangin o parehong mga salita sa isang panalangin nang hindi taos sa puso. Kung tapat tayo sa ating mga kahilingan, kahit paulit-ulit ang ating mga panalangin, ang mga ito ay hindi walang kabuluhang paulit-ulit.

  • Paano makatutulong sa atin ang pag-iwas sa walang kabuluhang paulit-ulit sa ating mga panalangin upang mas mapalapit sa Panginoon?

  • Ano ang magagawa mo na makatutulong sa iyo na maiwasan ang paggamit ng walang kabuluhang paulit-ulit kapag nananalangin ka?

Mag-isip ng mga halimbawa ng mga sinambit mong panalangin na makabuluhan at taimtim.

  • Paano nakaaapekto sa iyo ang pagdarasal sa ganitong paraan?

Kung pinili mo ang aktibidad na ito, magsulat sa iyong study journal ng isang paraan kung paano mo nais na sundin ang mga turo ng Tagapagligtas upang maiwasan ang walang kabuluhang paulit-ulit sa iyong mga panalangin.

Anyayahan ang mga estudyanteng handang magbahagi na ibahagi ang natutuhan nila ngayon o ang plano nilang gawin upang maging mas makabuluhan ang kanilang mga panalangin. Maaari kang magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng makabuluhang panalangin sa pagbuo ng matibay na ugnayan sa Ama sa Langit.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

1:47
2:49

Paano kung tila hindi nasasagot ang aking mga panalangin?

Itinuro ni Elder J. Devn Cornish ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder J. Devn Cornish. Photographed August 2017.

Minsan parang hindi nasasagot ang ating taos at marapat na mga dasal. Kailangan ang panampalataya para maniwalang sumasagot ang Panginoon ayon sa Kanyang panahon at sa pamamaraang pinakamainam para mabiyayaan tayo. O, kung iisiping mabuti, madalas nating matatanto na alam na alam na natin ang dapat nating gawin.

Huwag sana kayong mawalan ng pag-asa kung hindi agad ito nangyayari. Tulad ng pag-aaral ng wikang banyaga, kinakailangan nito ang pagsasanay at pagsisikap. Subalit dapat niyong malaman na matututuhan ninyo ang wika ng Espiritu, at kapag nangyari ito, lalakas ang inyong pananampalataya at kapangyarihan sa kabutihan.

(J. Devn Cornish, “Ang Pribilehiyong Manalangin,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 103)

Paano kung madama ko na hindi ako karapat-dapat na manalangin?

Itinuro ni Elder J. Devn Cornish ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder J. Devn Cornish. Photographed August 2017.

May panganib na makaramdam ang isang tao na hindi siya karapat-dapat manalangin. Ang ideyang iyan ay galing sa masamang espiritu na siyang nagtuturo sa atin na huwag magdasal (tingnan sa 2 Nephi 32:8). Nakapanlulumong isipin na masyado tayong makasalanan para magdasal tulad ng isang taong may malubhang sakit na naniniwalang masyadong malala ang sakit niya para magpatingin sa doktor!

(J. Devn Cornish, “Ang Pribilehiyong Manalangin,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 103)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ano pa ang matututuhan ko mula sa Panalangin ng Panginoon?

Ang Panalangin ng Panginoon ay nagbibigay ng maraming kaalaman tungkol sa makabuluhang panalangin. Ang mga sumusunod na mensahe ay nagbibigay ng mga turo tungkol sa mga partikular na bahagi ng Panalangin ng Panginoon. Maaari mong gamitin ang anumang bahagi ng mga mensaheng ito kapalit ng bahagi ng lesson na may pamagat na “Pag-aralan pa ang tungkol sa panalangin.”

Russell M. Nelson, “Mga Aral mula sa mga Panalangin ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 46–49

2:3

J. Devn Cornish, “Ang Pribilehiyong Manalangin,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 101–3

2:3